Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Broken Hearted Club (BHC) presents: [Love Advice for Broken Hearts]

thankyou aa pakikiramay mga pards.

la tlga aq masabihan.kc kme lng my alam..
mejo depressed p rn aq.pero going der nmn na.hopefully pg bmalik na xa sa work nmin is mejo okay na sana aq.sana

Sana tol.
Lahat tayo nagnanais na maging okay ang emotional side natin.
Kaya mo yan
:thumbsup:
 
Bakit ngaun q lang natisod tong thread na toh? Hehehe. Bat ng broken n broken aq d q nakita toh haha..
 
bakit unfair ang buhay? yun taong gustong gusto mo nasa piling ng iba...mahal nia pero mas mahal nia bf nia haay hirap tlga mga sir maam jaaay
 
bakit unfair ang buhay? yun taong gustong gusto mo nasa piling ng iba...mahal nia pero mas mahal nia bf nia haay hirap tlga mga sir maam jaaay

Ganun tlga pre ee.. buti nga ikaw gusto mo lang... ee un sakin.. kami... pero kelangan maghiwalay..
 
Happy New year mga kapatid..Share lang ako..Isa akong seaman at kakauwi ko lang nung December 5.May girlfriend ako at mahigit isang taon na kami..Matagal din kami nagsama dito sa pilipinas last year then Umalis ako nitong January 2018. 1st time na LDR kami kaya expected na magiging mahirap at challenging at kailangan ng matinding tiwala..Naging smooth ang lahat hanggang month of May consistent ung communication namen at palagi namen pinapalakas ang loob ng bawat isa.Isa sya sa mga inspirasyon ko para magsumikap.Palagi ko sinasabi sa kanya na magiging successful ako di ako magtatagal sa pagbabarko para palagi na kami magkasama at gawin ung mga nabuo naming pangarap.Month of June 2nd week bigla sya nagsabi sken na kailangan nya muna mapag isa kasi may malaking problema daw sya sa family at sa sarili nya. Tinanong ko sya bakit kailangan nya akong iwanan at harapin ung problema ng wala ung atensyon ko sa kanya.Hinayaan ko sya bilang respeto at pagmamahal sa gusto nya.Ilang araw ung lumipas wala pa din syang message sken, iba na nararamdaman ko nag iisip na ako kung ok lang ba sya.Marami ng tumatakbo sa isip ko noon kaya nag message na ako sa kanya at tinanong kung ano ung problema ba talaga,Kailangan pa din daw nya oras para sa sarili nya..Sinabi ko sa kanya nahihirapan na ako kasi di ko alam kung anong nangyayari sa kanya.Panay ang payo ko at pagpapalakas ng loob sa kanya.Isang araw nag message nalang sya sken na di na daw nya kaya pa pagtuloy ung relasyon namen kasi gulong gulo na sya.Nabigla ako at halos masiraan.Wala akong kaalam alam bakit gusto nyang makipag hiwalay..Lahat ng naisip ko na sa palagay ko na pagkukulang ko inihingi ko un ng tawad sa kanya,kahit hindi ko alam ung totoong dahilan.Palagi na ako nag mmessage sa kanya bakit anong nangyari bakit kailangan namen maghiwalay.Nasira na ako ng panahon na yan kahit di ako mahilig mag inom ginawa ko para makatulog at di ako mag isip ng kung ano ano.Sobrang cold na nya di na sya ung Gf na nakilala ko.Na miss ko na lahat sa kanya ung affection nya ung pagiging supportive nya sken nawala na..Hind ko na alam ung gagawin lalo na nung sinabi nya na di nya na ako mahal.Halos magpakalunod ako sa alak para lang maging manhid.Naapektuhan na pati trabaho at health ko.Walang wala na ako noon.Hanggang nagsabi sya na aayusin ulit at inamin nya ung totoong dahilan.Nagkagusto sya sa iba at tinimbang nya kung sino smen ung mas gusto nya.Bata pa daw ung lalake at successfull na kaya sya nagkagusto marami din similarities sa mga hobbies nila.Nagkaka chat sila at inamin nya na may nabuong connection sa kanila.Sinabi nya din na bakit ngayon lang dumating ung lalakeng un sa buhay nya.Sa pagkakataong yan dyan na ako nawala sa sarili.Gabi gabing lasing at umiiyak bago matulog..Dumating sa punto na nagkagusto na din ako sa iba para matakpan ung sakit at mapunan un hinahanap kong atensyon.Nagkakausap pa din kami pero sobrang cold na.Humingi sya ng tawad sa nagawa nya at pinatawad ko pero ung sakit sa dibdib ko di maalis.Di ko sya malapitan noon kasi nasa barko ako.Sinubukan ko pa din ayusin pero mas nararamdaman ko ung sakit.Di kami bumitaw pero nagkakagusto na ako sa iba at naibbigay ko un atensyon ko dun sa babae.Hanggang naging close na kami.Nag effort na ako gumawa ng tula magbigay ng bulaklak at minsan kaming dalawa lang.manood ng movies.May kiss at cuddle pero walang nangyaring sex.August pauwi na ung babae at ako nag impake ng mga gamit nya at hinatid ko sya pababa ng barko.Ang bilis ng pangyayari at alam ko na mali na din ung nagawa ko kasi may commitment pa din ako sa GF ko..Unti unti ko kinalimutan at nag focus ulit ako sa gf ko at di ko sinabi tong nagawa ko para di sya lumayo.Bumalik ung spark sa relasyon namen September hanggang sa makauwi ako at magkasama na ulit kami..May matinding problemang dumating smen ngayon.Lahat ng Conversation nameng ng kaibigan ko tungkol dun sa babae ay nabasa ng Gf ko.Hiniram ko kasi ung phone nya for couple of days.Di ko nai log out ung messenger account ko.Kaya binasa nya lahat.Sobrang galit nya at nasaktan sya ng sobra sa nakita nya.Halos isumpa nya na ako kasi akala nya loyal ako sa kanya..Pero pinaliwanag ko ang lahat.Sinabi ko na di ko un magagawa kung naging strong kami at di sya gumawa ng ganon.Halos masira ung buhay ko sa barko nung nagkagusto sya sa iba at hinayaan nya ako na naka bitin lang.Di nya matanggap ung nangyari nadurog daw ang pagkatao ng gf ko.Nararamdaman ko sya kasi mahal ko sya at nakikita ko ung hirap nya.Sinabi ko magbabago ako at handa akong patunayan un.Kasi bilang lalaki ako padin ako gagawa at susuyo sa kanya.Di nya daw ako mapapatawad at di na raw sya magtitiwala...Mahal ko ang gf ko lahat ng nagawa ko noon kinalimutan ko na at nag focus ako na maging strong na ulit kami.Sinabi ko sa kanya na kailangan ng panahon para makapag simula at ma gain ung tiwala.Lahat ng kasalanang ginawa ko inihingi ko na ng tawad.Nagdasal ako na maging strong ako at kami na nalagpasan ang lahat.Di ko sya masisi sa mga nararamdaman nya na may pag dududa na sya pag umalis na ako ulit para maghanap buhay.Lahat sinabi ko na di na ako gagawa ng mga bagay na ikakasira ng relasyon namen.Lahat ng magiging pagsubok ipagdadasal at hawak kamay namin haharapin kahit di kami magkasama ng matagal.Sobrang hirap ng ganitong sitwasyon kasi sarili na nya ung kalaban nya kung magtitiwala pa ba sya or hindi na kahit sinabi nya na mahal nya ako..Any advise na pwede ko pang gawin mga sir at mam?Salamat.
 
Any advise na pwede ko pang gawin mga sir at mam?Salamat.

Iba talaga pards kapag usapang LDR.
Nauunawaan ko kung bakit mahalaga ang affection at lust sa magka relasyon.
"Specially kung malapit at nahahawakan nyu ang isa't-isa"

Sa situation nyu. Yung mga bagay na hinala mu sa gf mo (100% true para saakin)
at sa ginawa mu e hehe kalinga hinanap mu. At both of you may nagawang landi este mali.

In short maiiwasang may mga 'behind the scene' sa LDR

Pero andyan na e at alam mu na 50/50 chance lang ang rate na nag susucced sa LDR
Di sapat ang magtiwala :du30: at Di sapat ang maniwala. :gma:

Ang magagawa nyu lang ay affection thru call, tx , chat syempre dalaw kahit once or twice a year para alam muna :naughty: .
diskarte mu nayan basta lagi nyu iipapaalala 'kahit rude' na walang manlalandi at walang mag papalandi. XD

senya na kung ganito lang advise ko. XD reader lang kc me. hapinewyear
 
Any advise na pwede ko pang gawin mga sir at mam?Salamat.

Unang una hindi lang ikaw ang nagkamali pre.

Mahirap na maGAIN ang tiwala ulet 100% kung itoy nasira na.

Kahit ikaw naman siguro hindi 100% tiwala mo sa kanya.

Ang mas mahirap pa diyan based on my own experience, kapag nag-away kayo is yung sumbatan, bakit ikaw ganun ganun.

Maraming tao ang iniisip lang ang FUTURE pero hindi iniisip ang PRESENT kaya mas maraming nakakasingit lalo na kung LDR.

Ang payo ko lang, timbangin mo sa sarili mo kung mahal mo pa siya talaga then kung ok kapa sa kanya wag ka muna umalis.

Buuin mo ulet ang relasyon niyo. Hindi sagot ang pera sa lahat ng bagay baka mamaya mas namimis ka niya na kasama ka.

May nahahawakan, nakakasama, nahahalikan at alam mo na.

Pakasalan mo na TS kung GUSTO MO PA O NIYA.
 
Any advise na pwede ko pang gawin mga sir at mam?Salamat.

Grabe, naduling ako nung binasa ko yung post mo, haha.

Anyways, para sa akin, mas mabuti na hiwalayan mo na lang sya ng tuluyan. Bakit? Una, dahil sobrang selfish nyang gelpren mo. Paano ko nasabi? Based kasi sa kwento mo. Sya yung unang gumawa ng hindi maganda di ba? Iniputan ka niya sa ulo. Ni hindi niya kinonsider yung mararamdaman mo at bigla na lang iniwan sa ere. Tapos nagawa ka pang ikumpara sa ipagpalit sa "mas bata" at "mas successful" sayo? Tapos nung ikaw yung nakipag-fling sa iba dahil sa kagagawan niya, at nung nalaman niya, mukhang todo usok ang ilong niya sa galit at sama ng loob sayo. Nadurog pa kamo daw ang puso niya dahil sa ginawa mo? At mukhang hindi ka na niya mapapatawad? Galing! Wala syang pakialam kung makasakit sya ng damdamin ng iba, pero kapag sa kanya ginawa galit na galit siya. Hahahaha. Ang ironic. Sarap mag-mura pero bawal. Hahahaha. Imbis kasi na intindihin ka niya kagaya ng pagiintindi mo sa kanya kahit nasasaktan ka na, wala. Sya pa itong nag-aasta na akala mo siya yung biktima. Pangalawa, sira na yung tiwala. Masira na lahat sa relationship, wag lang ang tiwala. Parang basag na pinggan lang yan. Kahit na anong pilit mong ayos, nandun pa din yung marka, hindi na mawawala. Kung ako nasa kalagayan mo, mahihirapan na akong magtiwala sa kanya. Kahit na sabihin na nagkaayos na kami, nako, papasok at papasok pa din sa isipan ko yung ginawa niya lalo na't wala naman akong ginagawang kasalanan. Kaya hindi malayo na sakaling ipagpatuloy nyo pa din yung relationship nyo, darating at darating yung time na kapag nag-away ulit kayong dalawa, kahit na anong pigil nyong dalawa sa mga sarili nyo, mailalabas at mailalabas nyo ulit yang issue na yan at isusumbat nyo sa isa't-isa. Tsaka buti na lang at boypren gelpren pa lang kayong dalawa, eh paano na lang kung kasal na kayo at mag-asawa na? Di ba mas masakit? Madami pa ako gustong sabihin pero hanggang dito na lang muna. Hahahaha. Pag-isipan mong mabuti. Wag puso ang palagi mong paiiralin. Gamitin mo din ang iyong utak. Wag mo ding kalilimutan na hindi lang siya ang babae sa mundo. Madami pa dyang iba na di hamak na mas deserving kesa sa gelpren mo ngayon, yung hindi ka gagawan ng kahit na anong bagay na ikasasakit ng iyong puso at damdamin, na palagi lang nandyan para sayo sa hirap man o ginhawa, magkasama o magkalayo mang kayo. God Bless, sir!
 
Good day

Here I am again posting another problem about my love life hehhee, actually nka moveo n nako dun sa 4years ko, and now may bagu na ako and my kunting problema,

Mag 8 months na kami nitong GF Ko na bagu, 22 sia at 25 ako, pinoproblema ko is mga pinag aawayan namin is maliliit na bagay na lumalaki, alam ko nkaka tawa minsan isipin na sa liit na bagay e na pag tatalunan pa, yung ka gustuhan ko e para sa kanya masama, pero para sakin e ung kapakanan nya lng iniisip ko ung ikakabuti sa relasyon namin,

Last night may pinag awayan nanaman kami, its all about hatid. Ako ung tipong tao na halos2 araw kita e hahatid o susunudin as long kaya ko, lagi ko siya kinukuha sa trabaho may bagyu man o wala, alam ko naman obligasyun nating mga lalaki yun, and then therees a moment na nabanggit nya ung pag alis nila sa Hongkong sa march together with her friend, and ako naman eh nag suggest na mag grab n lng sila because i thought na mag kasama sila pupunta ng airport,. Na sad daw siya wla daw akung willingness at hndi ko daw siya suportatodo pag alis nya bali mag babakasyun lng sila, at ung pang huli ayaw ko daw siya makita sa airport, eto nga palang GF ko yung parang masyadong negatibo.

Para sakin tuloy parang hindi nya inaapreciate lahat ng gngwa ko sa knya, nasabihan ko siya, inexplain ko lahat2, 4am dpat andoon na sia eh ako naman 6am pasok ko, sabi ko sige lets see if kakayanin pero pag free tlga ako eh ihahatid kita wla tlgang problema sakin ngayun pa na may motor ako, dati ngang wala ako motor halos araw2 ko siya hinahatid, pero pinupush nya talaga na wla ako willingness, ngayun npapaisip ako if ipag papa tuloy ko pa to, ayuko n rin kasi siyang makitang umiiyak pag naaway kami alam ko maliit na bagay, parang ung utak namin hndi minsan mag ka tugma, nahihirapan akong ipa intindi ung mga bagay2, kasi may iba rin siang explanation, masydo syang negatibo,

Nag message ako kagabi nag GOOD NIGH AND ilove you ako sa kanya at sabi ko na sana itigil nanamin yung away dahil masyado npakaliit ng bagay na yun , at sabi ko sa kanya na lahat gagawin ko , para maging ok siya, pero seen lng nya, mejo nkakainis ang taas ng pride kala mo ang laki ng kasalanan ko . ako n lng lagi ang nag hahabol at nag susuyo. ni minsan di siya onanag ng memessage , plano ko sana hindi mag paramdam para malaman nyang nag sasawa rin akong humabol, ewan kung tama ba tong gagawin ko o baka mag dulot pa to ng pag hihiwalay naming haiz .
 
Last edited:
Good day

Here I am again posting another problem about my love life hehhee, actually nka moveo n nako dun sa 4years ko, and now may bagu na ako and my kunting problema,


ayus lang yan.

hindi lahat ng bagay e pag bibigyan natin ang nobya natin.
kung maieexplain mu yan ng mas maaga at mag eexchange kau ng suggestion o idea para
mas malaki ang chance mabawasan ang soy sauce sa ulo ng mga nobya natin.

halimbawa sa work.
nuon lagi nya aku inaaway dahil late ko na nga sya sunduin , minsan di talaga aku nagpapakita.
sympre mali aku nun pero di ko obligation na gawin sa kanya yun araw araw
dahil busy aku at diko mahawakan cp ko sa oras ng work.
kaya nung nag-usap kami at nag explain ako at humingi aku sugggestion sa kanya kung anu gagawin nextime.
para maiwasan yan tampuhan na yan XD

pag dating naman sa malilit na issue na pinalalaki XD
e sinabihan ko sya na kapag sumitsit ako ibig sabihin "stop na"
naiitindihan naman nya dahil minsan daw nadadala lang sya ng emotion (soy sauce)


ok lang mag share about sa sarili mo para malaman nya na
di ka si superman
 
ayus lang yan.

hindi lahat ng bagay e pag bibigyan natin ang nobya natin.
kung maieexplain mu yan ng mas maaga at mag eexchange kau ng suggestion o idea para
mas malaki ang chance mabawasan ang soy sauce sa ulo ng mga nobya natin.

halimbawa sa work.
nuon lagi nya aku inaaway dahil late ko na nga sya sunduin , minsan di talaga aku nagpapakita.
sympre mali aku nun pero di ko obligation na gawin sa kanya yun araw araw
dahil busy aku at diko mahawakan cp ko sa oras ng work.
kaya nung nag-usap kami at nag explain ako at humingi aku sugggestion sa kanya kung anu gagawin nextime.
para maiwasan yan tampuhan na yan XD

pag dating naman sa malilit na issue na pinalalaki XD
e sinabihan ko sya na kapag sumitsit ako ibig sabihin "stop na"
naiitindihan naman nya dahil minsan daw nadadala lang sya ng emotion (soy sauce)


ok lang mag share about sa sarili mo para malaman nya na
di ka si superman

Actually may mga action plan kami sa mga bagay2 na pinag aawayan naming, tulad neto mag tatanung mona bago magalit o sumama ang loob , pero na dadala siya ng emosyon nya at ako din, shmpre sa sarili natin kabaligtaran lahat ng pinag sasabi nya sa gngwa ko so ako nmn pinag tatanggol ang sarili. nakakainis minsan kasi parang siya palagi ang tama, hindi daw ako na kikinig sa kanya lagi daw ako defensive eh nag eexplain lang naman ako if may mali ako eh inaamin ko naman. hindi nya ma gets yung punto ko yung gusto ipalabas yung nararamdaman nya eh tama
 
Actually may mga action plan kami sa mga bagay2 na pinag aawayan naming, tulad neto mag tatanung mona bago magalit o sumama ang loob , pero na dadala siya ng emosyon nya at ako din, shmpre sa sarili natin kabaligtaran lahat ng pinag sasabi nya sa gngwa ko so ako nmn pinag tatanggol ang sarili. nakakainis minsan kasi parang siya palagi ang tama, hindi daw ako na kikinig sa kanya lagi daw ako defensive eh nag eexplain lang naman ako if may mali ako eh inaamin ko naman. hindi nya ma gets yung punto ko yung gusto ipalabas yung nararamdaman nya eh tama

( ~_~) ganun naman sila e alweys korek . at tayu pa ang kailangan mag udjust. :lmao:
sabagay wala naman tayung choice e kundi tumahimik at hayaan sya mag salita kung anu man ang kanyang pinaglalaban at hinuhugot :rofl:

at kung may pakiramdam sya na bakit ka tahimik lang. e yun ang good timing para sya naman ang makinig sa gustu mung sasabihin. :yes:
good din yun kasi marerevise mo ang mga sinasabi nya at magagawan mu yun ng way para macorrect :whisper: ang mga bagay na di nyu mapagkasunduan.
 
Mayroon palang ganito sa mobilarian he he he
I can relate to you pips
 
Good day

Here I am again posting another problem about my love life hehhee, actually nka moveo n nako dun sa 4years ko, and now may bagu na ako and my kunting problema,

I'll be very honest. Yung mga ganyang tampo-tampo sa babae (or even sa lalaki) are signs of immaturity. Given her age, nasa stage pa sya ng magpapabebe and hindi pa sya ganun ka independent na kailangan pati pag uwi eh dependent sa boyfriend nya. Mataas pa ag insecurities nya and self centered pa sya kasi nadun pa sya sa stage na ang tingin nya sa relationships ay fairy tales pa, very unrealistic pa and views nya when it comes to relationships. Lahat ng babae dumadaan sa ganyang stage, others experience that early on yung iba naman late in their lives na.

But that's why pag-aaway is important. Kasi it's a form of growth for both of you. But growth has to be both ways. Dapat nakikinig din sya sa needs mo. Kung hindi, then decision mo yan kung aantayin mo ba syang mag mature or not. But this should be a learning experience for you both. At least nalalaman mo kung anong gusto mo, and you'll learn your limits din kung hanggang saan ang pasensya mo and you'll learn kung ano lang ang pwede mong itolerate sa buhay mo. If you make this relationship work or not, you'll learn something about yourself and that itself is important. At least sa next relationship mo, you'll able to discern better.
 
Kapag ba nasabi mo na sa karelasyon mo ang mga bagay na ayaw mo sa kanya o mga gusto mong maranasan sa isang relasyon, kailangan pa bang ulitin o hayaan na lang dahil ganon sya? Just asking
 
Kapag ba nasabi mo na sa karelasyon mo ang mga bagay na ayaw mo sa kanya o mga gusto mong maranasan sa isang relasyon, kailangan pa bang ulitin o hayaan na lang dahil ganon sya? Just asking
Di mo na kelangan sabihin yan kasi sa una pa lang yan ang unang inaalam ng guy/girl kong ano ang mga bagay na ayaw at gusto mo.
 
Back
Top Bottom