Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Better than a regular fan to cool my room

kapaw88

The Fanatic
Advanced Member
Messages
404
Reaction score
0
Points
26
Hi,

Ask ko lang kung ano marerecommend nya na cooling fan para sa kwarto ko na mainit kapag hapon.. Yung fan kasi na gamit ko yung regular stand fan lang.. Balak ko sana bumili ng Air Cooler pero hindi daw maganda yun sa Humid country such as ours.. Ayoko mag aircon.. Iniisip ko kung bili ako industrial fan..
 
TS depende pa rin yan sa

1. weather - kung mainit ba talaga or malamig
2. location - kung yung location ba eh madaming puno, madaming dumadaan na sasakyan, truck, etc...
3. bahay - kung gawa ba ito sa semento or kahoy
4. bubong - kung yung bubuong ba eh yero or semento

kasi yung akin ok naman siya sa ngayon pero pag dating ng April - September? sobrang init yung tipong gustong-gusto ko bumili ng bagong electric fan kulang na nga lang idikit ko yung muka ko sa electric fan pag ganyan yung mga buwan eh dahil sa sobrang init

tips ko na lang sayo TS bili ka bago, pero kung ok pa naman siya linisan mo na lang + buksan mo yung mga bintana pag dating ng umaga or hapon para pumasok yung hangin
 
TS Try mo yung cooler sa lazada meron hh.. kaso lagyan mo ng ice hh para lumamig yan gamit ko, balak ko din mag aircon sa init ng kwarto ko kaso takot ako sa bill ng kuryente :lol:, isa lang kasi benta sa kwarto ko kaya naiipon yung init sa loob, yung tipong gigisingin ka sa init.
 
Okay yung fan ko.. Malinis.. Talagang mainit kasi.. Yung sa cooler naman, hindi daw maganda sa Philippines yun kasi makakasira ng gadget.. Humid kasi yung country natin kaya kapag gamit cooler, mag tutubig yung kwarto at masisira ang gadgets.
 
Palagyan mo exhaust ang kwarto mo sa bandang taas para lumabas ang mainit na hangin. Ang mainit na hangin kasi eh umaangat yan

View attachment 251788
 

Attachments

  • passive.png
    passive.png
    12.5 KB · Views: 7
proper ventilation ang kailangan mo ts, hindi din advisable ang aircooler kasi

kalimitan yun ginagamit outdoor, meron din indoor pero di ibig sabihin mag babasa mga gadgets

same lang din naman sa aircon pag sobra na lamig nagbabasa na paligid di ba.

tingin ko tama yung suggestion ng nasa taas ko na exhaust, isang gastusan lang kumbaga.

mas presko pa hindi kulob sa kwarto mo
 
Last edited:
Back
Top Bottom