Pag-usapan natin dito ang lahat ng tungkol sa series na ito.. Ito na ngayon ang paboritong series na napanood ko hindi lang sa netflix kund sa lahat ng mga seryeng napanood ko sa buhay ko.. Siguro dahil mahilig ako sa time-travel related na movies/shows at mahilig din ako sa mga mystery at mind-boggling shows.
Warning: Kung hindi nyo pa natatapos ang series, I suggest na panoorin nyo muna ang buong tatlong seasons ng show na ito. This thread will be full of SPOILERS para sa mga nakapanood na at marami paring katanungan tungkol sa seryeng ito.
To start off the discussion, natatandaan nyo pa ba nung nag swimming si Martha, Magnus, Bartozh, at Jonas sa lake? Tinatakot ni Magnus at Bartozh si Martha tungkol sa kaluluwa ng babeng nalunod sa lake.. Tapos biglang hinila ni Magnus si Martha sa ilalim ng tubig.. Dito rin napulot ni Jonas yung pendant na binigay niya kay Martha. Yun palang babae sa lake ay yung mismong Nanay nila na pinatay ng Lola nila sa past. Nahulog ni Katharina yung pendant nung pinapatay siya ng nanay niya.. I know right, sobrang DARK! Everything is connected! At isa lang ito sa mga pangyayare sa serye kung bakit naaangkop lang ang title na Dark sa show na ito..
Marami pa kong gustong i-discuss dito, pero hayaan ko muna kayo mag tanong or mag discuss din ng mga paborito ninyong pangyayare sa show na ito..