Mga Sir ... just want to ask one example of data report na kung saan meron pong date and time kapag ipinrint.. yung nakapost po kasi wala naman.. sige na p...
Sir Eric one question about you, teacher po ba kayo?
Ang strict niyo po kasi... tska lagi niyo po dinidepensahan yung mga instructor... (wala lang po natanung ko lang)
GOD BLESS!
Nice question, ok yan.
Teacher ako for 2years dati.
Im now a Sr. Software Engr. sa Makati
Nag umpisa ako sa IT DOS5.0 pa lang ang OS
Nag uumpisa palang ang Windows nun
The reason kaya ako strict dyan ay dahil madami ako naiinterview for several yrs for the position of jr. programmer na walang alam, tama, walang alam in the programming and software development sense.
Ang ganda ng biodata, kung ano ano ang nakalagay, cum laude pa nga e, pero pag pinagawa ko ng program; yung iba maski hello world di mai code.
Meron din ako nahire dati, magaling nga may attitude naman; akala sya na ang pinakamagaling, di naman natatapos ang pinapagawa.
Meron din marunong na sana pero di kaya ang pressure ng trabaho, gusto parang buhay student lang.
Kung alam mo lang kung papano ang programming sa totoong buhay,
dito kung saan critical ang bawat code at deadline,
pag nakita mo baka yakapin mo yung teacher mo at bumalik ka sa kanya.
Here sa SB programmers sana hindi mangyari yun, pinili nyong maging programer, pinakamahirap na phase ng career na to ay yung mag aral, malas lang non-stop sa atin yung mag aral kasi mabils magbago sa IT.
Im here para makatulong maski papano at ipakita sa inyo kung ano meron after schooling.
Nakita mo naman siguro kung papano ko ipinaliwanag in theory yung mga sagot ko sa tanong mo last time,
i took the time and effort to answer them, i hope may napulot ka dun.
Napansin mo walang source code, its up to you to explore and learn, importante alam mo na yung concept.
Dito madami akong nakitang magagaling, resourcefull at nagsisikap matuto, very fulfilling silang turuan,
pero madami rin akong nakitang tamad at naghihintay ng iaabot na source code nalang,
gusto ko lang mabago yun at mai angat ang level ng mga programmers na member ng SB.
Madami na rin ako naturuan dito, via YM, outside of SB, yung iba first time nakita yung ganung way ng programming pero very interested,
i hope di nila malimutan yun.
Dito ako sa vb6 nagtagal, dito ako sa vb6 umangat at nakarating kung saan saang panig ng mundo, ito ang alam kong paraan para makatulong.
If i were to teach, ill teach you how to teach yourself, how to think like a software developer.
Once na nasa buhay at isip nyo na ang programming, system analysis at kung ano pa dyan,
madali nalang ang trabaho lalo pag marunong mong turuan ang sarili mo.
Ask around, meron mga members dito na professional programmers na rin, alam nila yan.
So pasensya na kung medyo strict, wait till you meet your boss sa unang real programming job mo then tell me kung strict pa ako.
Hehehe.
Regards and Good luck.