Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ano kulang sa pinas pra umunlad?

Interesting question at parang lahat yata pati ang mga government officials ay clueless! Kasi kung alam nila bakit hangga ngayon hindi pa tayo umaasenso. No offense meant to present and past presidents pero kulang pa talaga ang efforts nila.

Para sa akin kulang tayo sa proper management. Mismanage ang ating economy at walang continuation of policy. Pabago-bago ang objectives. Different president, different priorities, different projects. Maraming resources ang nasasayang na dapat ay nagagamit sa mga proyektong pangkaunlaran.

Ang sabi ni Pnoy kabag walang corrupt, walang mahirap! Ito kaya ang kailangan para umunlad? Tingin ko hindi. Pwedeng precondition o requirement pero hindi main reason. Mahaba at matagal ang process ng pagunlad kaya dapat tuloy-tuloy ang paglalakbay tungo sa pagunlad.

To begin with let's start with ourselves and our families. Based on my experience, our family progressed because of education. Kung lahat ay magsisikap mag-aral at magtrabaho pagkatapos ay aasenso tayo individually. Kapag umasenso tayo individually aasenso tayo collectively since our country is composed of individual citizens. Mas sigurado ang paraan na ito kaysa i-aasa natin ang ating buhay at pagasenso sa gobyerno at sa ibang tao.
 
Ang kulang sa Pinas para umasenso ay:

Will of Law - pag batas, batas dapat ipatupad, walang mahirap o mayaman.
Disiplina ng mamayan
Tangkilikin ang sariling atin na produkto
Nasyonalismo

Kung ang bansa na may malasakit ang kanyang mga mamayan siguro walang opisyal ng Gobyerno ang magiging kurap!
 
kawalan ng DISIPLINA...
DAMI ng TAO...
at KITID NG UTAK...
 
malbo na tayo umunlad,ang pusong nationlismo wala sa atin mula masakop tayo ng kastila 400 year at hapon 5 year at amerikano 15year at hangang parang sakop pa rin nila tyo,ang napansin ko sa kasaysayan lahat bansang naskop ng ibang lahi tulad ng sa atin hirap umunlad,lalot sa matagal na pahon tyo naskop,ang thailand hindi naskop ng anumang bansa kaya THAI means free, kung magulo man bansa nila itoy hindi emplowensia ng ibang bansa sa kanila,,ang gulo dito sa laging may kinlaman ang amerikno
 
Walang kulang sa pilipinas kundi sobra pa.. sobra sa mga pinunong corrupt.

sana magkaroon ng batas na pag napatunayang nag corrupt ang isang politiko eh mabitay! :ranting:

sa Pilipinas madaming masisipag na tao so walang dahilan para maghirap tayo. Natural resources; yamang lupa at dagat, dami natin niyan. At ang mga tao indemand here and abroad dahil hindi lang sa sipag kundi competent talaga tayong mga pinoy kahit sa anong larangan.

Nasa mga pinuno pa rin nakasasalalay ang ikauunlad ng ating bayan. Amen! :pray:
 
ang kulang sa pilipinas pag kakaisa ng gobyerno at ng mamamayan, gusto kasi ng gobyerno sila masusunod lagi, ayaw nila pakingan at tuparin at hinaing ng mamamayan puro mayayaman lamang ang priority nila.
 
Mindset. gaya gaya kasi ang pinoy. ano ba asset natin? matabang lupa, at mayaman na dagat. Kamusta naman ang pagsasaka dito sa atin? Kailangan ng sapat na tulong sa magsasaka. Dyan galing ang lahat, pagkain at raw materials. Kaya naman natin di umangkat ng bigas. Problema unti unti nang sumusuko ang mga nagsasaka. Wala kasing tulong.
Natanim na kasi sa isip ng pinoy na kapag magsasaka ka, mababang uri ka ng mamamayan. Gusto lahat magtrabaho sa maynila, sa opisina. Di mo rin naman masisisi, dahil naghihirap ang magsasaka dahil walang tulong ng gobyerno.

Hindi mahirap mag-isip ng solusyon. Kulang lang sa implementation, dahil sa pansariling agenda. Kung may magaling man na mamumuno, kakainin lang ng sistema kung di matapang at maraming pinagkakautangan ng loob.
 
Government and Social reform

and the rest will follow :)
 
actually, wala nman tlga kulang sa pilipinas eh.
nasa atin n nga lahat eh, likas yaman, mta2linong tao.

kung lahat lang ng pilipino ay magiging tapat sa kanilang sa sarili, sa kanilang tungkulin at pananaw sa buhay, siguradong aasenso tau.

nasa tao talaga, depende sa tao..
 
Political Will, Morality at Cooperation
 
sipag+tyaga=success
mga pilipino kasi tamad di ko naman nilalahat. yung mga kabataan ngayon ambabata magsipagasawa at yung mga napapangsawa pa kung hindi tambay adik..kung gusto mo talga may marating sa buhay magsumikap ka...lahat ng bagay pinaghihirapan yan di dahilan ang kahirapan..
 
malabong umunlad ang Pinas kase geographically speaking hindi tayo buong bansa!! Yun ang isang susi para mas mabilis na umunlad ang isang bansa.. Look all progressive countries right now, America, China, Japan, mga countries sa Europe, Russia di ba hindi naman sila pulo-pulong mga bansa kase buo yung land nila.. sa lupain na nga lang watak-watak na sinundan pa ng magkakaibang diyaleko.. at napaka maeepal na Pinoy!! sa gobyerno rooted na si korapsyon.. well God only knows what's the best for Philippines!! Just always pray for our beloved country!!
 
lahat tayu may pagkukulang..

sa edukasyon: maraming mahihirap na gus2 mag aral pero walang pera pra ipag-aaral. marami ding teachers na take for granted ang trabaho basta naka lecture sila sa studyante ok na yun kahit mali2x.

sa gobyerno: lahat nang politiko nag aapakan kaysa mag tulungan. hinahanapan nang mali ang isa para ang isa ay magkaroon nang pangalan..:upset:

sa trabaho: maraming freshly graduate na matatalino pero walang trabaho kasi ngayun "JOB HIRING MUST HAVE 2 YEARS EXPERIENCE" 1 reason din yan kaya nag iibang bansa ang iba kasi walang job opportunity dito..

sa ordinaryong tao: pag mayaman tamad kung mag aral kasi alam nila na kaya nilang bayaran ang teachers nila para sila ay pumasa. kung mahirap naman, mahirap na nga tamad pa rin.. likas kasi sa pinoy ang pagka JUAN TAMAD.. nag tutulungan nga pero pag may sakuna lang.. tsk3:upset::upset:
 
Sa opinyon ko, kailangang maging isang Federal Republic ang Pilipinas para maging "decentralized" kumpara sa kasalukuyang sistema na "centralized". Kung mapapansin niyo, karamihan sa mga pondo ay palaging sa Manila napupunta. Nacecentralize dito ang atensyon ng gobyerno at tao, hindi masyadong napapansin ang mga probinsiya.

Kung naging federal republic, ang mga LGU o Local Government Unit ay magkakaroon ng mas higit na pagiging "autonomous" at malaya. Dito, ang karamihan ng kinikita ng isang probinsya ay sa probinsya din na iyon mapupunta. Mas mapapagtuunan pansin nila ang mga local project at magkakaroon ng kumpetisyon sa iba't ibang probinsya. At dahil sa mga kumpetisyon na yon, magdadatingan na ang mga foreign investors na mag-iinvest sa mga project na ito. So uunlad ang ekonomiya ng bansa.
 
Disiplina lang talaga ang kulang sa pilipinas..nakakahiya man aminin pero totoo po ito..
 
Back
Top Bottom