Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | ETC.

pa help po.. I'm new sa pag aalaga sa aso..
I'm getting a labrador puppy soon
ano po kaya pwedeng ipakain sakanya?

saka magastos ba ang mag alaga ng labrador compare sa other breed? salamat po!
 
pa help po.. I'm new sa pag aalaga sa aso..
I'm getting a labrador puppy soon
ano po kaya pwedeng ipakain sakanya?

saka magastos ba ang mag alaga ng labrador compare sa other breed? salamat po!
Hindi naman xa magastos.. low maintenance ang labrador. masarap alagaan. hmmm masusugesst ko lang sau na DF. its either Vitality or Holistic. maganda yan for coat and less smell sa poop. :) wag ka mag beef pro maxado mataas ang salt content nyan. pero mabilis makataba ang beefpro
 
good day po... gusto ko lang pong magtanong po at sana lang po matulungan nyo po ako.... ganito po yun... pomspitz po ang aso ko po. nuong feb 19 after kong paliguan yung dog ko po nakita ko yung vulva nya namamaga po medyo nakita din ako ng konting dugo sa kanya ng hapon po. after that day wala na po yung dugo po kahit sa ihi po nya. so may nakapagsabi sa akin na pwede ko daw syang pastud after 9th day. so, naniwala naman po ako. pinastud ko po sya ng feb. 28 hanggang March 1 po sa pomeranian po na mas maliit po sa kanya. 3 days po yun tapos on March 3 pinainom ko sya ng duphaston po 1 tab lang po para daw kumapit yung sperm po. so ganun po on March 4 po may nakita na naman po akong dugo sa ano ng aso ko po. gsuto ko lang pong malaman po kung ano po yung dugo na po na yun? konti lang naamn po sya pero nakakabahala po. plsss sana lang po matulungan nyo po ako... tanong ko lang din po possible bang preggy ang dog ko po? thanks po ulit....
 
normal lng po yun .. ahmmm bigyan mo nlng po xa ng papi OB on her 20th day nya.. tapos wag mo lng xa ptakbuhi ng ptakbuhin... kulong mo lng xa dun sa hindi xa nkakatalon talon
 
Help! May parvo po ang mga alaga kong puppies, 1 day before their scheduled 1st 5in1 vaccine, nagpakita po sila ng sign nung parvo at nung tinest, positive. Pinaconfine ko sila pero naubusan na ako ng pera, wala na po akong pampaconfine. Iniinom po nila, water with mondex, metocloprimide, at cotrimoxazole. May mase ffective ka po bang gamot para matigil na ang pagsusuka nila at para kumain at maging masigla na sila? Salamat po.
 
pa help po.. I'm new sa pag aalaga sa aso..
I'm getting a labrador puppy soon
ano po kaya pwedeng ipakain sakanya?

saka magastos ba ang mag alaga ng labrador compare sa other breed? salamat po!

NICE! ayos yan! beef pro for cheap DF. pero kung gusto ninny po maganda.. holistic po.

kailangan niyo po ng malaking space. all in all maganda na po yan!
 
may mgnda bang homemade na pamatay garapata?? d na kasi ako makabili minsan sa mga petshop nang anti fleas lagi ako nasasarahan dahil nga sa work ko 8am-5pm tapos traffic pa pauwi. sa mall nman namamahalan ako, ang dogs ko nga pala ehh 1 boston terrier, 1 english bull, 1 askal, 1 mini pincher.
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

Share ko lang po c TINY (CHINESE SHAR-PEI)

2months old sya nung March 14, 2015

View attachment 208274

:thumbsup:
 
Attachments

  • 11015928_10205853756773758_1036964620233478297_n.jpg
    11015928_10205853756773758_1036964620233478297_n.jpg
    363.7 KB · Views: 1
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

Yun Golden naming, pag ayaw kumain ng dog food, pinapakain ko ng kanin na may sabaw or kanin na may hinimay na karne; minsan liverspread. Pag hindi nya kinain yun, sa Vet na diretso. Minsan kasi, nag iinarte lang. Try giving bread or biscuit; pag kinain, nag-iinarte lang. Kaya minsan, pag ganoon, sinusubuan ko, lalo na pag gutom na. Pag kinain nya yun, susubo na kusa. May binigay din minsan yung Vet nung ayaw kumain, parang liver extract vitamins na sinusubo. Now, I feed her occasionally with multivitamins with lysine(from local Drugstores).

- - - Updated - - -

Ang mga puppy ay critical daw alagaan. Importante din yun bakuna in their young lives, lalo na yun parvovirus. Akala ko nga pag malaki na, hindi na tatamaan. Mas malulungkot ang may aso pag nakalusot sa parvo nung bata pa dahil hindi nabakunahan pero namatay din nung malaki laki na dahil nahawa naman sa tutang may parvo at namatay din. Get them vaccinated.

- - - Updated - - -

Sa mga alaga ko, okay na ang SM bonus na Adult/Puppy food. Pag may extra, yung lamb with rice na feed, mataas ng konti pero mukhang mas masarap para sa golden ko. May galis yata yung aso namin at panay kamot sa tenga. Dry and crusty na nga yun tenga. Hindi kasi natapos yun nilalagay na anti parasite sa batok nya. 4 consecutive months daw yun, pa putol putol namin nagagawa. Hindi na tuloy gumaling. Happy pet grooming to all dog lovers. Pinag aralan ko na rin gupitan yun golden namin. Ok naman at trimming scissors lang gamit ko. Mukhang aso pa rin naman.
 
Last edited:
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

Sir ask ko lang po 2 tyms a day lang din ba kayo magpakain ng DOG FOODS sa PUPPY?
ang ginagawa ko kasi sa sharpei ko 7am Dogfoods (BEEFPRO PUPPY) with MILK... binababad ko ung Dogfoods dun
sa tanghali naman ung Vitamins nya
tapos sa gabi mga 7pm na ang kain nya ulit? tama lang po ba?

2months old na po sya saka okay lang ba kung 2tyms ko sya paliguan every week?:noidea:

THANK YOU​
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

mga Sir I'm planning to have a chihuahua 2 months old palang siya anong mga do's and don't or tips sa pagaalaga nito by the way first timer po ako , alaga ko po dati is mga pusa. Salamat :)
 
Siberian Husky

Hi symbianize,,

hello din po sa mga may siberian husky.

hello, im planning to buy po kasi ng dog, siberian husky po.. from nueva ecija ako,,
yung puppy n for sale sakin is almost 2months and 2 weeks na..

ASK ko lang po sana if ano ung mga pang beginners na need ko and alamin before adoption ng husky.
parang maselan po kasi dapat yung pagaalaga sa husky.

ang plano ko po sana is maglagay ng blower sa kulungan nia, thanks
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

hi po ask ko lng anong magandang at pinaka mabisang gamot sa galis ng aso o mange ba yun binilhan ko ng sulfur soap yung doggy ko kea lng wala eh mabagal ang talab yung galis nya namumula pero walang sugat sa paa tapos may hairloss na sya may pula na parang bungangaraw... yung vet kasi nya nasa vacation eh di ko madala...
 
Ang the best na nasubukan ko ay all natural.

Humanap ka ng kakawate na punoi, kumuha ng mga dahon ng puno, mga tatlong tangkay, durugin ang dahon at lagyan ng asin [ isang dakot ng palad ]
Bakit ko nasabing napaka epektibo nito?

May aso ako noon, Japspitz, ginalis at umabot sa point na mabaho na, ang ginawa ng utol ko, iniligaw nya, pero nakabalik sa bahay after ilang araw.
Nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay ko kung ano ang mabisa, ang sinabi sa akin ay yang kakawate.

Pagtyagaan mo lang ikuskos sa affected area nya, tapos patuyuin mo ng 2 hours. Sabay paluguan mo.
Gumaling yung aso ko in almost 4 weeks.

Hangang sa umalis ako pa Maynila ay maganda ang tubo ng balahibo.

- - - Updated - - -

may mgnda bang homemade na pamatay garapata?? d na kasi ako makabili minsan sa mga petshop nang anti fleas lagi ako nasasarahan dahil nga sa work ko 8am-5pm tapos traffic pa pauwi. sa mall nman namamahalan ako, ang dogs ko nga pala ehh 1 boston terrier, 1 english bull, 1 askal, 1 mini pincher.

Yung sa akin Detick ang ginagamit ko, effective naman, ang aso ko now is Mini Pincher.

Yung problema ko, gusto ko syang i vitamins, ano ba ang magandang vits para sa kanya? Mejo maarte sa kain eh.

Pag yung Pedigree na nasa sachet, ang mahal naman P32 isa eh, ayaw kumain ng dog food, binili ko ng saw dust, minsan nag sasawa, sabi nung isang kaibigan ko, try raw feed, one time ko na try, gusto naman nya at kinain, kaso nagsuka naman. Minsan kahit yung pedigree na nasa sachet ay ayaw kainin, Ngayon, binilhan ko sya ng SM na dog food. kinakain pero may natitira, eh konti na yung pinapakain namin.

Gusto ko lang gumana sya kumain. Napurga naman na sya, kailangan ko paba ipa purga ulit?
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

Tulong naman... Yung aso namin nagsusuka ilang araw na. Ewan ko kung related to sa init kasi balbon siya, Japanese spitz. Yung mga kinain nya ng umaga nasusuka nya sa gabi, bago kami matulog. Masigla pa naman siya kaya lang nangangayayat. Naging pihikan na rin sa pagkain. Gusto table food, hindi na pinapansin yung dog food nya.

TY sa makakatulong...
 
Re: Everything about DOGS :) SHARE | ASK | REQUEST | BUY | SELL | ETC.

Pa'ask lang po
yung shih tzu ko po kasi may tumutubo po sa kanyang parang pimples
tulad po sa picture
tpos mejo maselan sya kapag hinahawakan
ndi sya masyadong makatayo
ano po ba pwedeng gamot dito
Thanks po.
 
Attachments

  • 004.jpg
    004.jpg
    72.3 KB · Views: 4
Ano po magandang ipakain sa magbubuntis na dog, mga gulay etc. except po sa DF. Chow chow po dog ko TIA
 
May tanong ako mga ka sb, ano gagawin sa aso ko para mag heat, 1year and 4 months na hindi parin nag heheat, labrador po sya.may supplement ba na pang paheat...tia po:help:
 
Gusto ko mag alangan ng dog. Sobrang mahal ba ng poodle? Gusto ko kasi yon.
 
Back
Top Bottom