Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Anong masasabi niyo sa bagong Eat Bulaga?

Bagong EB -- Yay or nay?

  • Okay lang 👍🏻

    Votes: 2 12.5%
  • Bulagta 👎🏻

    Votes: 7 43.8%
  • Lampake. Solid Showtime/Kapamilya ako.

    Votes: 0 0.0%
  • No comment. Di na 'ko nanonood ng TV eh.

    Votes: 7 43.8%

  • Total voters
    16

r a Z e

 
 
限りのない
Silver Master
Heroic Star Member
Heroic Founding Member
Epic Diamond Member
Messages
30,488
Reaction score
17,446
Points
2,228
1685947425953.jpeg
Ngayong Lunes, June 5, 2023, bago na ang mga mukha na sumalang sa entablado ng Eat Bulaga! Dabarkads.

Pinangunahan ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang bagong hosts, at kasama niya ang comedians na sina Betong Sumaya at Buboy Villar.

Kasama rin ang twins na sina Cassy at Mavy Legaspi, pati na ang dating Tropang Lol host na si Alexa Miro.

Halos 30 minutos ang itinagal ng opening number kunsaan nasaksihan ang solo song number nina Paolo at Alexa, at sinamahan ng dance showdown ng Legaspi twins.

Puno ang studio ng live audience.

Masiglang unang pagbati ni Paolo, "Dabarkads, tara!"

Sabay-sabay na hiyaw ng hosts, "Eat Bulaga!"

Maya-maya pa ay dugtong ni Paolo patungkol sa viewers, "Kayo po ang dahilan kaya tuluy-tuloy lang. Nandito tayo dahil gusto natin araw-araw masaya!"

Live ang telecast sa APT Studio sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.


-- courtesy of Pep.ph


Ilang araw ding hiatus ang EB pagkatapos kumalas ng TVJ & original Dabarkads sa TAPE Incorporated na hawak ng pamilyang Jalosjos. Kaya kanina, pinalabas na finally yung bago (or should I say rebranded?) na Eat Bulaga! headlined by none other than Paolo Ballesteros Contis.

Napanood niyo ba? Anong masasabi niyo? Mukha bang hindi magtatagal or willing kayong bigyan ng chance kahit papano?
Feel free to post your opinions/reactions below :approve:
 
Tingin ko tatapusin lang yung kontrata nila sa GMA para sa timeslot na yan.
 
Bulagta for me, TVJ supporter ako hehe tho bihira ako manood ng TV these days but since childhood days EatBulaga pa din kinalakihan ko sa Philippine TV

Tingin ko tatapusin lang yung kontrata nila sa GMA para sa timeslot na yan.
Totoo, 2024 pa daw eh but for now will shift our TV if ever mag appear TVJ sa ibang noontime shows
 
Bulagta for me, TVJ supporter ako hehe tho bihira ako manood ng TV these days but since childhood days EatBulaga pa din kinalakihan ko sa Philippine TV


Totoo, 2024 pa daw eh but for now will shift our TV if ever mag appear TVJ sa ibang noontime shows
Malamang mag sing edad lang tayo kaya laking Vic Sotto. open to changes naman pero di na rin ako lately nanunuod ng TV.
 
Tingin ko tatapusin lang yung kontrata nila sa GMA para sa timeslot na yan.
Oo nga eh. Hanggang end of 2024 pa daw based sa isang statement ni Annette Gozon. Pero tingin ko the show would fare much better kung sana hindi na lang nila ginamit yung "Eat Bulaga" na show name. O siguro baka kasi yun din talaga yung nakasaad na show sa contract nila with GMA kaya siguro no choice na rin ang TAPE Inc. pagdating sa ganyang bagay, kaya di nila pwedeng palitan.


Bulagta for me, TVJ supporter ako hehe tho bihira ako manood ng TV these days but since childhood days EatBulaga pa din kinalakihan ko sa Philippine TV
Napasilip nga ako kanina sa TV, parang ang weird nga na di mo naririnig boses nila Vic and/or Joey, walang nagbabanggit ng term na "bossing," walang mga nakakatawang hirit galing sa JoWaPao, wala yung mga tawa/hiyaw ni Allan K., wala yung boses ni Ryan Agoncillo, walang Juan For All, etc. It's basically a whole different show with a whole different vibe. Nagkataon lang na "Eat Bulaga" yung show name.
 
Parang bubble gang na variety show dahil kay Contis haha, totoo yung mga banat nila Jose nakakamiss jan

Naalala ko wayback early pandemic pinagpapanood ko mga replay nila noon


Dapat palitan na nila YT avatar haha

1685950464107.png
 
Nako sa JFAAFJ pa lang, ang dami na talagang nakakatawang moments dyan eh :lol:

Hanggang ngayon di ko pa nga rin nakakalimutan yang na-out of balance & nahulog si Jose :lol: Tapos nakiligo pa siya nyan sa bahay ng winner di ba :lol:

Tapos pag kunwari absent si Allan K. kasi busy sa ibang shows o kaya nakabakasyon, laging niloloko ng TVJ & nila Jose & Wally na pumanaw na raw :lol:
 
Not a tv-natic pero I guess downfall na to ng EB kasi ung essence ng show—its OG hosts—e wala na. It might get back to its feet but it’ll take time since new faces gusto ng management.
 
Not a tv-natic pero I guess downfall na to ng EB kasi ung essence ng show—its OG hosts—e wala na. It might get back to its feet but it’ll take time since new faces gusto ng management.
Agree paps. Tingin ko pag tumagal-tagal naman, once they start to figure out things para mapaganda & maayos yung show, eh magkakaroon naman sila ng kahit decent amount of following na composed of people who gave them a chance. Kaso yun nga, in the end they're just "Eat Bulaga" by name lang kasi wala na yung vibe/essence na nakasanayan na ng mga tao.
 
habang tumatagal Mas gusto ko na sya ngayon. nung pinanood ko ulit E.A.T. ang borring na ung sounds parang hilaw tapos liit ng studio
para silang sardinas na nagsisiksikan don. ung audience limited lang mga 100 plus lang ata kc nga maliit. parang wala na ung magic ng saya
tsaka very catchy ung bago sa dami ng pa premyo.
 
ang liit ng studio ng E.A.T, mas maganda yung luma padin na studio nila
 
Mas solid pa din yung dati
ang liit ng studio ng E.A.T, mas maganda yung luma padin na studio nila

Oo. Iba pa rin yung saya nung nasa Broadway or sa bago nilang studio sa Rizal yung mga orig Dabarkads eh. Ang liit kasi ng studio nila sa TV5, di tuloy sila makagawa/makapaglagay ng magagandang stage sets para sa mga contests nila tulad sa Give Me 5 or yung rebranded nilang Bawal Judgmental (nakalimutan ko yung pangalan lol).
 
Back
Top Bottom