Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Generic or Branded PSU - ask ko lang

kira29

Recruit
Basic Member
Messages
14
Reaction score
0
Points
16
paano malalaman kung generic or brand ang power supply ng computer? pag nasira ba to pwede pang ipagawa or bili na lang bago? thanks.
 
usually branded ang tawag pag kilalang manufacturing brand like seasonic, fsp, coolermaster, etc kasi meron silang efficiency ratings ie bronze silver and gold, unlike sa mga di kilala or generic brand na bihira un ratings... pag nasira naman at lampas sa warranty, pwede mo ipa rma kaso shoulder mo lang yun charges pero in my experience, hindi pa ako nasiraan ng seasonic kaya highly recommended, also naalala ko rin nun generic psu user ako, palaging mainit ang desktop pc ko tapos siguro 2yrs or swerte na inaabot ng 3 yrs ang lifespan ng vga card ko pero nun nagswitch ako sa branded, warm na lang sya lalo sa magdamagang laro, safe pa yun pc components ko
 
Agree ako dito :salute:

Konting dagdag na rin.
Mostly nasisira ang PSU kapag overloading o ung hindi na kayang suplayan ng PSU ang lahat ng device na kinabit mo sa motherboard o peripherals like additional HDD + SSD + RGB lightings + etc. Kasi kahit na mapa RMA pa yan pero kulang pa din ang watt na kailangan sa rig mo mauulit lang yan.

Kaya dapat mong malaman ang overall wattage ng RIG mo + allowance bago ka bumili ng PSU :beat:
 
Last edited:
On another note, nakapagpa-warranty na ako ng Seasonic PSU (M12II-520 EVO 80 Plus Bronze). Binili ko sa PCHub nung 2014 at namatay this 2018. Buti 5 years ang warranty.

Ang problema sa warranty ng Seasonic ay dalawa ang logistics nila dito - JTP tsaka Helix Technologies. Matino yung Helix. Malas mo na lang kung sa JTP ka magpapa-warranty kasi aabot daw ng buwan at sang katutak na follow-up. Yun nga lang, di mo malalaman kung kanino ipapa-warranty ang Seasonic PSU hanggang sa di mo maibigay ang serial number sa JTP o Helix. Dini-deny ng Helix ang warranty kung hindi sa kanila ang serial at i-advise nila na mag-inquire ka dun sa kabila.

Sa Helix, dalawang linggo lang ang inabot ng RMA ko tsaka responsive pa sila. Nagbayad lang ako ng LBC shipping. Ang pinalit, M12II-620 EVO. Tinanong ko kung panibagong 5 years ba ang warranty. Hindi daw. 1 year remaining na lang sa akin kasi yun ang original warranty. Hehe.
 
paano malalaman kung generic or brand ang power supply ng computer? pag nasira ba to pwede pang ipagawa or bili na lang bago? thanks.

branded PSU's usually carry a well known brand's name. you should check if they're True Rated instead with these stickers:
80plus.jpg

these logo should be located on both the box of the PSU and on the technical details printed on the PSU itself
most highly recommended PSU's have Japanese made capacitors which usually indicate their great performance and reliability :yes:

ang mga generic, well, generally they have an unknown brand on their label along with their technical specs.
these "Generic" PSU's are typically poorly constructed with unreliable capacitors which is known to explode.
yung power rating nila ay hindi true rated. yun ang peak rating nya at typically, kalahati lang ang true rated. hindi nya kaya i-maintain yun at ang tendency ay puputok ang capacitors.
e.g. generic 700w psu ~ usually means yung 700w ay yung peak power rating nya pero 350w lang ang true rated.

yung generic pag nasira, tapon mo na lang at wag ka ng bibili ulit nun.
yung mga branded, usually covered ng warranty yan. kung lagpas na sa store warranty (3~5 years), ikaw na mismo ang magpapa-RMA (return merchandise agreement) at hintayin mo lang kapalit. you might spend on courier fees though.

we had discussions about that on this thread if you want to read more (videos included):
why should you invest to a better psu rather than using generic psu ??

On another note, nakapagpa-warranty na ako ng Seasonic PSU (M12II-520 EVO 80 Plus Bronze). Binili ko sa PCHub nung 2014 at namatay this 2018. Buti 5 years ang warranty.

Ang problema sa warranty ng Seasonic ay dalawa ang logistics nila dito - JTP tsaka Helix Technologies. Matino yung Helix. Malas mo na lang kung sa JTP ka magpapa-warranty kasi aabot daw ng buwan at sang katutak na follow-up. Yun nga lang, di mo malalaman kung kanino ipapa-warranty ang Seasonic PSU hanggang sa di mo maibigay ang serial number sa JTP o Helix. Dini-deny ng Helix ang warranty kung hindi sa kanila ang serial at i-advise nila na mag-inquire ka dun sa kabila.

Sa Helix, dalawang linggo lang ang inabot ng RMA ko tsaka responsive pa sila. Nagbayad lang ako ng LBC shipping. Ang pinalit, M12II-620 EVO. Tinanong ko kung panibagong 5 years ba ang warranty. Hindi daw. 1 year remaining na lang sa akin kasi yun ang original warranty. Hehe.

wow :wow: nice info :thumbsup:

edit:
meron na rin pala sa LTT forum nung PSU tier list. :think: sa tom's hardware ko binabasa dati yan eh. mukhang mas maayos ang presentation nila ngayon :yes:
 
Last edited:
Ung Korean na PSU maganda din daw. Eto usually nire-recommend sa ULOP forum
 
BRANDED = Mabigat saka nakabalot mga wirings

GENERIC = Sobrang Gaan, walang balot hiwa-hiwalay mga wirings prang sphagetti ng Mcdollibee :lol:
 
Last edited:
Back
Top Bottom