guys hihingi lang po sana ng advise...anu po ba mgandang gamitin sa payroll system namen..barcode scanner or fingerprint scanner..???
obviously di ka pa nag research kung ano ano ang mga ito, nakalimuan mo rin ang RFID, pwede rin yun
for me ang device na gagamitin ay depende sa capablity at gusto ng client
as a programmer dapat ready ka na i integrate yan sa system na gagawin mo
1. pag barcode scanner, dapat naka print ang barcode sa ID mismo ng employees, given na may ID na sila, ready ka ba pagawa ng new ID or gumawa ng sticker nalang at idikit sa lahat ng ID nila?
2. pag fingerprint scanner, medyo mahal at mabusisi ang programming pero accurate to, di pwede ipahiram ang id kung absent, pwde ipahiram mo daliri mo siguro, minsan meron taong di talaga ma scan ang fingerprint, minsan din health issue kasi hahawakan ng maraming tao yung scanner
dapat mo rin i enroll sa system lahat ng employees, minsa up to 3 to 4 fingers para sure
depende rin sa scanner mo, meron mga mahal na stand alone lang, up to 100 employees lang nga ang kaya
meron din pc based na scanners, pero need mo meron naka on na pc parati
3. RFID, meron stand alone at meron PC based, no touch to kaya tawag minsan ay contactless, card ito na kasinlaki ng ID lang, medyo mahal lang ang isa
ang barcode scanner ay meron keyboard wedge na parang keyboard ang function (open notepad and scann para malaman mo) or meron din serial port based(or USB/serial) ang interface, nedd mo ang serial programming dito
ang RFID at Fingerprint scanner naman ay meron kasamang drivers pag PC based, work on the driver/SDK para mapagana mo sila.
pag standalone naman, wala lang, scan lang tapos download lang later ang data, yun ang gagamitin mo sa timekeeping data mo
i parse mo lang para makuha ang employee id at IN/OUT na time
do a thorough research sa mga devices, marami sa google para makilala mo silang mabuti at malaman kung ano ang bagay sa system na gagawin mo