bata pa ako, pawisin na ako, lalo na akong naging pawisin dhil palabasa ako ng paa at kamay. pero hindi nman ako mabaho ,kahit na pawisan ako nuon. Ng magdalaga ako, npupuna na nla ako na mbaho ako, pero hndi nman amoy anghit, ung parang mabahong damit. Ng maghigh school ako, npupuna ko na kakaiba na amoy ko, gang nung 2nd year high school ako, sabi sken ng classmate kong lalaki, amoy anghit daw ako. cguro mga twice nya un cnbi sken. pero d nman ako nilalayuan ng mga clasm8 ko, ang dami kong friends. wla ni isa sknila na cnsbhan akong mbho. d ako gnun kabaho hanggang 3rd year high school. pero nung bakasyon before ako mag 4th year high school ,matindi yung init ng panahon. dun nko gumamit ng deodorant. pg nauubusan nga ko, gngmit ko deodorant ng kuya ko. dun ko na npapansin na sobrang baho na ng pawis ko. ng magpasukan, ayun, nag start na ang impyerno sa buhay ko. ni hindi sumagi sa isip ko na lalayuan ako ng lahat. nkakapanlumo , kasi nsa akin ung tampulan ng tuksuhan. nag karoon ng mga kybigan,pero hindi lhat totoo, ksi tinatawanan ako pag nkatalikod ako. ung iba cguro naaawa sken kya khit papano kinakausap nila ko. kya hanggang sa mka graduate ako, my sama pa rin ako na loob sknila. tpos nung college ganun din, masahol pa nung high school,ksi harapan nko kinukuntya. dko ntpos ang kursong yun. d na pati ako kyang pag aralin na magulang ko. tapos nagtrabaho nko, as a janitress, mejo ok nman, walang kumukutya sken, cguro ksi hndi ako naaamoy ng mga ktrbho ko, magkakalayo kami ng pwesto. pero 2 months lng ako nag janitress, nag ipon lng ksi ako ng pang apply ko sa kumpanya. hanggang sa nkhanap nko ng bagong trabaho. umpisa nanaman ng impyerno sa buhay ko. duon ksi linya linya kami ng mga ktrabho ko,mgkakatabi. kya buong araw nila akong naaamoy. nagbabaon pko ng damit na pamalit,para masure na hndi ako aalingasaw ng todo, pero balewala pa rin, naliligo ako araw araw, nagdedeodorant, tapos ngpapabango pko. ang dko maintindihan, khit hndi ako pnagpapawisan, mabaho pa rin ang naaamoy nila sken, aircon nman dun, the more na mlkas ang aircon, the more na nbabahuan sila. pero sa totoo lng, tntry ko amuyin sarili ko,pero hndi nman mbaho, amoy pabango at deodorant p nga ako. pag pawis ako dun ko naaamoy na mbho ako. naranasan ko na ipahiya ng line leader dahil sa performance ko daw, sinisigawan ako,baguhan lng nman ako ,pero gnun n lng ang galit nya. pati mga regular pinag iinitan ako. kahit na wla ka nman gngwang msma sknla, pero tingin nla syo msma ka,dahil ba sa iniisip nla wala akong disiplina s sarili, hndi nliligo ,mabaho.kung alam lng sana nla,lhat n gnwa ko para d mangamoy. sobrang sakit na ng nririnig ko, kya minsan umaabsent ako..ntpos ko ang kontrata ,anim na buwan.hndi ako narecontract ksi ang dami kong absent. next company na pinasukan ko, ganun din. pero tiniis ko ,para maregular ako, mgaganda performance ko, naabot ko ung quota. pero khit anong sipag ko,d ako naregular. smantalang ung joker na ksamahan ko, naregular khit mdming absent, mabagal pa. sino nga nman tao ang gusto makasama ang mabahong katulad ko .bka un ang dahilan kya d ako naregular. at yung huling kumpanya na pinasukan ko,2 months pa lng, nagresign nko.dun nko bumigay. feeling ko lhat cla galit sken. my time pa na nasira ung machine na nka assign sken, wlng technician na nag ayos,ksi nababahuan sken nkatanga lng ako dun na wlang gngwa. ang sakit2 na. tapos sa bahay minsan uuwi ako, nag aaway mga magulang ko, dahil sa pera, dahil lng sa hndi bngyan ng pera ng nanay ko ang tatay ko. Diyos ko, kung alam lng sana nla lhat ng pngdadaanan ko, para kitain ang perang pnag aawayan nla. pawis, luha at kahihiyan. sobrang nkakasama ng loob. sa totoo lng kahit kelan hndi ako naging masaya sa pera. gusto ko yung totoong kaligayahan, feeling ko ksi,wala ng patutunguhan ang buhay ko. natatakot akong mag asawa, kasi alam kong iiwan lng ako. isang beses lng ako ngkaboyfriend, niloko lng ako. pamilya n nga lng ang meron ako, ganyan pa. kya dko masabi sa knla pinagdadaanan ko.hanggang ngayon mag isa ko tong kinikimkim, pero laking tuwa ko na mabasa sa internet na hindi ako nag iisa, at my mga lunas pa na hndi ko pa nsusubukan. susubukan ko ulit bumangon,sana gumaling na ako.kasi mas msakit pla pag kmg anak mo kumukutya sayo, ok nko dun sa mabaho ksi totoo nman. pero yung sabihan kang walang silbi, ang sakit sakit, anim na taon nko walang trabaho, pero khit gnun mlki pa rin naitutulong ko sa nanay ko. maxado yatang lumaki ang expectation nla sken cmula ng mgpabrika ako. wala silang utang na loob. sa pera lng umiikot mundo nila. kung alam nila, nung time na nakikinabang sila sa pinaghihirapan ko, halos gusto ko n mgpakamatay sa mtinding kahihiyan. sana gumaling nko para tumaas nman ang tingin nla sken, mtanda nko pero hndi ko alam san tutungo buhay ko. hindi ako lumalabas ng bahay, takot ako sa tao. kahit ksi kpitbhay kilala ako bilang mabaho. walang trabaho.nkakapagod na,dko na alam kung san ko ilulugar sarili ko. naaawa ako sa nanay ko, mtanda n xa dapat hindi n xa mgtrabaho. ang dami kong gustong gawin,ang dami kong pangarap sa buhay. hindi maiwasan na ikumpara ako sa mga pinsan ko na stable na sa buhay, ung iba nsa abroad, ung iba regular na sa trabaho.nkakapanliit