Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Backstory ni HHubs (Ha? Sino?)

HHubs (pronounced as Hyoubs / Hyoobs) :)

- most people misspell it as Hubs, Hubbs and Hubss
- usually pronounced by others as Hubs (as in network hub), Ha-Habs and just recently H-Hubs (eych - hubs)


Mahilig ako makinig sa music pero walang hilig ang music sa akin. Noong 1999, nirekomenda ng aking kaibigan na subukang magdownload ng mp3s sa isang computer software na tinatawag na mIRC.
Ang unang impression ko noon sa mIRC ay ginagamit lang ito para sa chat pero nalaman ko na uso rin pala dito ang file sharing through DCC.
Armed with a Pentium 166 MMX, an 8-gigabyte hard drive and a dial-up connection, I registered the nickname / username HHubs at DALNET and joined the mp3 channel #cable-pinoy-mp3.

Leecher akong matatawag noong mga unang buwan ko roon pero pagkatapos ko makaipon ng 1,000+ na mp3s, naisip kong magserve na rin para ma-share ko naman sa iba yung files ko.
Serving was fairly simple; just install an addon to mIRC, generate the database and stay online for people to leech files from your PC. (Para lang nagse-send ng files via YM or Skype pero automated)
More months passed and I was promoted as one of the channel's operators. It's not much of an achievement though, kasi wala rin namang bigatin na requirement or application process na dinadaan para maging OP.

2006 nang ako'y mag retire sa pagiging isang active server sa mIRC and I must say that it was fun while it lasted.

Naging busy naman ako sa aking personal na buhay at nakabalik lang ulit sa "internet scene" noong 2008.

Early 2008, naikwento sa akin ng girlfriend ko na may website raw na pinupuntahan ang kaibigan niyang si Carlene (aka sexy and single). Doon daw siya kumukuha ng mp3s at tumatambay kasama si Nel at ang sabi pa niya ay masaya rin daw doon.

Binisita ko ang Symbianize at ni-register muli ang username na HHubs.
Sa pagkakataong ito, bitbit ko ang 250 gigabytes na mp3s at ang aking hangad na mai-share ang aking files sa mga members... pero siyempre kasama na rin doon yung makapag leech ng bagong mp3s. :lol:

Bilang isang adik sa mp3s, dumeretso ako sa Tones and Audio section. I must admit, nanibago ako sa sistema ng Symbianize at sa concept ng forums in general at na-realize ko na kailangan ko mag-adjust.

Karamihan ng nagre-request, gusto sa Mediafire o Plunder i-upload ang mga hinihingi nilang files. Ok lang sana sa akin ang MF pero laging napuputol ang uploads ko dahil sa palpak na SmartBro at nahihirapan naman ako mag-upload sa Plunder dahil hindi gaanong organized yung batch uploads kaya napilitan akong mag-upload sa 4shared. Pag may nag request ng mp3, album o re-up, inaaksyunan ko lang agad. Napag-usapan nga namin ito ni sir acunanan noong nagkita-kita ang Staff sa Trinoma last December. Ang biro nga niya ay para raw kaming nagkakarerang tatlo kasama si sir Kharz sa pag-grant at pag-upload ng mp3s. :lol: Si sir Kharz na yung pinakamabilis mag-upload ng files at karamihan ng requests ay natutugunan na niya kaya naisip kong humanap ng ibang raket. :lol:

Napadpad naman ako sa Music Charts thread ni sir boyti899. Swak na swak yung thread niya sa hilig kong makinig sa mga chart-topping hits sa local radio.
Sa nasabing thread ako nagsimulang magpost ng weekend charts ng 89.9 , 89.1, 93.1 at iba pa na may kasamang download links. Ito na rin ang naging regular contribution ko sa Symbianize mula noong 2008 to 2010 pero nag-g-grant pa rin ako ng requests from time to time.

Sa totoo lang, bihira ako makipag-interact sa ibang members (lurker lang ako sa Ampunan). Hindi ako lumalabas sa Media Zone at hindi ko rin pinapansin noong umpisa yung Thanks count, Reputation system at Report system. Saka lang ako naging familiar dito noong nagkaroon ng issue regarding rep fraud at noon ko lang din naisipang magbasa sa Users Feedback at Symbianize Bulletin.

Nasanay na ako na walang nagpapasalamat sa pagshare ng files sa mIRC, wala naman kasing ganun doon at kung may magpasalamat man, bihira lang. Ang alam kasi ng karamihan, mga bot lang kami. Pero ok din pala kapag may mga taong hayagang nagpapasalamat at nakaka-appreciate ng efforts mo.

Mapalad akong napasali sa Contributor group noong December 2009 at nasabitan ng medalya noong March 2010.
Late 2010 naman nang mabaling ang aking hilig sa Android at tuluyan ko nang iniwan ang Media Zone.

Nag pakalat-kalat ako sa Mobile Hardware Zone noon dahil hindi pa gaanong sikat ang Android sa Symbianize at iilan pa lamang ang threads na related sa Android. I must say na naging challenging ang umpisa ng Android, mula sa paghagilap ng mga members na handang mag share ng kanilang kaalaman at umalalay sa mga baguhang tulad ko. Pero matapos ang ilang buwan na pagiging exposed sa Android, pinilit ko na rin na tumulong sa iba sa abot ng aking makakaya. Early 2011 naman nang idagdag ng Administrator ang Non-Symbian Software Zone kung saan kabilang ang Android OS Softwares forum at naging daan ito upang mapadali ang mga discussions at sharing ng mga bagay tungkol sa Android.

August 2011 naman nang ako ay matanggap bilang Moderator Trainee.
Pumasa at na-promote bilang Lv1 Moderator noong September 2011.

Sa ngayon, busy na ako sa duties ko bilang Moderator ng Symbianize. Hindi na ako gaanong nakakapag-butingting ng aking Android phone at bihira na lang din ako makapag share ng apps. Sinusubukan ko pa rin naman tumulong hanggat kaya ko o kapag nadadaanan ko sila sa aking "ronda".

Naging masaya at makabuluhan ang pamamalagi ko rito sa Symbianize and I'm hopeful na mas magiging masaya pa ang mga susunod na taon para sa ating lahat.

Sa lahat ng members, huwag sana tayong magsasawang tumulong at magbahagi. Tandaan natin na ang Symbianize ay hindi isang forum lamang... ito'y isang Community. Gusto ko na rin kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat na tumatangkilik ng Symbianize at sa mga miyembrong walang sawang tumutulong sa kapwa miyembro. :)

Pahabol na regalo ko para sa inyo.

2011 Year-end countdown of Wave 89.1, Magic 89.9 and Monster Radio RX 93.1

(4 hours ko inupload yan at huwag po kayo mag-alala, mediafire po lahat yan. :lol:)
 
Last edited:
heheh, nice po sir :approve: magpapasalamat na rin po ako sa reputation na nakuha ko galing sayo sir eych hubs :lol: :salute:
 
nabigyan pala kita? :lol:
napatingin tuloy ako sa profile mo. hehe.
you earned your +rep. keep up the good work. :yes:
 
opo medyo matagal na kasi :lol: salamat po ulit :yes:
 
nice read, sir! :clap: naka-relate ako, kasi hilig ko din ang music, sa katunayan nga e ako yung nagpapatugtog palagi sa opisina namin (gamit yung cp ko as player)...it gives me some kind of satisfaction kapag nakikita ko yung mga ka-workmates ko singing along sa music na pinapatugtog ko...yun nga lang you to be mindful of your music selection kasi hindi naman lahat papatok sa "audience" mo...ahehe napa-share na tuloy ako... :ashamed:
 

Mas lalo tuloy akong na-motivate na i-share ang aking Symb story ... so far mayroon na akong 4 drafts sa aking 3 year old notebook. 'Di ko pa din na-ta-type kasi kinakabahan ako, baka same "tune" lang. ehehe ...

Nice to know your Symb history sir joel, este HHubs. We're glad to have you here in Symbianize. :salute:
 
Ganda po ng story niyo sir...Parehas pala tayo sir HHubs mahilig din ako sa music sir,.,na inspire ako na share din ang story ng buhay ko...
 
nice story sir. HHUbs :salute:
ako din may ni share din ako mp3 kaso konti lang kase rumerenta pa ako dati para mag upload.., :lmao:
salamat nga po pala ulit sa +rep na bigay mo sa games na ni share ko sa non-smart phone games :approve:
 
Hehehe . Akala ko talaga Hubs ang basa dun as in hub , yun pala Hyoobs or Hyoubs. Nyahahaha . Ang galing ng story mo Sir HHubs , nakaka inspire talaga lalo na sa mga taong katulad ko. Sana pagpatuloy mo pa ung pag tulong sa lahat ng member dito sa Symbianize.

More powers to you and God Bless :D
(powers ?!! Ang dami ah! :D)
 
Last edited:
Sir HHubs is probably one of the nicest persons na nakausap ko dito sa Symbianize.

Sa kanya ako nagtatanong pag nagpa-panic ako sa Android phone ko :D
And I am glad to say, he never failed to impress me.
Hindi lang dahil sa kanyang technical know-how, but also with his character.
Napaka-accommodating na tao :yes:
Wala ka mararamdaman na tinge of angas or pagmamagaling.
Sinasagot talaga niya ang tanong mo ng maayos.

Dahil diyan, etong sayo Sir ---> :salute:

EDIT: Ang basa ko sa Username mo dati ay Eytch-Habs, mali pala :peace: :D
 
Last edited:

Agreed to Eytch-erbs este hebsz_8. Even during our Moderator training, very down to earth at magaan kausap, at nung nagkita kita kami? Nakow, mas komportable at kausap kasama. :salute:
 
maganda po story nyo sir HHubs! nakakainspire po! :alright:
 
grabe? Hehe lahat pala nagsimula sa wala nagsimula sa zero, i salute you sir hhubs. Nakaka inspired ang gaya ninyo nila sirchz at iba pang m0derat0r. :salute:
 
Grabe.. Nakakaiyak :weep:
Wooo!!.
Nabasa ko to dahil sa pag basa ng mga thread mo :lol:
Nag-hahanap kasi ako ng tungkol sa Android tapos na daanan ko toh!! ..
IDOL talaga kita..
Lalagay kita sa Signiture pic ko.. Promise :salute:
 
nice story sir hhubs :D

habang binabasa ko story mo, pumapasok sa isip ko kung gaano ako naghirap nung napasok

pa ako nung college sa isang pampublikong unibersidad.


sadyang mahirap at walang papansin sayo sa umpisa pero ayun dumating ang araw na

makakatapos ka at sasabitan ng medalya.

nakaka inspire ang mga ganitong kwento :salute:



salamat sir sa santol na bigay mo dati :D
 
ngayon ko lang nabasa..may story pala si papa HHubs na ganito..nice one :hat:
 
medyo bago palang ako sa symb nabasa ko na 'to kaya una palang alam ko na pano i pronounce username mo
up ko lang kasi may nakausap ako na laging nagkakamali sa pag pronounce, katulad ng karamihan, "HABS" ang tawag nya sayo :lmao:
balak pang makipagtalo, sabi ko may story ka dito naka indicate kung pano i pronounce username mo (for sure mababasa na nya ito)

unang mod na nakausap ko ( sa chatbox) at kinakatakunin rin :p
pano ba naman kasi yung isang member dito sabihan ba naman ako na mag ingat sayo at baka i banned mo ako :slap:
lalo nadagdagan takot ko nung nag post ka sa thread na tinatambayan ko (galaxy ace thread)

pero tama ang lahat, isa kang mabait, walang kahit katiting na yabang na tao :yes:
gentleman :thumbsup:
bully nga lang at di magpapatalo :whistle:


 
Nice story po sir. :thumbsup:
 
Back
Top Bottom