Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Driver's enemy #1

Magandang umaga madlang people!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Isang araw na naman ang lilipas sa kay manong drayber ng jeep. Sa pagmulat sa umaga isang simpleng bahay ang kaniyang madadatnan. Mahimbing na natutulog ang kaniyang asawa at mga anak sa loob ng kulambo na mejo marami nang butas. Nakahiga sa kama na halos limang taon na ang itinagal, taklob ng kumot na sa palengke binili, at nakahiga sa unan na tastas ang gilid dahil matagal na. Pagkalabas ng kulambo makkita ang ding ding na marami nang bitak bitak dahil sa kalumaan, ang bintana na kahoy na marupok na dahil sa anay, at ang sahig na simento malamig at lubak lubak.

Simpleng buhay ngunit masayang tinatanggap ng isang tatay ng tahanan. Imbis nga naman na nasa lansangan natutulog ang kaniyang pamilya, sa kakarampot na kita sa pamamasada ay sapat na para pakainin ng tatlong beses sa isang araw ang kaniyang pamilya at minsan ay kulang pa.

Marangal na trabaho pero dahil sa mga makabagong trabaho na tinatawag na "Barkers" ay minsan nalulugi pa ang jeepney driver.

Pagkalabas ng bahay suot ang polo shirt at tuwalya sa leeg lalabas ang ating dakilang tatay at mamamasada na. Dala ang container ng tubig, pamunas na nasa leeg, at susi para sa pagtataguyod sa pamilya.

Pagsakay sa loob ng luma, kakarag karag at halos mabaak na ang dingding na jeep ay dito magsisimula ang pagsisikap ng dakilang driver. Inspeksyon ang pudpod na gulong na sa kabilang gulong ay kailangan nang palitan, sa gasolina na naghihingalo na at sa daan na tatahakin niya sa maghapon.

Umandar na ang jeep at nailagay na ang plaka kung saan ang abot ng kaniyang prangkisa. Sa wakas ang unang pasahero na may bitbit na 8 pesos hanggang 15 pesos. Pero ang kasunod ng pasahero ay ang Barker na pag may sumakay ay maniningil kahit kusa namang lumalapit ang mga pasahero. Magtatawag ng mga tao para sumakay sa jeepney ni manong driver, kahit hindi humingi ng tulong si manong driver ay tuloy ang kaniyang pagtawag ng pasahero.

Iisa ang sumakay kay manong driver at kahit papano ay mayroon na siyang buena mano sa kahon na paglalagyan ng bayad. Kaso bago umalis si manong driver, haharang sa jeep ang Barker na malaki pa ang katawan kesa sa ating matanda at payat na driver. Sa bayad ng pasahero na 8 pesos ang barker ay inabot ang kaniyang kamay na nagsasabing bayadan ang upa sa kaniya dahil napagod siyang manghikayat ng pasahero.

Itinanggi ng ating driver dahil iisa naman ang pasahero na sumakay, kung babayaran niya ang barker ay lugi pa siya dahil sa minimun daw ng mga barker na 2 pesos hanggang 3 pesos kada pasaherong sumasakay. Tumanggi ang driver na bigyan dahil buena mano nga daw. Ang nasabi na lang ng barker.

"Wag ka nang dadaan dito tatang ha? Hindi ka ata nakakakilala"

Umalis ang driver habang habol tingin ang barker na binantaan ang ating manong driver dahil ata buena mano din dapat siya.

Tuloy ang byahe ni manong at saktong nakadaan sa isang pila ng mga estudyante at ilang mga papasok sa opisina. Napuno ang jeep ni manong at nakaupo ng maayos ang mga taong sumakay sa jeep. Sa kambyo ni manong driver ay paalis na dapat siya, ngunit hinataw ng malakas ng barker ang gilid ng jeep ni manong driver at sinabing apat pa ang kulang sa jeep.

Pinasakay ng barker ang apat na pasahero na halos wala nang maupian sa loob. Isang matanda ang halos malaglag na sa kinauupuan at wala nang maikilos ang mga tao. Pumunta ang berker sa unahan ng jeep at inabot ang kaniyang kamay. Bibigyan ni manong driver ng limang piso dahil madami dami ang kikitain niya sa mga pasahero. Pero hindi inalis ni manong barker ang kamay at humihingi ng dagdag dahil napuno daw niya ang jeep. Dinagdagan ng piso ng driver at pag humingi pa ng dagdag ay maliit na ang kikitain niya. Hindi nagpapigil ang barker at humingi ito ng 15 pesos. At mukang hindi papaalisin ang jeep dahil pag wala daw siyang maibigay kay "chief" ay wala daw siyang magagawa pag binigyan ang driver ng ticket sa paglabag sa trapiko.

Walang nagawa si manong at binigyan ito ng limos na 15 pesos.

Paalis na sana ang jeep pero hindi pa din naalis ang barker sa gilid ng jeep. 15 pesos daw ang para kay "chief" wala pa daw ang sa kaniya dun. Kaya 20 pesos ang nakuha ni barker sa ating kaawa awang manog driver.

Sa limang tigil ng jeep kapag may bababa, kasunod ito ang barker na nagtatawag ng pasahero. At kasama ng biglaang trabaho ng barker ay biglaang singil din sa driver na nagsisikap araw araw.

Sa maghapong byahe ng ating manong driver halos umabot ng 150+ pesos ang naibigay niya sa mga barker pa lang. Pero kahit papano may iuuwi siya sa kaniyang pamilya para pambili ng pagkain, pangangailangan at pambili ng bagong gulong para sa karagkaring jeep.

Pauwi na si manong driver, kumagat na ang dilim. Pagkaparada ng jeep sa harap ng kanilang inuupahang bahay ay masaya si manong driver para makita ang kaniyang asawa at limang anak na nagaaral pa sa elementarya. Uminom at inubos muna ang tubig gripo sa kaniyang container at nagpahid ng pawis ng maghapong trabaho.

Sa tatlong saksak sa likod ni Manong Driver natapos ang kaniyang araw. Sinundan pala siya ng barker na hindi niya binigyan noong umagang nagsisimula ang araw niya. Pilit niyang hinahabol ang hininga pero masyadong maraming dugo ang dumaloy sa kaniyang baga dahil sa saksak. Sa mga huling hininga niya, hiniling niya na sana ay maayos ang magging buhay ng maiiwan niya. At inihawak ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang jeep, dahil ito ang kaniyang kasama sa pagtaguyod sa kaniyang pamilya.

Pumikit si Manong Driver at sa kamay ng isang nanlilimos na Barker pala ang naging mitsa ng kaniyang buhay.

TAPOS


Pasensya na kayong lahat sa madrama kong kwento, sa pangaraw araw na buhay ng mga commuter sa buong bansa ay naaawa lang ako sa mga driver na kagaya ng driver na nasa ating storya.

Hanggang sa muli! Comment lang kayo sa baba para sa mga hinaing ninyo :)
 
Magaling ang pagkakasulat mo. Ipagpatuloy mo lang :salute:
 
Last edited:
Back
Top Bottom