Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano sa Tingin niyo Solusyon sa Traffic sa Manila?

duploader

The Patriot
Advanced Member
Messages
673
Reaction score
4
Points
28
Ito sa tingin ko makakatulong para sa lumalalang trapik sa manila:
-Higher Tax/VAT for private vehicles
-Increase Private Transportation like Trains and Bus
-Public transportation should be managed and owned by the government
-Public transportation drivers are paid by salary
-Malaking multa para sa mga lalabag ng traffic rules
-train from manila to south(cavite, etc)

Ano pa sa tingin niyo mga solusyon sa trapik. Sa tingin ko sa sobrang dami na ng sasakyan sa manila eh di na magkasya sa mga daan. Every day nadadagdagan dahil bili ng bili ang mga tao.

It's a good thing umuwi na ako sa province hehehe. Walang traffic! Grabe naalala ko noon 5 hours bago ako nakarating sa house from work. Ngayon 15-30mins lang nasa house na ako hahahah
 
1. gumamit ng bisikleta if malapit lang naman, exercise pa..
2. ipagbawal ang paggawa at pagbenta ng mga sasakyan..
3. gibain ang mga tulay at kalsada, dagdagan ang mga mrt at sasakyang pangtubig, para kahit bumaha ok lang.
4. taasan ang MBPS ng internet connection, para ang office work, sa bahay na lang.
 
Para sken over populated lang talaga d2, dapat alisin na ang provincial rate para magsiuwian na ng province, mataas na sahod lang habol ng karamihan eh.
 
Ilipat ang ibang daungan ng barko sa subic zambales..para mabawasan ang mga malalaking track jan sa manila!!!
 
Para sken over populated lang talaga d2, dapat alisin na ang provincial rate para magsiuwian na ng province, mataas na sahod lang habol ng karamihan eh.

Maski alisin ang provincial rate eh wala para gaano work sa provinces. Karamihan blue collar pa. So kung madadagdagan ang work sa mga probinsya then hindi na kelangan pumunta ng mga graduates sa manila para maghanap ng work.

Ilipat ang ibang daungan ng barko sa subic zambales..para mabawasan ang mga malalaking track jan sa manila!!!

+1 for this. May nakapagsabi din sa akin na pati din daw sa cavite dapat lagyan ng port
 
naisip ko dati. yung naisip ni pain. 1/2 population ng Philippines, patayin , nuclear bomb or what . luluwag pilipinas . pero naisip ko masama yun ..

kaya iba nalang. factors kasi bat traffic, volume ng sasakyan, choke points, port congestions. system ng delivery logistics, side vendors, highway systems, workers, students, basura at traffic discipline.


kaya ano an common sa lahat ng yan.? may mga tao. na involve. so dapat tayo muna mag bago. para mag karoon ng pag babago. lahat kasi ng batas na naiimpliment. pinag aaral yan at may mga dry run pa . pero tayo hirap sa pag sunod. di natin kayang mag bago. tumanggap ng pag kakamali or ayaw natin macorrect tayo sa sarili nating sistema
 
I think the main solution here is to discipline the PUV drivers. We cannot expect them to become discipline as most of them have no education. I'm sure most drivers know the Do's and Don'ts but have a hard time doing the right thing so here's where the traffic enforcers come in. They need to be strict in implementing the rule and refrain from accepting bribes from drivers. If you observe the major roads, more often than not it's the PUVs that are causing traffic. You see them just idling in Edsa and most of them don't have any passengers. If the PUVs keep moving then traffic won't be as bad. They need to have designated bus stop like in other countries. The government usually blames the private vehicles but how often do you see a private vehicles stopping like buses do in Edsa - almost non-existence. So they should try to enforce the laws of the street as strictly as possible first before looking elsewhere.
 
+1 kay sir motoro !
mag uumpisa dapat yan sa motorista .. DISIPLINA, minsan kasi yung mga maliliit na bagay na pwede natin gawin habang nag mamaneho tayo akala natin walang epekto pero ang totoo napakalaking epekto nito. sa no loading/unloading area nalang may mga nagbababa at nagsasakay pa din ng pasahero ang katwiran nila isang pasahero lang naman at hindi aabutin ng isang minuto, pero yung segundo na nag unload or load ka sa maling lugar napakalaking epekto sa mga sasakyan sa likuran mo.

dapat may subway tayo kasi nga over populated na ang mga sasakyan at mga MRT / tren. atleast 30% ng mga nag co commute mai divert sa subway. .. napakalaking kabawasan sa trapiko nyan. ang problema naman yung gobyero natin kapag nag project ng subway pagkakakitaan naman nila itong project na to.
 
patayin si noynoy, patayin si binay, saka patayin mga bobong senador...
 
well sakin ito lang solusyon ko dyan ilipat ang mga factory sa labas ng manila ilagay sa probinsya at ilipat din ang mga daungan ng barko at hindi dapat isang daungan lang dapat 3 o 4 na daungan para maiwasan ang port congestion sa bawat daungan ng barko pwede maglagay ng daungan sa Quezon province, batangas, subic at Bataan.bakit kamo sa mga probinsya ilalagay ang mga factory? simple lang malaki at malalawak ang mga lupang tiwangwang sa probinsiya, tapos maggawa ng mga pabahay malapit sa mga factory na paglilipatan ng factory at saka nila ilipat ang mga squatter area ng sa ganun mabawasan ang mga squatter at hindi na bumalik sa manila kasi kaya lang naman nagsisisiksik sa manila ang mga yan kahit ilipat mo na kasi wala naman sila kabuhayan sa pinaglilipatan sa kanila.kung may kabuhayan sila na magkakakitaan sa paglilipatan sigurado hindi na sila aalis sa relocation area na pagdadalan sa kanila. ngayon habang inaalis ang mga squatter sa mga area gaya ng ilog idevelop ang ilog lakihan ng sa ganun magamit na alternatibong daan para sa mabilis na pagpunta sa ibat ibang panig ng manila.kung kinakailangan gumawa ng ilog na lagusan sa isang lugar sa manila gawin at dun lang maglagay ng terminal para sa mga pampublikong dyip para ng sa ganun dun lang sasakay ang mga tao. nasa tamang systema lang kasi yan at disiplina. alam ko mahirap gawin ang sinabi ko kasi malaking gastos sa pondo ang kailangan pero ito naman ang isang solusyon na talagang pangmatagalan at ang pilipinas ay hindi lamang binubuo ng manila yan ang lagi nyo iisipin.dapat pati ang malayong lugar at parte ng pilipinas ay nakikinabang din sa pag unlad na nakakamtan ng umuunlad na kumunidad.kung baga ang edukasyon para sa isang bata na nasa manila at dapat parehas ng antas ng batang nasa liblib na lugar.
 
naisip ko dati. yung naisip ni pain. 1/2 population ng Philippines, patayin , nuclear bomb or what . luluwag pilipinas . pero naisip ko masama yun ..

kaya iba nalang. factors kasi bat traffic, volume ng sasakyan, choke points, port congestions. system ng delivery logistics, side vendors, highway systems, workers, students, basura at traffic discipline.


kaya ano an common sa lahat ng yan.? may mga tao. na involve. so dapat tayo muna mag bago. para mag karoon ng pag babago. lahat kasi ng batas na naiimpliment. pinag aaral yan at may mga dry run pa . pero tayo hirap sa pag sunod. di natin kayang mag bago. tumanggap ng pag kakamali or ayaw natin macorrect tayo sa sarili nating sistema

ito ang tama...batas trapiko sa manila ay OK naman.. ang hindi ok dun eh hindi sinusunod ng karamihang driver...
Hindi naman natin pwede sisihin ang mga PUV drivers, hindi naman yan sila titigil kung walang sasakay... alam naman ng mga passenger na bawal sumakay sa area na bawal pero dun sila nag sstay para sumakay kaya mga PUV drivers napipilitang mag sakay sa mga pinagbabawal na lugar... at isa pa sa mga MMDA or traffic enforcer na nag papabayad once na may nahuling driver na nag violate sa rules kaya madaming driver ang hindi nadadala...
 
wag ilagay ang mga malls malapit sa edsa, lalo ngtatraffic kapag my mga sale at swelduhan mdaming tao ang pumupunta sa mga malls.. dumadami ang mga sasakyan pero hinde lumalapad ang kalsada, mura nlng kc kumuha ng kotse ngyn..
 
Last edited:
Back
Top Bottom