Mam/Sir may 2 questions po ako.
Question 1: Normal lang po ba na makaramdam ka ng insecurity doon sa ipinalit sau ng ex mo?
It has been 5 or 6 months na kaming wala ng ex ko, yet alam ko sa sarili ko ramdam ko pa din talaga siya. Noong unang mga months naging stalker ako sa kanya sa FB kaya lalong nahirapan akong magmove on, tinigil ko lang noong nagpost na siya na kasama na niya yung kanyang bago. Ilang weeks na din po akong hindi nag iistalk at kanina biglang may nakita ako at biglang naramdaman ko ang insecurity sa sarili ko. Bigla kong naramdaman na lamang siya sa akin in all aspect. Normal lang po ba na makaramdam ako ng ganito?
Noong kami pa po kasi aminado ako na masyado ako naging komportable sa relationship namin na iniisip ko hindi na siya mawawala sa akin at akin na talga siya. At aminado ako noong kami pa medjo naging mayabang ako sa kanya, mayabang in the sense na para bang lagi kong binubuhat ang sarili kong bangko ko sa kanya. Although alam ko sa sarili ko biro lang un, pero sa kanya sineseryoso niya.
Question 2: Bakit namimis ko pa din siya until now, kahit na alam kong meron na siyang iba ?
I feel much better po nung tinigil ko na ang pag iistalk, pero aminado ako until now NAMIMIS KO PA DIN TALAGA SIYA kahit ilang months na kaming wala at alam kong may iba na siya . Everytime I feel lonely siya ang naiisip ko na sana andito siya para icomfort ako "dati po kasi tlaga yun ang ginagawa niya lalo pag stress ako sa work ". Everytime naman na masaya ako or going out with my workmates iniisip ko na sana siya na lang ang kasama ko sa kasiyahan na to. At kahit saan ako magpunta lagi ko siyang iniisip na sana siya ang kasama ko ngayon.
Aminado po ako na noong kami pa naging komportable talaga ako at masaya sa kanya, which is yun ang naging mali ko masyado ako naging komportable na napabayaan na siya .
Kaya ito ang theme song ko ngayon sa sarili ko "Kung Maibabalik Ko Lang - BuDaKhel"
Salamat po at gusto ko lang po ishare ang nararamdaman ko, dito ko lang po nasasabi ang nararamdaman ko. Nahihiya kasi ako magpost sa FB ng mga hugot kahit na gusto ko para mailabas ang nararamdaman ko.