Hello po, need ko po sana ng advise para sa naghihingalo kong pc
Binili ko po tong unit ko 1 year ago, maayos; di naglalag pag naglalaro ng Dota 2 kahit naka medium settings, tinry ko rin maglaro ng Skyrim okay din naman po.
Pero around 4 - 5 months ago, habang naglalaro ako ng Dota 2, biglang parang may nag-'pop' dun sa likod ng cpu, namatay bigla yung pc tapos nangamoy sunog. Pinatignan ko po sa pinsan ko at ang sabi bumigay daw yung PSU. After 2 days napalitan din naman yung PSU, nasa around 500 po yata bili ng pinsan ko kaso sooooooobrang bumagal naman nung performance ng pc. Hindi na po ko makapaglaro ng Dota 2 sa sobrang lag, yung tipong pag ginalaw yung mouse mga nasa 2-3 seconds yung delay
Pinagtiyagaan ko muna kasi sobrang busy ko para asikasuhin, kaso ngayon di ko na matiis, haha. Ang kailangan ko lang naman po is di na masyadong maglag sa Dota 2. Aside from that nagaAutoCAD and SketchUp din po ako, and medyo nagdrop din po yung performance since nung incident
I just need to know kung ano po ba yung cause ng problem; yung ipinalit na PSU po ba? Or baka kailangan lang pong i-reformat? Or something else? Please enlighten me
thanks!
Please wag niyo po munang isuggest na palitan yung buong unit ko, unless hopeless case na po talaga, wala pa pong budget e haha
Eto nga po pala specs ng pc:
Motherboard: MSI MS-7388
Processor: AMD Phenom 8650 Triple-Core Processor 2.30 GHz
RAM: 4GB
Video Card: GeFore 9600 GT
OS: Windows 7 Ultimate 64-bit