hindi ba madaling masira yung flare? pasagot naman, balak ko kase bumili nun. madame ba dun napapagana na apps? kahit di pa rooted.
50-50 yan paps.
pag nakakuha ka ng ok na unit swerte ka.
yung akin nakadalawang repair, pinalitan MB and battery dahil lagi namamatay, kahit nakasaksak yung charger. kahit stock rom na walang memory card and walang sim card.
3weeks sa service ctr 1st repair , nireflash lang siguro from v22 to v31. pag on ko pa lang nag reboot na. so hard reset ko, ok na. pa install ko ng mga apps using playstore, nagloko na ulit.
hindi naman dahil sa batt kasi naksaksak sa charger. reklamo ko ng replacement.
another 3 weeks for assessment ng replacement pero nirepair lang ulit same unit. v31 pa rin
pero pinalitan din batt kasi nireklamo ko rin sa dti and ntc. sabi ko pag nagloko to iakyat ko talaga sa dti to and refund ang hihingin ko.
so far 1 month after ko nakuha di pa nagloloko.
napansin ko rin inayos rin siguro yung earpiece. dati sobrang hina kahit nakatodo volume.
average 10 mins call, mga 30 txt, 2 hours wifi, 1 hr 3g, 1 hr mp3. tumatagal ng 1 day.
dati yung lumang battery 1 hour lang kahit hindi mo ginagamit.
7am tanggal sa charger, then charge ng mga 12 midnight up to magising ako ulit ng 7 am.
still using stock rom ver 31. tablet na lang ang function nito kasi kahit pinalitan ng batt minsan kailangan mo pa rin dalin charger mo kasi depende sa calls and 3g surfing mo.
habol mo lang talaga is yung screen. walang panalo yung Samsung Y Duos and Samsung Grand Duos ko pag dating sa screen. kahit naka minimum brightness ang linaw pa rin.
and bihira ko makitaan ng "lags" pag dating sa navigation ng menu and games.
so pag nakabili ka and nagkaron ng problema, hindi solution ang custom rom. kasi im still using the stock rom na na flash after repair v31.
advise ko, Yes its a nice phone. sana makakuha ka ng ok na unit. pero sa experience ko sa after sales, kahit ibenta nila yung omega hd ng 1k, hindi na lang. ito na ang 2nd and last Cherry ko after the Q3i na mahina rin ang earpiece.
fyi, i posted this reply using the Flare.