Para sa akin, may mga ibat ibang klase ng kalendaryo, roman calendar, lunar calendar, hebrew calendar ba un, at iba pa, so iba iba sila,
And then walang kaso ang araw ng pagsimba o pagsamba, mapa lingo, mapa sabado, lunes, martes, miyerkules, huwebes, byernes, para sakin ang Kristiyano araw araw nagsasamba, (kumakain-nagsasamba, naglalaba, nagtratrabaho nagsasamba ka parin, atbp.) as long as nakatuon ang iyong pansin sa Panginoon, ginagawa mo ang isang bagay ng may kagalakan at pag-ibig na parang ginagawa mo iyon para kay Lord, Kumakain ka para kay Lord, ngatratrabaho ka para kay Lord, Sumasakay ka sa MRT, jeep, bus, tricycle, para kay Lord, yong dahil sa galak na nasa puso mo, ay napapaawit ka, taz nginingitian mo ang mga kasalubong mo at napapangiti din sila dahil kay LORD. Kung baga nagagawa mo ang iyong purpose sa buhay, dahil sa habag at biyaya ni Lord,
Sa pagpunta din sa Bahay Sambahan, ay araw ng pagtitipon ng mga kapatiran, Fellowship ang tawag dun, isa ding katangian ng pagsamba, nagpapatotoo, nagpapalakasan, nananalangin, nagkakamustahan, nagkakantahan, minsan pa nga nagiiyakan dahil sa mga iba pang dahilan, nagtutulungan.
Tama din ang araw ng pamamahinga,[magkaiba ang pamamahinga sa araw ng pagtitipon ng mga kapatiran], DAY_OFF kung baga, ipangilin mo ang araw na iyon para kay Lord at sa iyong sarili. Ikaw nang bahala pumili ng araw na iyon ayon sa iyong pamumuhay, trabaho at schedules, pwede ka ding mag change schedule kung may emergency, basta sa isang lingo ay may araw ng pamamahinga.
God is a Spirit: and they that worship him must worship him in spirit and in truth. John 4:24 KJV