Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

eyering tips on breeding

Re: eyering tips on breeding and sale

mga sir magkano po ba ang bentahan ng ER pag highbreed

depende yan sa breed na bibilhin mo, may mga breed kc na 3k up ang isa. kung beginner ka sir sa pag aalaga ng african, may advice is magsimula ka muna sa medyo murang breed kc mahirap ang pag aalaga ng ganitong pet sa simula. kailangan mo muna malaman ang mga tamang pag aalaga bago ka mag level up ng aalagaan.

pero kung nag aalaga ka na dati pa eh wala namang masama mag alaga ng mahal na breed kung kaya ng budget mo. sayang kc eh, saka pag ganyan na kamahal eh dpat full attention ka kc nga mahal ang puhunan mo.
 
Re: eyering tips on breeding and sale

kapag na experience ko ganyan, hindi ko muna isinasalang sa next clutch. Takpan mo muna sir yung butas nestbox or ilagay mo sa flight para pahinga muna kung hindi successful yung 1st clutch.

pahinga muna mga 1 month, tapos salang ulit.

i agree!!!
 
Re: eyering tips on breeding and sale

depende yan sa breed na bibilhin mo, may mga breed kc na 3k up ang isa. kung beginner ka sir sa pag aalaga ng african, may advice is magsimula ka muna sa medyo murang breed kc mahirap ang pag aalaga ng ganitong pet sa simula. kailangan mo muna malaman ang mga tamang pag aalaga bago ka mag level up ng aalagaan.

pero kung nag aalaga ka na dati pa eh wala namang masama mag alaga ng mahal na breed kung kaya ng budget mo. sayang kc eh, saka pag ganyan na kamahal eh dpat full attention ka kc nga mahal ang puhunan mo.

+1 ako dito.... kung baga maging familiar ka muna...
dapat talaga may alam ka na, kahit sabihin natin hindi mo problema ang pera, sayang din naman. :)

noon baguhan din ako... nagandahan ako sa finches particularly gouldians..

nagmadali ako hindi ko inisip yung consequences. bumili ako agad ng 1 cock, 1 hen young sila(madali kasi ma identify gender nila thru their color lang) napaka sensitive pla ng goulds, ang bili ko sa 2 young eh 3k na(2007 pa) december yun malamig ang panahon, di umabot ng 2 months nagkasakit at namatay.
 
Re: eyering tips on breeding and sale

meron po ako B2B na vio perso.. naglabas cia ng chick na lavander kulay anu magandang ipares para maging solid sa future breedings???

and cno po meron wildtype perso?? trade po sa 2pcs. albino add cash nalng po ako at kung ano mapagkasunduan.. pa pm po.. priority laguna area po.. thanks...
 
Re: eyering tips on breeding and sale

At sa banyo mo talaga naisipin maglaro ng bird. este maghand tame ng parakeet.. :naughty: :laugh:

Pero Seriously kahit saan. Basta wala liliparan kase siguradong lilipad yan sa first rounds of training. Yung tipong sigurado kang mahahabol mo 'pag kumawala. Pinakasafe if you clip their wings. Pati tail. Basta 'wag mo lang tamaaan yung buto. Just put in mind that even with theirs wings clipped, they can still pretty much move around.

:thumbsup::salute:

Hehehehe kini-clip din pala ang mga tail nila hehehe. Pano pag hindi ano naman ang dis advantage ng hindi naka-clip ang tail? Pano pag ang bed ay double deck?

Thanks :yipee: :clap: :beat: :excited: :dance: :lol: :rofl: :lmao: :praise: :thumbsup: :salute:
 
Re: eyering tips on breeding and sale

magandang araw mga sir, ganito kasi yun, namatayan ako ng isang girl na african lovebird, then after two weeks bumili ako ng ipapair ko sa natirang boy african lovebird ko. nag ddoubt lang kasi ako baka hindi girl na african lovebird yung naibigay sa akin. hehehe kanina, nakita ko silang pinapakain ang isat isa.. (at parang kinukuto ang isat isa) tanong ko lang kung pair naba sila nun? ( nasa character na ng boy-boy eh pinapakain ang isat isa? ) hindi naman sila nag aaway... salamat..
 
Hindi ako expert pero marami na akong na-encounter ganyan problem. hehehe Tip lang to haa. . . Sabi daw kasi dahil lovebird, hindi ibigsabihin girl-boy or boy-girl ang pairs.... Pwede rin girl-girl or boy-boy. Para makasigurado ka pwede mong hawakan yung sa may pwetan nila kung mas malaki, girl yun (yung sa tingin mo kakasya ang egg. Kung medyo maliit at halos magkadikit boy yun.
Dun ba sa binilhan mo sinabi nilang girl yun? At pano nila nalaman, nakita mo ba kung pano nila ina-identify yung bird?

Opinion lang po.... :rofl:
 
Re: eyering tips on breeding and sale

yup. ginawa ko na po ngayon yung na check na sa may puwitan, para maka sigurado na. hehe ( sure ako sa boy ko eh, pero chineck ko pa rin silang dalawa, mas malalim nga ang pabilog yung sa girl) chineck din po nung binili ko( kinuha sa cage inalis sa pair nya) pina check din sa akin yung puwitan, pero hindi ko madistinguish nun.. :D

chineck nila sabi girl, tapos pina check din sa akin. pero hindi ko naman kasi alam ang difference.. hehe
 
Last edited:
Re: eyering tips on breeding and sale

magandang araw mga sir, ganito kasi yun, namatayan ako ng isang girl na african lovebird, then after two weeks bumili ako ng ipapair ko sa natirang boy african lovebird ko. nag ddoubt lang kasi ako baka hindi girl na african lovebird yung naibigay sa akin. hehehe kanina, nakita ko silang pinapakain ang isat isa.. (at parang kinukuto ang isat isa) tanong ko lang kung pair naba sila nun? ( nasa character na ng boy-boy eh pinapakain ang isat isa? ) hindi naman sila nag aaway... salamat..

Possible yung na nag-pair sila pero hindi pa rin 100% unless makita mo sila mag-mate at mag-lay na ng eggs. Pero 1 point ka na dun sa nagsusubuan at nagkukutuhan :) kasi minsan nga identified na yung gender tapos i-pair mo, ayaw naman ng hen or cock edi mahirap din. antayin mo na lang magmate sila, dun 99% pumares na yan. :clap:
 
Re: eyering tips on breeding and sale

yup. ginawa ko na po ngayon yung na check na sa may puwitan, para maka sigurado na. hehe ( sure ako sa boy ko eh, pero chineck ko pa rin silang dalawa, mas malalim nga ang pabilog yung sa girl) chineck din po nung binili ko( kinuha sa cage inalis sa pair nya) pina check din sa akin yung puwitan, pero hindi ko madistinguish nun.. :D

chineck nila sabi girl, tapos pina check din sa akin. pero hindi ko naman kasi alam ang difference.. hehe

Okay na yun Tama din si Wijiboi hintayin mo syang mag lay. Dapat lang nasa tamang Age na sila.... May kakilala nga ako nainip sa paghihintay, ayun binenta :slap:

:rofl:
:salute:
 
Re: eyering tips on breeding and sale

Okay na yun Tama din si Wijiboi hintayin mo syang mag lay. Dapat lang nasa tamang Age na sila.... May kakilala nga ako nainip sa paghihintay, ayun binenta :slap:

:rofl:
:salute:

whoa! gaano ba katagal nag antay :)
 
Re: eyering tips on breeding and sale

magandang araw mga sir, ganito kasi yun, namatayan ako ng isang girl na african lovebird, then after two weeks bumili ako ng ipapair ko sa natirang boy african lovebird ko. nag ddoubt lang kasi ako baka hindi girl na african lovebird yung naibigay sa akin. hehehe kanina, nakita ko silang pinapakain ang isat isa.. (at parang kinukuto ang isat isa) tanong ko lang kung pair naba sila nun? ( nasa character na ng boy-boy eh pinapakain ang isat isa? ) hindi naman sila nag aaway... salamat..

di ka pa rin 100% sure na hen nabili mo although nakita mo silang nagkukutuhan kasi normal tlga sa kanila ang malambing. pero posible pa rin na hen yan kc sabi mo nga eh kinapa naman yan sa binilhan mo at sabi hen.

tama si wijiboi na hintayin mo silang mag mate para sigurado ka. pero kung may kakilala ka na sanay sa pagkapa ng sipit sipitan eh ipakapa mo para mawala yung doubt mo.

san ba location mo? baka malapit ka lang sa akin eh pupuntahan kita.
 
Re: eyering tips on breeding and sale

Okay na yun Tama din si Wijiboi hintayin mo syang mag lay. Dapat lang nasa tamang Age na sila.... May kakilala nga ako nainip sa paghihintay, ayun binenta :slap:

:rofl:
:salute:

kung 2yrs sila naghintay eh talagang nakakainip yun. baka binenta ko din yun. pero sure ba sya na pares yun baka naman pareho cock o hen.
 
Re: eyering tips on breeding and sale

+1 ako dito.... kung baga maging familiar ka muna...
dapat talaga may alam ka na, kahit sabihin natin hindi mo problema ang pera, sayang din naman. :)

noon baguhan din ako... nagandahan ako sa finches particularly gouldians..

nagmadali ako hindi ko inisip yung consequences. bumili ako agad ng 1 cock, 1 hen young sila(madali kasi ma identify gender nila thru their color lang) napaka sensitive pla ng goulds, ang bili ko sa 2 young eh 3k na(2007 pa) december yun malamig ang panahon, di umabot ng 2 months nagkasakit at namatay.

maselan ba tlga alagaan ang mga gouldian finches????

may nag o-offer kc sa akin ng pares na young 2.3k daw, ang ganda naman kc ng kulay nila at parang gusto ko mag try mag alaga.

sa ngayon kc ang alaga ko ay mga keets, african at cockateil.
 
Re: eyering tips on breeding and sale

kung 2yrs sila naghintay eh talagang nakakainip yun. baka binenta ko din yun. pero sure ba sya na pares yun baka naman pareho cock o hen.

Hindi ko lang alam pero yun lang yung anak nung mga dati nya. Matagal na rin yun ehhh . .. . . 2005 ata malayo na nga sila samin eh hhehehehe..... Sir Cute Eyes . . . Gano ktagal bago umitlog ulit ang parakeet last september 28 lang sya umitlog pero binasag. Kailan kaya ulit yung next? Nung Sept 28 first clutch nila yung next ang magiging second Kailan kaya yun?

Thanks
 
Re: eyering tips on breeding and sale

maselan ba tlga alagaan ang mga gouldian finches????

may nag o-offer kc sa akin ng pares na young 2.3k daw, ang ganda naman kc ng kulay nila at parang gusto ko mag try mag alaga.

sa ngayon kc ang alaga ko ay mga keets, african at cockateil.

base on sa exp. ko lang sir, mataas ang mortality rate nito kesa sa mga african lovebirds lalo kapag nasa early months nila (2 to 5 months) nahirapan din ako magpabuga ng walang FOSTERING(thru society finches) iba kasi sir ang tikas kapag mismong gouldian parents ang nag-raise. Ok din naman sa society, kasi mataas ang percentage na maglilimlim at susubuan afterwards.

Pero ang ganda talaga din nila kasi nga ang dami ng color combi, lalo makita mo sila sa flight, nakaka-relax tingan.

Mahirap pero sulit ang every successful clutch. :)

yung 2.3k anong yung sir? green? or yellow back?
 
Re: eyering tips on breeding and sale

sa ngayon kc ang alaga ko ay mga keets, african at cockateil.

sir cute, kung yung inahin (parakeets) po nagpe feather plucking ng inakay, ano pong remedyo maliban sa ihiwalay yung inahin? Medyo maliliit pa kasi yung mga chicks kaya nag-aalangan akong ihiwalay yung hen kaso nangangalbo siya ng anak. Nakakaawa yung mga apektadong chick. Bale lima po yung chick niya. Dalawa yung binabakbak niya.

Salamat po.
 
Re: eyering tips on breeding and sale

mga boss meron ako dalawang wildtype perso kaya lang parehong cock nahuli ko lang ung isa nito dumapo sa kulungan ko. need ko po ng hen baka meron kayo jan pwd swap laguna area po ako
 
Back
Top Bottom