Do you have choice ? or
you have no choice ? sila sila lang rin naman ang natakbo correct if im wrong
medyo mahirap na tanong yan. pero sa palagay ko parehong pwede, we still have a choice. hindi pa naman lahat ng mga botante ay mangmang, meron na pa rin namang natitirang mga matitino. sana ang mga matitinong ito ang dapat gumawa ng hakbang para mamulat ang ating mga kababayan sa kung sino ang tama at nararapat na mamuno. sabi nga ni nelson mandela. "fools multiply when wise men are silent." sila ang magsisilbing liwanag sa kadiliman. at sa mga mamumuno naman naniniwala pa rin ako na mayroon din namang natitirang matitinong mga nais mamuno na handang magsakripisyo at ialay ang sarili para sa kapakanan ng bansa.
at dun naman sa we have no choice, pwede rin gaya nga ng sinabi mo sila sila rin ang tumatakbo, sabi nga eh ang politika dito satin ginawa na nilang family business. kung meron mang matinong nais magsilbi sa bayan, eh nakapahirap para sa kanya ang manalo, lalong lalo na kung sya ay pangkaraniwang tao. dahil kulang sya sa kapangyarihan, kasikatan, pera, popularidad, at kung ano-ano pa laban sa kanyang kalaban na isang sikat at makapangyarihan pero tiwaling politiko.
sabihin na natin na magkakaroon nga tayo ng isang tunay, tapat at makapagkakatiwalaang mamumuno at nagkaroon na nga ng pagunlad ang ating bayan sa loob kanyang pamamalakad, ngunit at subalit pagkatapos ng kanyang termino ay magkaroon naman tayo ng isang ganid, abusado, diktador, lasing sa kapangyarihan na walang alam kundi umutang sa ibang bansa at limasin ang kaban ng bayan. hindi ba't ang ginawa ng isang matinong namuno sa loob ng anim na taon ay sa loob lamang ng 6 na buwan ay nawala na sa kamay ng isang tiwaling politiko anupa't kung manatili pa ito sa loob ng 6 na taon o higit pa ano na ang mangyayari sa bayan.
Kaya naman nasa atin pa rin ang kapangyarihan kung paano natin maisasaayos ang ating bayan. kung matalino o matuwid tayong botante nawa'y magsilbi tayong virus na kumalat para sa iba o maging liwanag para sa mga nasa kadiliman. Ngunit ang malaking tanong ay KAYA BA at PAANO?