Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Delete thread please :(

Status
Not open for further replies.
Re: Relationship problem

Hi,

Gusto ko lang mag advice ha. pero depende sayo kung itatake mo :) Lalake nga pala ako. Kung gusto mo ma realize nya yun worth mo, bigyan mo sya pati ikaw ng alone time parang cool off. Based sa kwento mo kasi yun Bf mo ma pride. Iniisip nya na naka depende ka sakanya. Na hindi mo kayang malawa sya. Based din sa kwento mo ikaw nag initiate na mag sorry na dapat is sya
 
Re: Relationship problem

Bago lahat, babae po ako. Hehe. Gusto ko lang po malaman yung side ng lalaki sa ganitong situation.

Yung bf ko po kasi, 5 years na kami. Long distance pero pag umuuwi ako sa apartment niya, tumitira ako doon for a week and every month is doon ako sa kanya ng 1 week. Now po, nag AWOL siya sa work niya for 1 month na and terminated na siya pero hindi ko po siya nakikitaan ng pagkukusa na maghanap ng work. Ngayon po nag-away kami not because of that pero dahil Hindi ko nasunod yung gusto niyang gawin sa isang game (ML) and nag afk kasi ako sa sobrang inis ko na din sa inasal niya in-game and akala ko okay lang kasi hindi naman rank. Ngayon inaway niya na ako. Sabi ko "aawayin mo ako dahil lang sa laro?" Then sabi niya "hiwalay na ba? Okay lang sakin" then sabi ko kung yan gusto mo, kukunin ko na lang gamit ko sa apartment niya then nag like lang siya. Kinabukasan, nag sorry ako.. sabi ko bati na kami then tumatawag ako pero di niya sinasagot. Kahit sa message wala.

29 na siya and I'm 28. Balak na namin maglive-in kaso ganito nga ang nangyari. Anong pwede kong gawin para maparealize ko sa kanya yung halaga ko, and marealize niya na mas importante yung future namin.

Ang gawin mo, wag mo din pansinin. Sa dinami-dami kasi ng bagay na pwede pag-awayan, laro pa talaga. Ang immature, sobra. Acceptable pa siguro yang ganyang behavior kung teens pa eh, kaso hindi na. Tsaka ikaw na 'tong nagpapakumbaba tapos siya pa 'tong sobrang pabebe. Basta try mo muna siya wag kausapin. Tingnan mo kung ano magiging reaction niya. Paghinanap ka niya, good. Kung hindi, good din.
 
Re: Relationship problem

Parang way niya yung paglalaro para mabawasan yung stress. Every 3 hours tinatry ko siya tawagan pero binababa lang niya. Hindi ko alam pero dapat ako na yata yung matauhan kasi kung mahal niya ko gagawa siya ng way para mabuo yung plans namin para sa future. Pero nakikita ko parang wala siyang ambitions sa buhay. Palamuti lang ata ako sa buhay niya. Hindi ko alam kung hiwalay na ba kami. Kasi wala talaga paramdam.

Pero yung picture ko sa mL account niya di pa niya pinapalitan.

Maski na ba yung paglalaro yung paraan niya para mabawasan stress niya. Ang babaw pa din. Bakit? Simpleng bagay lang pinalalaki pa niya na imbis na mag-usap kayo, ayan siya binababaan ka pa. Parang bata, daig pa babae kung magpabebe. Tsaka ayun, nasa edad na kasi kayo pareho kaya naiintindihan ko yung feelings mo regarding sa future plans nyo (supposedly). Basta yun nga, try mo muna na hindi magparadam sa kanya to see what he's gonna do. Tsaka para sayo na din. Para makapag-isip ka ng husto kung worth it pa ba. Remember, maiksi lang ang buhay ng tao. Kailangan din natin isiping mabuti yung laban na papasukin natin at kung worth it ba ito gawin.

Anyways, SKL. Yung linyahan mo na "pero nakikita ko parang wala siyang ambitions sa buhay", bigla ko naalala girlfriend ko dahil dito. Haaaayyyy, di ko man mismo narinig 'to sa girlfriend ko, pero alam ko ganito din yung tingin niya sa akin. :weep:
 
Nasabi ko yan kasi kahit na pala sobrang mahal mo yung isang tao tapos nakikita mo na walabsiyang ambisyon or dependent pa din siya medyo nakakaturn-off pa din lalo na kung wala talagang ginagawang pagsusumikap. Iniisip ko kasi ang tanda ko na, yung mga ka edaran ko is may baby na, may pamilya na tapos ako eto feeling ko tatandang dalaga kung di pa nagtino bf ko. Okay lang naman mag stay at home siya na husband as long as aalagaan niya ako at yung mga anak namin. Walang problema sakin yun. Magtino lang siya. Kaso eto ML is lifer.

Sinabi ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya in a nice way. Ang reply niya "Naglalaro lang ako ang dami mo ng sinabe"
 
Last edited:
Re: Relationship problem

hahahaha aba next level pala ang bf mo haha .... stress lang yun dahil wala sya trabaho then nag away pa kayo intindihin mo nalang muna ang side nya .. para sakin hindi dahil sa laro yun ginawa lang nya siguro yun dahil stress sya wala siguro sya mahugutan ng kanyang nararamdaman icomfort mo nalang muna sya kailangan nya yun ingat ka pala baka iba ang mag comfort dun hahaha joke lang ... wag mo muna kulitin try mo muna na bigyan sya ng pakain labas kayo pahangin kayo kung baga.. :D
 
Gusto ko man icomfort siya, nasa province ako, nasa Manila siya. Pero ramdam ko din na yun yung malalim na reason pero sana sinabi niya ng maayos diba? Madali akong kausap sa totoo lang. Kasi pinag-usapan na namin na ako magbabayad ng rent niya for this month para makabawas sa iisipin niya kaso lang ganito nga nangyari...
 
Madami naman kasing reason, pero hindi pa din talaga sapat na dahilan para sakin na mag-gaganyan siya dahil sa pinagdadaanan niya. Nag AWOL pa siya imbis na mag-resign ng maayos kung ayaw na ba niya o pagod na. Sa ganyang aspeto pa lang napaka-unprofessional na. Tapos kung magsasagot sayo, akala mo naman. Hahaha. Tsaka ayun, tama ka din naman. Pwede naman kasi mag-usap. Jusko, 5 years na kayo. Ano pa bang problema niya? Lahat naman yata ng bagay nadadaan sa mabuting usapan.
 
Mas babae pa siya kesa sakin. Hindi ko alam kung bakit kaya ko magpakababa para sa kanya pero pagdating sakin hindi niya kaya. Parang kasalanan ko ba lahat? Kung naging maganda ba ko gaganituhin ba niya ko. Parang nasa akin ba yung mali? Wala na kong self-worth. Andun na ko sa point na ano bang kailangan kong gawin para lang umayos yung pakikitungo niya sakin.

Pero ittry ko na wag na siya kausapin. Basta nag sorry na ko.
 
Re: Relationship problem

Uguk ba yan? Ano bata para maging big deal yung laro?

I'm guessing he is in a depressed state kasi sabi mo nga no work and walang gana sa buhay. Considering na nag AWOL sya

He's creating a mess sa buhay nya na pati relationship nya dinadamay.
 
Re: Relationship problem

Gudupredo said:
Bago lahat, babae po ako. Hehe. Gusto ko lang po malaman yung side ng lalaki sa ganitong situation.

Yung bf ko po kasi, 5 years na kami. Long distance pero pag umuuwi ako sa apartment niya, tumitira ako doon for a week and every month is doon ako sa kanya ng 1 week. Now po, nag AWOL siya sa work niya for 1 month na and terminated na siya pero hindi ko po siya nakikitaan ng pagkukusa na maghanap ng work. Ngayon po nag-away kami not because of that pero dahil Hindi ko nasunod yung gusto niyang gawin sa isang game (ML) and nag afk kasi ako sa sobrang inis ko na din sa inasal niya in-game and akala ko okay lang kasi hindi naman rank. Ngayon inaway niya na ako. Sabi ko "aawayin mo ako dahil lang sa laro?" Then sabi niya "hiwalay na ba? Okay lang sakin" then sabi ko kung yan gusto mo, kukunin ko na lang gamit ko sa apartment niya then nag like lang siya. Kinabukasan, nag sorry ako.. sabi ko bati na kami then tumatawag ako pero di niya sinasagot. Kahit sa message wala.

29 na siya and I'm 28. Balak na namin maglive-in kaso ganito nga ang nangyari. Anong pwede kong gawin para maparealize ko sa kanya yung halaga ko, and marealize niya na mas importante yung future namin.

Give it a lot of thought first before you decide move in together especially if you're bothered by him not looking for work. In the meantime, try to ask him if there's something bothering him. Perhaps something is bothering him from his previous job that is affecting him right now thus he's not looking for a job and he seems kinda moody.
 
Last edited:
Re: Relationship problem

View attachment 368077
View attachment 368078

He was playing world of tanks pala that time e hindi ko naman alam kasi hindi siya nag memessage.

Update: ilang beses ko siya tinawagan at ilang beses niya din ako binabaan, thinking na maybe pwede pa ayusin kasi sobrang babaw talaga ng reason and these were his replies. Blocked na ko sa lahat as of the moment. From phone, main account sa fb except dun sa isa. I don't know why he left it unblocked pero baka nakalimutan lang niya. I told him na i'm breaking up with him. No replies ofcourse. So ang mahirap is kukunin ko yung isang maleta kong gamit sa apartment niya. Haha.

I can hear my heart shattering into pieces.

- - - Updated - - -

View attachment 368077
View attachment 368078

He was playing world of tanks pala that time e hindi ko naman alam kasi hindi siya nag memessage.

Update: ilang beses ko siya tinawagan at ilang beses niya din ako binabaan, thinking na maybe pwede pa ayusin kasi sobrang babaw talaga ng reason and these were his replies. Blocked na ko sa lahat as of the moment. From phone, main account sa fb except dun sa isa. I don't know why he left it unblocked pero baka nakalimutan lang niya. I told him na i'm breaking up with him. No replies ofcourse. So ang mahirap is kukunin ko yung isang maleta kong gamit sa apartment niya. Haha.

I can hear my heart shattering into pieces.

- - - Updated - - -

Uguk ba yan? Ano bata para maging big deal yung laro?

I'm guessing he is in a depressed state kasi sabi mo nga no work and walang gana sa buhay. Considering na nag AWOL sya

He's creating a mess sa buhay nya na pati relationship nya dinadamay.

Yan din yung isa sa iniisip ko but whenever I open up about it sasabihin niya hindi and madali lang sa kanya makahanap ng work. I encourage him everyday and told him na andito lang ako for him if he needs support (financially or anything). Umalis siya sa work coz tinatamad na daw siya kasi binabaan yung incentives kaya nawalan siya ng gana. Ako pa gumawa ng resignation letter niya pero hindi niya namab naipasa and ang dami niyang excuses. Hindi ko alam sasabihin ko kasi baka ma trigger siya and lash out. Kaso ganun din, sa mababaw na dahilan pa.
 
Attachments

  • 0C06AE8F-34F3-4243-B12D-10306FFC8C1F.jpeg
    0C06AE8F-34F3-4243-B12D-10306FFC8C1F.jpeg
    85.9 KB · Views: 6
  • D96424DF-4343-4D0A-BFE9-92408FD042C3.jpeg
    D96424DF-4343-4D0A-BFE9-92408FD042C3.jpeg
    100.1 KB · Views: 6
Last edited:
Re: Relationship problem

View attachment 1292971
View attachment 1292972

He was playing world of tanks pala that time e hindi ko naman alam kasi hindi siya nag memessage.

Update: ilang beses ko siya tinawagan at ilang beses niya din ako binabaan, thinking na maybe pwede pa ayusin kasi sobrang babaw talaga ng reason and these were his replies. Blocked na ko sa lahat as of the moment. From phone, main account sa fb except dun sa isa. I don't know why he left it unblocked pero baka nakalimutan lang niya. I told him na i'm breaking up with him. No replies ofcourse. So ang mahirap is kukunin ko yung isang maleta kong gamit sa apartment niya. Haha.

I can hear my heart shattering into pieces.

Kung ako sayo, mag-isip isip ka na. Ngayon pa nga lang ganyan ka na niya tratuhin, paano na lang kung kasal na kayo at mag-asawa na? Di naman sa pagiging advance mag-isip, but I hope you'll get the point. Ilang beses na kaming nag-away ng girlfriend ko, at kahit pa dumadaan kami sa sobrang hirap na pagsubok / problema ngayon, ni hindi man lang nangyari yang ganyang scenario. Never ko syang minura at never kong gagawin yun. Nakakainis lang makabasa ng ganyan. Disrepectful piece of crap. Kung makapag-salita, maka-mura, akala mo sino lang yung kausap niya. Kung depressed siya o problemado, kasalanan niya. Bakit kailangan ka niyang idamay sa mga naging decisions niya? Napaka-immature. Nagagawa ka pang i-block, at ignore grabeeee.

Now, ulit-ulitin mo basahin yung mga messages niya sayo, yung kung paano ka niya sagutin, pati yung kung paano ka niya tratuhin. Ulit-ulitin mo, saka ka mag-isip.
 
Re: Relationship problem

ML pa more. :laugh:

ask him straight anong problema, that mababaw na inis minsan may hugot at malalim na pinagkukunan like pagkawalan ng work terminated malay mo deep inside sobrang affected sya sa nangyari.

5 yrs na kayo baka need ng more open ng communication.

kung ayaw pa rin o edi hiwalayan mo na kung di na maaayos
 
Ganyan siya whenever we fight. Imagine niyo na lang sa five years ganyan mababasa ko pag galit siya. Worse niyang sinabi is "napakawalang kwebta mo"

Yung pag a-AWOL niya is sinadya niya. Ginawan ko siya ng resignation letter pero ang dami niyang excuses pag sinasabi kong pumasok na lang siya para ipasa yon hanggang sa pinatagal niya then yun na terminate. Sobra akong nag worry about that and sabi ko hanap ka na ng work, kasi madami nga siyang bills. I know his voice pag nairita na siya and that moment nung nagpapaliwanag siya alam kong naiirita na siya so binago ko na lang yung topic.
 
Salute sa pagiging matiisin at understanding mo. Pero para sa akin napaka-below the belt na ang sabihan ka na napakawalang kwenta. Samantalang ginagawa mo naman yung part mo bilang girlfriend niya. Actually, more than a girlfriend na nga eh. More like live-in partner / asawa na.

Yung pag a-AWOL niya is sinadya niya. Ginawan ko siya ng resignation letter pero ang dami niyang excuses pag sinasabi kong pumasok na lang siya para ipasa yon hanggang sa pinatagal niya then yun na terminate. Sobra akong nag worry about that and sabi ko hanap ka na ng work, kasi madami nga siyang bills. I know his voice pag nairita na siya and that moment nung nagpapaliwanag siya alam kong naiirita na siya so binago ko na lang yung topic.

Kita mo? Choice nya talaga mag-AWOL eh. Kaya kung nadedepress man siya ngayon, wala siyang dapat ibang sisihin kundi ang sarili niya.

Pag-isipan mo talaga ng husto 'to.
 
Re: Relationship problem

Ganyan siya whenever we fight. Imagine niyo na lang sa five years ganyan mababasa ko pag galit siya. Worse niyang sinabi is "napakawalang kwebta mo"

- - - Updated - - -

Yung pag a-AWOL niya is sinadya niya. Ginawan ko siya ng resignation letter pero ang dami niyang excuses pag sinasabi kong pumasok na lang siya para ipasa yon hanggang sa pinatagal niya then yun na terminate. Sobra akong nag worry about that and sabi ko hanap ka na ng work, kasi madami nga siyang bills. I know his voice pag nairita na siya and that moment nung nagpapaliwanag siya alam kong naiirita na siya so binago ko na lang yung topic.

Ask mo deretso kung anong plano sa buhay then kung hindi mo nakikita ung future mo with him then say goodbye to 5 years lalo na relationship should be give and take. May mga lalake kasing sarap sapakin.
 
Re: Relationship problem

Sana maging okay na siya. Sana yung absence ko yung magparealize sa kanya kung ano yung mawawala sa kanya. Marealize ko din sana kung ano yung ma-ge-gain ko sa paglelet go ko. Sobrang sakit na din kasi. Sana kayanin. Parang five years yung nawala sa buhay ko.

Tinanong ko. Sagot niya "may plano ako, pero wala ka na don." Lol.

Ang tang** ko lang. wala kasi akong lakas ng loob para makipaghiwalay kasi yung attachment and yung love. Pag magkasama namab kami okay kami. Pag umuuwi lang talaga ako sa amin nagkakaganito kami.
 
Re: Relationship problem

Stress reliever ang laro. Meron ganun tao. Huwag mo na lang pansinin or... hindi ko alam kase ang games na iyon kung meron pera involve or ano. E diba meron games na meron kasama pera lalo na kapag araw-araw maglalaro then sasali sa competition kung magaling na magaling na. Meron ganun. Pwede magkapera sa ganun kaya siguro ganun pero huwag na lang pansinin.

E cut off mo na lang ang tao hindi nakakabenefit sayo. Ganun ang ginagawa ko. Kahit friends nga kaya ko e cut off lalo na kapag lahat one sided. I mean ako lang ang bigay ng bigay kapag ang isa ay wala.

Hanap na lang ang lalake na matutupad ang gusto niya mangyari at hanap ka na rin ng tao na matutupad sa gusto mo mangyari. Ganun.

Wala ako sinisisi kahit sino sadya hindi kayo magka VIBES. Hindi kayo magka ENERGY. Ganun.

Sa akin mas malala na hindi elet go pero long term ang suffering kaysa ni letgo natin ang tao pero in the process ay maghehealed naman. Meron naman end ang sakit. Ang wala end is forever suffering na nakadikit tayo sa tao nagbibigay ng stress at depression.

Malala iyon.

Tulad ko. Talaga direct to the point ko sinabi cut off sa tao friend ko. Ang una, masakit pero after nun, free ako. Hindi rin siya marunong magpahalaga as a friend.

...pero para sa akin to be single is good. Mas marami nagagawa ang single kaysa magsyota o mag asawa dahil kapag meron partner na, imbis sa sarili ang focus ay sa iba tao mafofocus kapag meron partner. Iyon lang iyon. Masakit kapag maghiwalay pero masarap kapag naka move on na.
 
Last edited:
Re: Relationship problem

Sana maging okay na siya. Sana yung absence ko yung magparealize sa kanya kung ano yung mawawala sa kanya. Marealize ko din sana kung ano yung ma-ge-gain ko sa paglelet go ko. Sobrang sakit na din kasi. Sana kayanin. Parang five years yung nawala sa buhay ko.

Mahirap naman talaga. Wala naman madali sa totoo lang. Buti ka nga 5 years lang eh, ako nga yung past ko 10 years pero nagawa ko. Nagawa ko kasi kailangan, nagawa ko kasi yun ang dapat kong gawin. Magkakaiba man tayo ng reason(s) sa pagle-let go, alam kong makakaya mo din yan. Tsaka sa panahon na 'to, sarili mo naman yung dapat mong isipin at pahalagahan. Self respect.

Tinanong ko. Sagot niya "may plano ako, pero wala ka na don." Lol.

Ang tang** ko lang. wala kasi akong lakas ng loob para makipaghiwalay kasi yung attachment and yung love. Pag magkasama namab kami okay kami. Pag umuuwi lang talaga ako sa amin nagkakaganito kami.

Sabihin na natin na halimbawa eh JOKE lang yan. But still, hindi pa din magandang biro yan ganyan if ever na JOKE nga lang. Naiintindihan ko yung sinasabi mo na attachment sa taong mahal mo kasi nga mahal mo despite those things na sinasabi at ginagawa niya. Mahal mo eh. Gaya ng ng sinabi ko, mahirap naman talaga. Pero bago ko ginawa yung mag-let go / makipaghiwalay, pinag-isipan ko din talagang mabuti. Pinag-isipan kong mabuti kung tama pa bang ituloy o dapat ng tapusin. Hanggang sa na-realize ko na tama na, hindi na dapat. Nakakapagod na din kasi. Sa case ko kasi parang diyos / tadhana na yung gumawa ng paraan para magkahiwalay / magkalayo kami. Basta, timing na timing. Tsaka masasabi ko din na tama talaga yung naging decision ko that time kahit pa ako yung pinalalabas niya na may kasalanan / masama, kahit na siya 'tong iniputan ako sa ulo habang kami, habang live-in pa kami. Hahaha. Basta, best decision ever. Kung di ako naglakas ng loob na gawin yun, maaaring hindi ko makikilala 'tong girlfriend ko ngayon na hiniling ko talaga sa diyos na siya namang ibinigay niya sakin.

Again, alam kong masakit at mahirap. Pero don't forget to look at the brighter side of it. Di pa katapusan ng mundo, madami pang pwedeng mangyari sayo. Hindi lang puro pangit na experience(s). Di naman sa pagiging advance mag-isip, pero madami pang ibang lalaki dyan na di hamak na mas deserving sa love and affection mo, lalo na yung effort, kesa dyan sa boyfriend mo ngayon na walang respeto. Madami pang ibang lalaki dyan na ire-resiprocate yang pagmamahal mo ng kusa at higit pa sa inaasahan mo. Naniniwala ako na makakaya at malalampasan mo din 'tong nararanasan mo ngayon.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom