Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ghost Stories (update:Trip End)

share po tayo ng karanasan natin,
okaya ay kwentong nasa guni guni natin..
dito lang po sa [SIZE=+2]Ghost Stories[/SIZE]..

Page 1 ------ One Step Forward Part 1-8
Page 2 ------ Be Careful What You Wish For Part 1-6
Page 3 ------ Campus Queen Part 1-3
Page 4 ------ Campus Queen Part 4-6
Page 5 ------ Campus Queen Part 7-9
Page 6 ------ Campus Queen Part 10-12 | Alexa(sequel)
Page 7 ------ Campus Queen Part 13-15
Page 8 ------ Campus Queen Part 16-17
Page 9 ------ Campus Queen Part 18-19
Page 11 ------ Campus Queen Part 20-23
Page 12 ------ Campus Queen Part 24-25
Page 13 ------ Campus Queen Part 26
Page 14 ------ Campus Queen Part 27(Finale)
Page 15 ------ The Girl From Cyber Wolrd 1
Page 16 ------ The Girl From Cyber World 2 & 3
Page 17 ------ The Girl From Cyber World 4(End)
Page 19 ------- Trip Part 1-6
Page 20 ------- Trip Part 7-End ; 7 Deadly Sins (Gluttony)


Other Ghost Stories
Noong Bata Ako
Umuuga Ang Kama

[SIZE=-2]just like us on Facebook..Ghost Stories Mo, Post Mo Dito[/size]​
 
Last edited:
Re: Ghost Stories (update:Girl From Cyber World 4)

Trip Part 1
by Scary Spice


PART 1

Papasok pa lang sa bahay na yun ang anim na magkakaibigan na sina Sheryl, Jenn, Raquel, Leanne, Pao at Adie ay sinalubong na agad sila ng isang matandang kubang lalake. Kinilabutan ang magbabarkada dahil tunay na nakakatakot sa loob. Puro agiw at ang tanging nag bibigay liwanag ay ang kandila na nakasindi sa harap ng salamin.

Matandang Kuba: "Maligayang Pagdating sa inyo!"

Nauunang naglalakad si Pao dahil sya ang pinaka matapang, sinundan naman ito ni Raquel, Leanne, Sheryl, Jenn at Adie. Nasa bungad pa lang sila ay gulat na gulat ang anim ng may dumaan sa harap nila na isang lalakeng naka barong at may saksak sa dibdib. Hindi nagpa sindak si Pao . Sa halip ay dumerecho pa din sya sa paglakad at sinabi sa mga kaibigan na wag bibitiw at wag maghihi-hiwalay hanggang makalabas sila.

Pao: "Wag kayong magtulukan, lalo akong nahihirapan hanapin yung daan palabas eh."

Sheryl: "Kasi naman Pao natatakot talaga ako, kinikilabutan ako sa lugar na ‘to."

Jenn: "Kaya nga nasa gitna ka para hindi ka matakot."

Ng bigla silang sungaban ng isang manananggal. Pati si Pao ay nagulat kaya napasigaw din sya. Dahil sa pagkabigla ay nagtatakbo sila at tuluyan silang nagkahiwa-hiwalay.

Si Adie ang hinabol ng mananggal. Hinahampas nya ito ng kanyang bag pero hindi ito matinag. Wala syang nagawa kundi tumakbo na lang at manalangin na wag sana syang abutan ng manananggal.

Sina Leanne at Sheryl naman ay nakapagtago sa isang sulok. Halos hindi sila gumagalaw dahil sa takot na makita ng mga maligno na humahabol sa kanila. Napasandal si Leanne sa pader, paglingon nya ay katabi pala nya ang isang matandang babae na nakaitim, puro dugo at halos inuuod ang mukha. Nanlilisik ang mga mata nito at nakatitig sa kanya. Nagsisigaw si Leanne at tumakbo papalayo, hindi nya namalayan na naiwan nya ang kaibigan na si Sheryl.

Habang tumatakbo si Leanne at hinahanap ang daan palabas ay natalisod sya sa kung anong nakaharang sa dinadaanan nya. Ng tignan nya ay isang putol na kamay pala ito at gumagalaw pa.

Leanne: "Ahhhhhhhhhhhhhh! Bakit ba ko sumama pa dito. Dyos ko, tulungan nyo po ako!" (sambit nya)

**
Samantalang si Jenn at Raquel ay patuloy pa din sa pagtakbo. Ng makasalubong nila ang babaeng naka puti. May tahi ang mga bibig nito at unti-unting lumalapit sa kanila. Mabuti na lang at dumating si Adie at pinaghahampas nya ng kanyang bag ang babae.

Adie: "Dali! Tumakbo na tayo, nakita ko na ang daan palabas. Nandun na din si Pao."

Raquel: "Pero paano sila Leanne at Sheryl. Nawawala sila."

Jenn: "Oo nga, hindi natin sila pwedeng iwan dito sa loob."

Biglang dumating si Leanne na hingal na hingal dahil sa kakatakbo..

Adie: "O, nasan na si Sheryl?"

Leanne: "Naiwan sya dun sa ilalim ng hagdan. Dun kasi kami nagtatago, biglang may matandang babae na lumitaw kaya ako nagtatakbo.”

Raquel: "Bakit mo iniwan, alam mo naman na sya ang pinaka duwag satin."

Leanne: "Nabigla kasi ako. Teka, nasan ba si Pao?"

Ng mapansin ni Jenn na may kung ano na nasa paa ni Leanne. Pag tingin nila ay ito pala ay yung putol na kamay na humahabol sa kanya kanina.

Leanne: "Aaaaahhhhh! tanggalin nyo yan!"

**
Samantala, si Sheryl ay nasa sulok pa din sa ilalim ng hagdan kung saan sya iniwan ni Leanne. Naka pikit ito at nagdadasal dahil sa takot. Pakiwari nya ay hindi na sya makakalabas sa bahay na yun. Pinapakiramdaman nya ang paligid. Tahimik na ito at wala na ang ingay na gawa ng mga maligno at multo. Kaya dumilat na sya, hindi nya inaasahan sa pagmulat nya ay isang white lady ang nasa harapan nya, isang mata lang ang kita at ang buong mukha ay natatakpan ng buhok nito.

Sheryl: "Aaaaaaahhhhhhhhhh! Tulong!" (sigaw nya at nagtatakbo palayo)

Hingal na hingal na si Sheryl at mangiyak-ngiyak dahil hindi na nya alam ang kanyang gagawin. Habang tumatakbo sya ay nakikita nya sa gilid ng kanyang mga mata ang kung anu-anong maligno. Nadidinig din nya ang tila tyanak na umiiyak. Kahit saan pa sya tumingin ay puro kababalaghan ang kanyang nakikita. Ng mapagod ay naupo muna sya sandali. Agad nyang kinuha ang cellphone para tawagan ang mga kaibigan. Ng biglang bumukas ang inuupuan nya. Isa pala itong kabaong. Nasa loob nito ang isang bangkay ng lalake. Napasigaw sya ulit ng bigla itong dumilat at humalakhak na parang demonyo.

Muli syang tumakbo papalayo, tila walang katapusan at walang lagusan ang bahay na iyon. Laking tuwa ni Sheryl ng makakita sya ng liwanag. Sa wakas ay nakita na nya ang daan palabas.

Pao: "Sheryl! Dito, dito ang daan. Dali!"

Sa wakas ay nakalabas din ang magbabarkada sa loob ng Horror House.

Maintenance: "Kayong mga kabataan kayo, sa susunod siguraduhin nyo na malalakas ang loob nyo bago kayo pumasok dito. Kawawa naman yung mga tauhan namin sa loob, pinaghahampas nyo daw."

Adie: "Naku sorry naman kuya, kung manggulat naman kasi yung mga multo nyo wagas! Lalo na si Manananggal lahat ng laway nya napunta na sa mukha ko, hinampas ko nga ng bag!" (papilosopo nyang sagot)

Raquel: "Kuya pasensya na po kayo, nagkatuwaan lang naman kami. Sige po, pasensya na po ulit."

At umalis na ang mag babarkada.

**
Habang kumakain ay nagkkwentuhan sila.

Pao: "Si Leanne kung makatili kanina kala mong kinakatay, para putol na kamay lang."

Leanne: "Kasi naman bukod sa putol na yung kamay akalain mo nananampal pa."

*tawanan*

Sheryl: "Iniwan nyo naman ako sa loob,grabe parang tunay yung mga maligno."

Adie: "Hayaan mo sa susunod sa totoong Haunted House na tayo papasok."

Jenn:"Haay naku guys, dalian nyo na kumain at gagabigin tayo, mahirap mag drive pag madilim na."

Raquel: "Oo nga naman. o sya, saan ang next stop natin?"

itutuloy..^^
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 1)

Trip Part 2
by Scary Spice


PART 2



Sheryl: "Gimik na lang kaya tayo tonight? Tingin nyo?"



Pao: "Nakakasawa naman ang mga bar dito sa atin. Wala bang iba?"



Jenn: "Eh kung mag out of town kaya tayo?"



Leanne: "Ay! Gusto ko yan, feel ko yata mag beach."



Raquel: "Kelan naman?"



Adie: "Edi mamaya, ano? Gora tayo?!"



Lahat: Go! go! go!"



Napagkasunduan ng magkakabarkada na mag out of town mamaya mismong madaling araw. Tutal bakasyon na at wala naman silang ibang pinagkakaabalahan. At ang napili nilang lugar ay sa isang beach resort sa Batangas. Habang nagkakatuwaan ang sila ay biglang may lumapit sakanila na isang matandang babae.



"Huwag na kayong tumuloy kung ayaw nyong mapahamak" (wika nito)



Napatingin ang magbabarkada sa matanda.



Adie: "Naku lola, masama po ang nakikinig sa usapan ng may usapan. Alam nyo po ba yun?" (papilosopong sagot na naman ni Adie)



"Sampung taon na ang nakakalipas ng may isang grupo ng kabataan ang napahamak at hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita ang mga katawan nila. Huwag na kayong tumuloy kung ayaw nyong matulad sa kanila." (wika ulit ng matanda)



Jenn: "Lola aalis na po kami. Sige po."



Agad tumayo ang magbabarkada at umalis sa lugar na iyon. Bahagyang natakot ang ilan sa kanila dahil sa sinabi ng matanda. Habang naglalakad silang anim papunta sa parking lot ay parang naririnig pa din nila ang boses ng matanda.



Sheryl: "Ui mga friends, wag na kaya tayo tumuloy mamaya."



Leanne: "Oo nga, baka totoo yung sinasabi nung matanda."



Adie: "Wushu! Kayo naman porket hindi kasama mga jowa nyo ayaw nyo ng tumuloy, o sige ganito ha, ok lang na isama nyo mga jowa nyo pero sagot nyo breakfast natin mamayang uamaga."



Leanne: "Ok, fine. Isasama ko si Alvin. Mas maganda nga yun may kasama tayong lalake, para safe tayo."



Raquel: "Edi lumabas din ang totoo, malandi ka talaga girl!"



Leanne: "Talaga! Wala ng mas lalandi pa sakin."



Adie: "Korek! Ikaw ang mayora ng kalandian."



(tawanan)



**

Nasa loob na sila ng Van. Si Jenn ang nag ddrive. Si Pao naman ang nasa passenger seat, sina Leanne, Raquel, Sheryl at Adie ang nasa likod at nagkukulitan. Habang tinitignan ang mga pictures nila sa Amusement Park...



Raquel: "WTF!"



Adie:"Bakit girl?"



Raquel: "Tignan nyo girls yung group picture natin. Nasa likod natin yung matandang babae kanina."



Sheryl: "Gosh! Oo nga, tignan nyo hindi lang isa. Tignan nyo yung picture natin kanina nung pasakay tayo sa roller coaster, nandito din sya."



Adie: "O, eh ano naman? Malay mo sasakay din si Lola sa roller coaster, kayo talaga, lahat ng tao may karapatan sumakay dun noh."



Leanne: "Ano ka ba, di ka man lang ba nagtataka kung bakit nya tayo sinusundan?"



Pao: "Haaay naku guys,wag nyo masyadong pagaksayahan ng panahon yan, nagkataon lang siguro na napagtripan tayong sundan ni Lola. Wag na kayo mag isip. Basta mamaya tuloy tayo ok? 2AM tayo aalis."



Sheryl: "Pero..."



Jenn: "Bawal ang KJ, wag nyong takutin ang sarili nyo ok? Panahon na ng computer ngayon, hindi na uso ang mga multo."



Naisip nila na may point nga si Jenn, sa tanan buhay nila ay never pa silang nakakita ng multo o naka encounter ng kahit anong kababalaghan kaya naman napagpasyahan nila na tumuloy pa din mamayang madaling araw.



**

Nakatira ang magbabarkada sa iisang subdivision at halos magkakapitbahay lang. 7PM ng makauwi sila. Si Jenn ay nagpasya na matulog ng maaga dahil sya ang mag ddrive papuntang Batangas. Samantalang sina Pao, Adie, Leanne, Raquel at Sheryl ay halos sabay sabay nag online ng mga oras din na yun dahil excited sila na i-upload ang mga pictures nila sa Amusement Park na pinuntahan.



Kay Adie ang camera na gamit nila. Bago i-upload ay iniisa-isa muna ni Adie ang mga pictures kung maganda ba ang mga kuha nya.



Adie:"Ang sexy ko talaga." (sa loob-loob nya)



Pero may iba pang nakatawag ng pansin nya. Totoo nga, halos lahat ng pictures nila ay kasama nila ang matandang babae na lumapit kanina. Nangilabot sya dahil tila nakatitig ang matanda sa bawat kuha ng litrato. Naisipan nyang i-zoom ang mga pictures para makita ng malinaw ang mukha ng matanda. Ng biglang nag hang ang laptop na ginagamit nya na noon lang nangyari.



Adie: "Sh*t naman o! Bakit ngayon ka pa nag hang, hanep sa timing ah."



Ni-restart nya muna ang laptop at lumabas muna sandali para kumuha ng maiinom. Pagbalik nya sa kwarto para i-check kung ok na ang laptop laking gulat nya...



Adie: "Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!"



At dali-dali nyang tinawagan si Pao.

itutuloy..:D
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 2)

galing... tagal ko din nag-intay ng update hehehe... thanks TS!!!
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 2)

galing... tagal ko din nag-intay ng update hehehe... thanks TS!!!

ehe..busy na nga ako kaya matagal uli walang update ito pagkatapos..:D
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 2)

wew...............aus natapos ko na...........

:thanks: ts...:)
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 3)

Trip Part 3
by Scary Spice


Pati sa pag didial ng numero ay hindi magkandatuto si Adie. Hindi sinasagot ni Pao ang cellphone kaya tinext nya muna ito

"Please answer your phone."

Pero hindi pa din sumasagot kaya tinawagan nya ulit.

*Kringggg! Kringgggg*

Pao: "O, hello Adie bakit bigla ka nag offline? Kala ko i-uupload mo na mga pictures natin?"

Adie: "Pao, yun na nga sasabihin ko sayo, nawalan ako ng internet connection!"

Pao: "Sus! ano ba naman yan Adie."

Adie: "Ui alam mo girl habang tinitignan ko isa-isa yung mga pictures totoo pala na nasa likod nga natin yung matanda na lumapit kanina. I-zozoom ko nga sana kaya lang biglang nag hang yung laptop ko, tapos biglang nawalan ng connection. Dba ang weird?"

Pao: "Don't tell me pati ikaw nagpapatakot na din. Girl naman nagkataon lang yun, or baka kaya tayo sinusundan ni lola malay mo magnanakaw pala yun."

Adie: "Pero..."

Pao: "Pwede ba wag nyong takutin ang mga sarili nyo, sige na kita-kits na lang tayo mamaya 2AM ok? Bye!"

**
2AM nasa labas na sina Jenn, Raquel, Sheryl, Adie, Pao at si Leanne kasama ang nobyo nito na si Alvin at ang 2 pang kabarkada nila na sina Marco at JM.

Nagprisinta si Marco na sya na ang mag drive ng Van para hindi nakakahiya sa mga bababe. Sa passenger seat naman naka pwesto si JM at ang iba ay sa likod.

Habang nasa byahe ay nagkukulitan ang magkakaibigan ng maalala ni Adie ang pangako ni Leanne na manlilibre ito ng breakfast kaya huminto muna sila sa isang 24 hours fast food chain.

Napagkasunduan nila na sa labas sila pumwesto dahil masyadong malamig ang aircon sa loob. Habang kumakain ay may kumalabit kay JM.

Ang matanda.

JM: "Lola kakaumpisa pa lang po namin kumain, mamaya na lang po namin kayo bibigyan."

Napatingin ang lahat. Laking gulat ng anim na babae dahil ito din ang matandang lumapit sa kanila sa Amusement Park.

Pao: "Magnanakaw kayo noh?!"

Jenn: "Pao, ano ka ba, yung boses mo."

Pao: "Magnanakaw itong matandang 'to kaya tayo sinusundan. Anong balak nyo sa amin ha? Sinusundan mo ba kami para nakawan at para alamin ang mga bahay namin?!!" (pasigaw na sambit nito)

Matanda: "Huwag na kayong tumuloy, maniwala kayo sa akin pagsisisihan nyo pag tumuloy kayo."

Pao: "Tumigil ka na nga matanda ka! Guys, wag nyong pansinin yan."

Ngunit hinawakan ng matanda si Pao sa balikat at paulit ulit na sinabi..

"Huwag na kayong tumuloy, maniwala kayo sa akin pagsisisihan nyo pag tumuloy kayo."

Itinulak ni Pao ang matanda at napaupo ito sa sahig. Agad nilang tinawag ang security guard.

Pao: "Guard! Guaaaard!"

Guard: "Yes Ma'am may problema po ba?"

Pao: "Tinatanong mo ko kung may problema, dapat ipagbawal nyo yang mga pulibi na nag pupunta dito sa lugar nyo, ayan kanina pa kami sinusundan ng matandang yan, balak pa yata kaming nakawan (sabay turo sa matanda)

Ngunit wala na ito. Inilibot ng magbabarkada ang mga mata nila pero walang ibang pwedeng puntahan ang matanda dahil nasa highway sila.

Guard: "Ma'am ano po bang pulubi ang sinasabi nyo,kanina pa po ako naka duty dito pero wala naman ibang tao kundi kayo lang."

Pao: "Pero ngayon ngayon lang...." (hindi na nya natapos ang sasabihin)

Alvin: "Sa susunod po paki check nyo mabuti na walang nakakalusot na mga pulubi sa inyo."

Guard: "Areglado sir. Pero imposible talaga ang sinasabi nyo dahil mahigpit ang security namin dito, at walang pwedeng daanan ang mga pulubi."

**
Hindi pa sila tapos kumain pero napagkasunduan nila na umalis na sa fast food chain na yun a sumakay na sila sa Van.

Adie: "Ang taray ni Lola, ang layo ng nararating nya."

Leanne: "Hindi ba kayo nagtataka? Pati ba naman dito nasundan nya tayo."

Sheryl: "Oo nga, wag na kaya tayo tumuloy natatakot na talaga ako."

Pao: "Ayan na naman kayo sa kaartehan nyo,sige kung ayaw nyong tumuloy bumaba kayo dito! Sinisira lang na matandang baliw na yun ang lakad natin!"

Raquel: "Pao dahan dahan ka naman sa pananalita mo, natatakot na nga si Sheryl sinisigawan mo pa."

Pao: "Ok fine, pasensya na. Umiinit lang ang ulo ko. Please naman guys wag tayong magpaapekto sa matandang yun. Nag out of town tayo para mag enjoy hindi para magtakutan."

Marco: "Tama na yan girls, mabuti pa magparty na lang tayo dito sa loob ng sasakyan."

Kumuha si Marco ng cd at nagpatugtog ng masasayang music para hindi na pag usapan pa ang matanda. Naglabas si JM ng beer para kumpleto ang happy happy nila.

Leanne: "Marco bawal ka uminom, mag drive ka na lang jan."

Marco: "Ano pa nga ba ang magagawa ko."

Si Sheryl ay iniisip pa din ang sinabi ng matanda kaya naman wala sya sa mood ng mga oras na yun. Natatakot sya sa mga pwedeng mangyari.


**
Jenn: "Hoy malayo pa ba? Ang sakit na nag likod ko, kanina pa ko nakaupo."

Raquel: "Oo nga naman, tignan nyo guys 2AM tayo umalis pero 3AM pa lang, pero bakit parang ang tagal na natin bumibyahe?" (nagtatakang sambit nya)

Sabay-sabay na tumingin sa kani-kanilang orasan ang magbabarkada. 3:00 AM.

JM: "Dala lang yan ng kalasingan, mabuti pa tumagay na lang tayo ng tumagay, mkakarating din tayo sa pupuntahan natin kaya ihanda nyo na mga pamatay na swim suit nyo. O,Cheers!"

**
Tuloy pa din ang kasiyahan sa loob ng sasakyan pero sina Sheryl, Leanne at Alvin ay hindi na maganda ang kutob.

Alvin: "Pare alam mo ba talaga ang daan sa pupuntahan natin?"

Marco: "Oo pare, madaming beses na ko nakapunta sa Batangas ako din palagi ang pinag ddrive ng Daddy ko kaya alam ko to. Relax lang kayo jan. (pero ang totoo ay nagtataka na din sya kung bakit parang walang katapusan ang binabaybay nilang daan)

Sheryl: "Bumalik na kasi tayo, gusto ko ng umuwi. Please guys." (mangiyak-ngiyak na sambit nya)

Pao: "Will you please shut up! Kung gusto mo bumalik, bumalik ka mag isa mo wag mo kaming idamay."

Hindi na napigilan ni Sheryl umiyak.

Leanne: "Pao, wag naman masyado mainit ang ulo."

Pao: "Pag sabihan nyo kasi yang kaibigan nyo! Ang arte arte!"

Adie: "Tama na away ok? Papa Marco ano ba takbo natin, masyado ka yatang mabagal kaya hindi tayo makarating sa pupuntahan natin."

Marco: "40" (pabirong sagot nito)

Adie: "Ganun? Sana ginawa mo ng 20 para sulit ang gasolina sayo! Sayang crush pa naman kita kasi ang slow mo" (pabirong sagot ni Adie para mawala ang tensyon at init ng ulo ng mga kaibigan)

Napalitan muli ng kulitan at tawanan ang byahe ng magbabarkada. Maya-maya ay may kasalubong ang sasakyan nila. Mga tao at tila nag puprusisyon ang mga ito. Ng unti unting makalapit ay napuna nila na lahat ng nasa prusisyon ay naka belong itim, hindi kita ang mukha at may hawak na kanya kanyang kadila. Nakakakilabot ang itsura. May sinasambit din na animo'y dasal o orasyon ang mga ito pero hindi naririnig ng magbabarkada dahil sarado ang bintana nila.

Jenn: "What the hell?! Prusisyon in the middle of the night?!"

Leanne: "Middle of the night ka jan! Madaling araw na nga dba? Tignan mo...."

Pagtingin ni Leanne sa orasan ay 3:00 Am pa din. Tinignan nya ang orasan ng nobyo na si Alvin 3:00 AM din. Pati sa cellphone at sa sasakyan ay 3:00 AM.

Leanne: "Guys, tignan nyo mga relo nyo."

3:00 AM. Halos lahat sila ay nagtataka ng biglang pumreno si Marco.

"Aaaaaaaahhhhhhh!
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 4)

Trip Part 4
by Scary Spice


Marco: "Guys, may biglang tumawid, nasagasaan ko yata. Isa sa mga kasama sa prusisyon" (nangangambang sambit ni Marco)

Pao: "Ano ba yan! Ang bagal bagal mo na nga magpatakbo nakabundol ka pa!"

Jenn: "Sure ka ba Marco? Wala naman kaming nakita na nabundol mo."

JM: "Mabuti pa titignan ko na lang. Relax ka lang pre" (sabay tapik sa balikat ni Marco)

Leanne: "Wait lang JM,wag kang bumaba! Delikado! Tignan nyo muna yung mga relo nyo, sa amin ni Alvin 3:00AM pa din."

Muling tinignan ng magbabarkada ang kanilang mga suot na relo. 3:00 AM pa din.

Sheryl: "Sabi ko sa inyo hindi na maganda ang kutob ko, umuwi na kasi tayo." (nagmamakaawang sambit ni Sheryl)

Pao: "So? Ano naman kung 3:00 AM pa din sa mga relo nyo. 5:00 AM na sakin, palitin na mga baterya ng relo nyo!"

Leanne: "3:00 AM supposedly The Devil's Hour. Ibig sabihin lahat ng masasamang espiritu ay naglalabasan pag ganitong oras."

Pao: "Hahaha! That's ridiculous! Don't look at your watch, nothing bad is going to happen. JM ako na lang ang bababa para tignan kung may nasagasan nga itong si Marco."

Leanne: "Pao makinig ka naman sakin!"

Hindi nagpapigil si Pao at agad bumaba sa Van dala ang flashlight. Tinignan nya ang paligid at pati ang ilalim ng sasakyan.

Pao: "See?! Naniwala na kayo, walang nasagasaan si Marco." (pasigaw na sabi nya sa mga kaibigan habang nasa labas ng sasakyan at nakapamewang pa )

Hindi inaasahan nina Adie, Leanne, Sheryl, Jenn at Raquel ng may makita silang nakatayo sa likod ni Pao. Sabay sabay na napasigaw ang mga babae.

"Aaaahhhhhhhhh!"

Adie: "Pao sa likod mo!" (sabay turo)

Jenn: "OMG! Nakita nyo din?" (takot na takot na sambit ni Jenn sabay takip sa mukha nya)

Pag lingon ni Pao ay sinakmal sya ng isang itim na pusa.

Pao: "Tulong! Tulungan nyo ko guys!"

Agad bumaba ang mga lalake para tulungan si Pao na halos napahiga na sa kalsada dahil sa lakas ng pwersa ng pusa na sumakmal sa kanya.

Samantala, sina Jenn, Sheryl, Raquel, Leanne at Adie ay takot na takot pa din sa nakita. Hindi sila sigurado kung babae o lalake, basta ang alam nila itim na itim ito at hindi kita ang mukha.

Leanne: "Adie, tara bumaba tayo, tulungan natin sila Alvin."

Adie: "Girl, kaya na nila yun, natatakot ako bumaba. Alam kong nakita nyo dina ng nasa likod ni Pao kanina."

Leanne: "Ano ba! Mapapahamak na nga ang isa satin parang ok lang sayo, tara na! Tulungan natin sila. Jenn, Raquel bantayan nyo lang si Sheryl ha."

Bumaba din sina Leanne at Adie para tignan kung ok lang ba si Pao. Nakita nila na puro kalmot ang mga braso nito at halos hindi makatayo dahil sa pagkabigla.

Leanne: "OMG Pao are you ok?"

Pao: "Mukha ba kong ok?" (pagtataray na sagot nito)

Adie: "Wow ang yabang mo naman,para inaalala ka lang. Buti nga sayo!"

Alvin: "Tama na yan. JM, Marco buhatin nyo na si Pao. Ako na ang mag ddrive. Hahanap tayo ng pinaka malapit na ospital para magamot yung mga sugat nya."

Binuhat ni JM at Marco si Pao at dinala sa sasakyan. Si Alvin na ang nag drive at ang gf nya na si Leanne ang syang naupo sa passenger seat.

**
Jenn: "Buti na lang may dala akong first aid kit, linisin natin ng yang sugat mo para hindi maimpeksyon."

Raquel: "Are you sure pusa lang ang may gawa nyan? Ang lalim ng mga kalmot sayo."

Pao: "Hello! Oo naman pusa lang yun, alangan namang aswang! Nabigla lang ako dahil pasugod sya sa mukha ko"

Adie: "Weh? Nabigla ka lang? Hindi ka natakot? Sana nakita mo din yung nasa likod mo kanina"

Pao: "Adie pwede ba wala ako sa mood makipaglokohan. Hey Alvin, malapit na ba tayo sa ospital?

Alvin: "Hindi ko alam,magtanong nalang tayo sa mga nag puprusisyon kanina, Im sure maaabutan pa natin sila. Wala naman tayong pwedeng pagtanungan kundi sila lang"

**
Mabilis na pinatakbo ni Alvin ang sasakyan pabalik para abutan ang nag puprusisyon na nakasalubong nila ilang minuto lang ang nakakalipas. Laking pagtataka nila pero ni isa sa mga taong yun ay wala. Malinis ang kalsada. Mabuti na lamang ay may nakita silang bukas na tindahan at dun sila nag tanong.

Alvin: "Magandang Umaga po manong, magtatanong lang po kami kung saan yung pinaka malapit na ospital dito?"

Manong: "Dumerecho lang kayo tapos kumanan kayo pagdating sa unang kanto makikita nyo na ang ospital. Teka ano ba ang nangyari sa inyo?"

Leanne: "Kasi po sinugod ng pusa yung kaibigan namin, mejo malalim po yung mga sugat nya. Buti nga po ay bukas na kayo at may napagtanungan kami. Hindi na po kasi namin inabutan yung mga nag puprusisyon, dapat sakanila kami magtatanong."

Manong: "Prusisyon? Imposible ang sinasabi mo iha. Walang nag puprusisyon ng ganitong oras dito."

Leanne: "Pero nakasalubong po namin sila kani-kanina lang meron....." (hindi pa natatapos magsalita si Leanne ay biglang sumabat si Pao)

Pao: "Ano ba! Nakipag kwentuhan pa kayo mamamatay na ko dito, tara na!"

Alvin: "Sige ho manong salamat po, dadalin na namin yung kaibigan namin sa ospital."

Manong: "Mag-iingat kayo, sa tingin ko ay....." (hindi na din natapos ng matanda ang sasabihin dahil sumigaw si Pao)

Pao:"Araaaaay ko naman Jenn! Hindi mo pa ko buhusan ng alcohol! Dahan dahan naman! Alvin umalis na tayo, ang hapdi ng sugat ko."

Alvin: "Sige po,salamat ulit." (At agad agad pinatakbo ang sasakyan.)

Napailing na lamang ang matandang napagtanungan nila at nasabi nalang nito sa sarili.. "Hindi alam ng mga kabataan na ito ang pinasok nila. Sana naman ay makaligtas sila"

**
Sa kabutihang palad ay natunton naman kaagad nila ang lumang ospital. Binuhat nina Marco at JM si Pao para dalhin sa loob. Sina Sheryl, Adie, Jenn at Raquel naman ay nakatulog marahil sa sobrang pagod sa byahe.

Leanne: "Marco, bumalik agad kayo ni JM dito pag nadala nyo na sa loob si Pao. Samahan nyo sila Sheryl dito sa loob ng van. Buti na lang at mejo lumiwanag na. Kami na lang ni Alvin ang magbabantay sa loob habang ginagamot yung mga sugat ni Pao."

Marco: "Ok, kami na bahala"

**
Nakabalik naman agad sina JM at Marco, sila muna ang maiiwan sa van para bantayan nag mga babae. Sina Alvin at Leanne naman ang pumasok sa loob ng ospital para magbantay kay Pao.


‎**
Sa Emergency Room..

Doktora: "Ang lalim ng mga sugat mo, mabuti na lang at dinala nyo agad dito. Anong klaseng hayop ba ang sumugod sayo?"

Pao: "Pusa lang yun doc, naku! Wag syang magpapakita ulit sakin at baka gawin ko syang siopao. Mabuti na lang sa braso lang at hindi sa mukha yung mga kalmot."

Doktora: "Mag iingat kayo sa lugar na ito. 2 taon na akong naka destino dito pero ako mismo ay kinikilabutan pag gumagabi na. Balita dito 10 taon na daw ang nakakalipas ng may mawalang isang grupo ng kabataan gaya nyo. Hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita ang katawan nila at kung ano ang totoong nangyari sakanila."

Sa loob loob ni Pao "Sus! Pati pala doctor dito baliw din!" kaya hindi nito pinansin ang sinabi ng doktora. Sa halip ay iniba na lang nya ang usapan.

Pao: "Ah, doc matagal pa po ba yan?" Pupunta pa po kasi kami sa beach."

Doktora: "Lalagyan ko na lang ng gauze bandage yung kaliwang kamay na napilay sayo. Iha, hindi ka pwede mag babad sa beach ng may sugat ka. Baka maimpeksyon yan."

Pao:"Yes I know! Papanuorin ko na lang yung mga friends ko, gusto ko lang talaga mag unwind."

Doktora: "O ayan tapos na, tandaan mo sinabi ko sayo, mag iingat kayo. Kung ako sa inyo wag na kayo tumuloy."

Tila walang narinig si Pao sa babala ng Doktora.

Pao: "Ok po. Thanks doc! Bye!" (at lumabas na ito ng emergency room at pnuntahan ang sina Leanne at Alvin sa waiting area)

**
Pao: "Im ok na guys, let's go na!"

Leanne: "Haay salamat naman, ano sabi ni doc? Ok na ba mga sugat mo? Wala daw bang rabis?" (pag aalalang tanong nito)

Pao: "Duh! wala noh. Tara na, pumunta na tayo sa beach."

Alvin: "Ano???! Pagkatapos ng mga nangyari tutuloy pa din tayo? Hindi ka ba nadadala?"

Leanne: "Hindi na tayo pwedeng tumuloy, sariwa pa yang mga sugat mo, saka natatakot na si Sheryl."

Pao: "Kaya ko ang sarili ko ok? Katawan ko 'to, kaya alam ko kung kaya ko o hindi, nandito na tayo saka pa kayo aatras." (at nauna na syang naglakad palabas)

Agad hinabol nila Leanne at Alvin si Pao.

Leanne: "Tanungin muna natin yung mga kasama natin kung gusto pa nila tumuloy, baka kasi natatakot na sila."

Pao: "Papayag yun! Sagot ko na lahat ng gastos ok? Let's go!"

Tumakbo si Pao at iniwan sina Alvin at Leanne na naglalakad. Pag sakay na pagsakay pa lang ni Pao sa van ay sinabi sa mga kaibigan nya na sagot nya na lahat ng gastos basta matuloy lang. Pumayag naman sina Marco, JM, Adie, Raquel at Jenn kaya wala ng nagawa si Sheryl.

Pasakay na din sina Leanne at Alvin ng mabungo ni Leanne ang isang babae at natumba ito. Agad naman syang tinulungan ni Leanne.

Leanne: "Sorry po."

Hinawi ng babae ang kanyang buhok. Laking gulat ni Leanne ng makita nya ang mukha nito.
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 5)

Trip Part 5
by Scary Spice


Leanne: "Jenn?"

Nagkatitigan sila ng babae. Kamukhang kamukha ito ni Jenn.

Leanne: "Jenn?" (ulit nito)

Agad tumakbo ang babae papunta sa loob ng ospital. Lumingon itong muli kay Leanne ngunit ang inaakalang kamukha ni Jenn ay naging matandang babae at kulukulubot ang balat.

Jenn: "Yes Leanne tawag mo ko?"

Leanne: "Ah, eh namiss lang kita girl" (palusot na lang nya)

Jenn: "Asus! Tara na pumasok ka na dito at aandar na tayo."

**
Habang bumibyahe patungo sa beach resort na pupuntahan ay hindi mawala sa isip ni Leanne ang babaeng naka bungguan nya. Hindi sya maaring magkamali, kitang kita nya na kamukhang kamukha ito ng kaibigan nya na si Jenn, ang pinagtataka nya ay bigla itong naging matandang babae.

Alvin: "Baby, ok ka lang?" (tanong nito sa nobya)

Leanne: "Oo,mejo pagod lang. Nakita mo ba yung nakabunggo kong babae kanina nung pasakay ako?"

Alvin: "Yung matandang babae? Bakit?"

Leanne: "Ah,wala"

Naisip ni Leanne na marahil ay pagod lang sya kaya ang tingin nya sa nakabunggo nya ay kamukha ni Jenn.

**
Adie: "Nandito na tayo guys!" (excited na sigaw ni Adie)

"WELCOME TO FOREVER YOUNG BEACH RESORT"

Napakaganda ng resort, para itong paraiso. Idagdag mo pa ang mga empleyado na tunay namang magaganda at bata kaya maiinganya kang pumunta.

Marco: "Wow! Panalo dito, ang gaganda ng mga crew, kaya lang bakit wala yatang tao?"

JM: "Mag tatag ulan na kasi, ayos lang yan makakaporma tayo sa mga chicks. Wala tayong makakaagaw."

Marco: "Kung sabagay, mas mabuti na din yun, solo natin ang resort pati mga chicks"

Adie: "Kami lang chicks na maghahanap pa ba kayo?" (pagbibiro ni Adie)

JM: "Gusto naman namin makakita ng iba hindi puro kayo." (sabay tawa)

Pao: "Tama na nga yan. Tignan nyo nga,kanina aayaw ayaw pa kayo magugustuhan nyo din naman pala."

Sheh: "Si Pao naman di na mabiro,syempre after ng experience natin kaninang madaling araw parang nakakatakot tumuloy, di naman namin alam na ganito kaganda dito. Pero ang mas maganda sa lahat treat mo pa."

Pao: "See? Kaya magpasalamat kayo sa akin. O tara na sa loob, kumuha na tayo ng room,pero guys 2 kwarto na lang ha? Sama-sama na lang kaming girls, tapos yung tatlong boys sama-sama din."

Raquel: "Ay, nagtitipid ka?"

Pao: "Pag tig isa-isa tayong room wala tayon kakainin, gusto nyo ba yun? Sagot ko na nga dba? Nakakahiya naman sakin"

Jenn: "Oo nga naman, ok lang yun Pao. Atleast mas masaya na magkakasama tayong mga girls sa isang room dba"

JM: "Paano naman yung mag syota?" (sabay tingin kay Alvin at Leanne)

Leanne: "Ano ka ba, ok lang yun noh."

Alvin: "Oo nga naman, ang mahalaga magkasama kami dito kahit hiwalay matulog dba Babe?" (sabay ngiti sa nobya)

Adie: "Asus! Tama na ang landian, tara na at pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga tayo."

Pumasok na ang magbabarkada. Agad naman silang sinalubong ng napaka gandang receptionist na si Hazel.

Hazel: "Good Morning! Welcome to Forever Young Beach Resort" (bati nito)

JM: "Good Morning! Ako nga pala si JM." (sabay kamay sa dalaga)

Pao: "Ano ka ba JM, mamaya na yan. Kumuha muna tayo ng room. Ahm, Miss may kwarto ba kayo yung pwede kaming anim na babae saka isang room para sa tatlong lalake."

Hazel: "Tamang tama po Ma'am 2 po yung available na kwarto namin sa taas."

Adie: "Miss, wala na bang ibang naka check in dito? Kami lang talaga?"

Hazel: After 3 days pa po mag dadatingan yung ibang guests namin Ma'am. Mag tatag ulan na po kasi kaya konti lang ang tao."

Sheh: "Yung katapat nyo Miss resort din ba yun?" (sabay turo sa malaking lumang bahay kubo sa tapat ng resort na pinuntahan)

Nun lang din nila napuna ang lumang bahay kubo sa tapat.

Hazel: "Yes Ma'am, hindi naman po sa paninira pero walang pumupunta dun. Anim na magkakapatid na matanda ang may ari nun. Nakita nyo naman po siguro ang kaibahan sa resort namin at resort nila."

Sheh: "Oo nga naman, may point sya."

Hazel: "Ma'am, Sir ihahatid na po namin kayo sa kwarto nyo, halika na po."

Alvin: "Mauna na kayo,kukunin ko lang yung ibang gamit natin sa sasakyan. Marco samahan mo ko, JM tulungan mo sila Leanne."

**
Lumabas ulit sina Alvin at Marco para kunin ang mga naiwang gamit sa loob ng Van.

Marco: "Pare napansin ko lang, mukhang type ka nung receptionist. Tingin ng tingin sayo. Malas mo lang kasi hindi ka makakaporma, nanjan si Leanne."

Alvin: "Sira ka talaga, kahit kelan hindi ko pagpapalit si Leanne sa iba, hindi naman ako kagaya mo."

Marco: "Naks naman! Sayo nga ako nagmana ng pagiging chickboy eh."

Alvin: "Pare tapos na ko sa stage ng pambababae, mahal na mahal ko si Leanne kaya hindi ako gagawa ng kahit ano para saktan sya. Ang mabuti pa buhatin mo na yung mga gamit para makapagpahinga na din tayo."

Marco: "Ok, sige na! Ikaw na good boy."

**
Pabalik na sila sa loob ng mapatingin si Marco kubo na katapat ng resort.

Nakita nya ang matanda na humarang at nanggugulo sa kanila nung kumakain sila ng breakfast kaninang madaling araw.

Marco: "Pare, dba yun yung matanda kanina na inaway ni Pao?"

Alvin: "Wala naman ah, halika na, pumasok na tayo."

Marco: "Pero.."

Alvin: "Wag mo ng sabihin yan sa mga babae,baka mag isip lang yung mga yun. Namalikmata ka lang siguro pare."

Marco:"Siguro nga."

Hindi na lang pinagtuunan ng pansin ni Marco ang nakita, at gaya ng sinabi ni Alvin hindi na din nya ito babanggitin sa mga babae at baka matakot ang mga ito.

**
Ang mga babae naman ay nauna na sa taas kasama si JM.

Hazel: "Ma'am eto na po yung room para sa mga girls, at yung katapat naman tamang tama sa tatlong lalake na kasama nyo."

Pao: "Ok,salamat."

Hazel: "Enjoy your stay Sir, Ma'am" (at kinamayan ni Hazel si Pao)

Pao: "Ouch!"

Hazel: "Naku Ma'am sorry po, may mga sugat po pala kayo hindi ko napansin, pasensya na. Sariwa pa po ang dugo, baka po maamoy yan nung mga matatanda sa kabilang resort?"

Pao: "Anong maamoy? Ano ba sila? Aswang? Kulto? Hahaha!" (sabay tawa ng malakas)

Hazel: "Wala pa naman po nakakapagpatunay,pero yun po ang sabi sabi dito kaya..... (hindi na natapos ni Hazel ang sasabihin)

Pao: "Im not interested! Sige na Miss, salamat."

Hazel: "Sige po Ma'am, magpahinga muna kayo. Sir dito po ang room nyo. Eto po yung mga susi."

At umalis na si Hazel. Sya naman dating nina Alvin at Marco dala ang ibang gamit. Pumasok na din sila sa kanya kanyang kwarto para makapagpahinga.

**
Jenn: "Ikaw talaga, pati yung babae sinungitan mo."

Pao: "Para kasing siraulo mga tao dito, nagpapaniwala pa sa mga ganung bagay."

Adie: "Ang mabuti pa magpahinga na tayo, mamaya pag gising natin saka tayo mag swimming."

Sheh: "Oo nga. excited na din ako mag swimming mamaya."

Binuksan ni Sheryl ang bintana at pag dungaw nya nakita nya na may pool din pala sa likod.

Sheh: "Guys, tignan nyo may swimming pool din pala dito sa likod."

Pao: "Coolness! Pwede ako magbabad jan kasi hindi tubig alat."

Leanne: "Baka hindi gumaling agad yung sugat mo pag nagbabad ka."

Pao: "Whatever! Sabi ko nga sayo katawan ko 'to dba? Alam ko kung kaya ko."

Leanne: "Fine! Ikaw bahala."

Bahagyang nainis si Leanne dahil sa pag sagot ng pabalang sakanya ni Pao, ngunit hindi na lang nya ito pinansin. Sa halip ay nag ayos na lang sya ng gamit. Binuksan nya ang isang bintana malapit sa higaan nya para makasagap ng sariwang hangin. Katapat ng bintana nya ang banggera ng kubo. Nakita nya ang mga nakahilera na itak at tila samurai na kahit malaking puno ay kayang hatiin nito o kahit katawan pa ng tao. Lalo syang kinilabutan ng makita nya na hinahasa ito ng isang matandang halos buto't balat dahil sa sobrang payat. Tumayo ang matanda at kinuha ang manok sa kulungan at walang awang pinutulan ng ulo.
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 6)

Trip Part 6
by Scary Spice


Adie: "Hoy! Anong tinitignan mo jan sa labas?"

Leanne: "Gaga ka talaga! Wag ka nga nanggugulat."

Sabay silip ni Adie sa bintana.

Adie: "My Gosh! Kawawa naman yung manok, grabe."

Leanne: "Ssshhh! Wag ka maingay baka marinig tayo."

Dahil sa lakas ng boses ni Adie ay narinig sila ng matanda at tinignan sila nito ng masama. Natakot sila kaya agad isinara ni Leanne ang bintana.

Leanne: "Ikaw talaga kahit kelan ka hanggat pinipigilan lalo mong ginagawa."

Adie: "Sorry na girl,di ko naman sinasadya. Pero nakakatakot yun ah, nakita mo ba tingin sa atin nung matanda? Parang tayo yung isusunod nya."

Biglang sumabat si Sheryl.

Sheryl: "Ano yung nakita nyo at anong tayo yung isusunod nya?"

Adie: "Eh kasi nakita namin yung matanda may hawak na itak, tapos..... (tinakpan ni Leanne ang bibig ni Adie para hindi na maituloy ang sasabihin dahil matatakutin ang kaibigan nila na si Sheryl)

Leanne: "Yung matanda kasi sa baba mukhang mag lilitson yata ng manok, naisip namin baka para sa atin yun. Dba Adie?"

Adie: "Oo yun nga sasabihin ko sana."

Jenn: "Ayy! Nag crave naman ako bigla sa lechon manok. Nagbebenta kaya sila? Tara tanong natin."

Leanne: "Parang hindi naman, baka sakanila lang yun, ang mabuti pa itanong na lang natin sa baba kung may available silang lechon o turbong manok para sa lunch natin. Pero magpahinga muna tayo kahit konti. 2 hours pa naman before lunch."

Nagpahinga muna saglit ang magkakaibigan. Tulog ang lahat ngunit si Leanne ay nakahiga lang. Hindi mawala sa isip nya ang matatalim na tingin sa kanila ng matanda habang may hawak na itak. Nakakatakot ito. Parang hindi gagawa ng mabuti. Pati ang mga kababalaghan na nangyari sa kanila kaninang madaling araw ay pilit pumapasok sa isip nya. Ang matandang pumipigil sa kanila at ang pag sunod nito. Ang mga nakasalubong nilang nag puprusisyon ng madaling araw. Ang pagtigil ng oras sa 3:00 AM. Ang nakita nila sa likod ni Pao at ang biglang pagsalakay ng pusang itim. At ang babaeng nakita nya na kamukhang kamukha ni Jenn. May ibig sabihin nga kaya ang lahat ng ito? Ng biglang humangin ng malakas. Hindi pala naisara ni Sheryl ang kabilang bintana kaya tumayo si Leanne para isara ito. Sumilip muna sya para tignan ang pool na sinasabi ng mga kaibigan kani-kanina lang. Ng biglang lumitaw sa bintana ang matandang pumipigil sa kanila.

"Umalis na kayo dito! Hindi kayo ligtas dito! Umalis na kayo hanggat may oras pa!"

Leanne: "Paano kayo napunta dito?! Sino ka ba talaga?!" (sigaw nya)

Ngunit biglang naglaho ang matanda. Takot na takot si Leanne at nagmadaling isara ang bintana. Biglang may humablot sa kamay nya. Pagtingin nya ang matandang nakita nila kanina ni Adie na may hawak na itak. Humahalakhak ito na parang demonyo.

"Hahahahahaha! Mamamatay kayo! Mamamatay kayo! Hahahahaha!"

Leannne: "Aaaaaaaahhhhhhhhhh! Bitawan mo ko! Maawa kayo sa amin!"

Pilit na hinihila ng matanda si Leanne. Takot na takot sya pero kailangan nyang lumaban. Malakas ang matanda kaya naman ang kalahati ng katawan ni Leanne ay halos naka labas na sa bintana. Napatingin sya sa baba sa gilid ng pool, tila nawala ang lakas nya ng makita nya na nakahilera ang mga pugot na ulo ng mga kaibigan nya kasama ang nobyo nya.

Leanne: "Hindeeeeeeee!!!!! Hindeeeeeeeee!!!!"

"Susunod ka na! Hahahahahaha!" sagot ng matanda at aktong pupugutan sya ng ulo.

Pao: "Hey! Wake up! Wake up!"

Leanne: "Ahhhhhhhhh!"

Naitulak ni Leanne si Pao.

Pao: "What the...! Itulak ba ko?"

Adie: "Girl kanina ka pa umuungol, binabangungot ka."

Leanne: "Ha? Oo nga. May gustong pumatay sa atin. Umuwi na kaya tayo?"

Pao: "Look, panaginip lang yan ok? Ikaw kasi kung anu-ano ang iniisip mo. Sino naman ang papatay sa atin dito? Hello!"

Leanne: "Pero.."

Jenn: "Girl, ikaw na nga nagsabi sa amin na ang panaginip kabaligtaran yan. Saka nandito na tayo. Trust me, walang mangyayaring masama sa atin."

Raquel: "Oo nga naman girl, excited pa naman kami. Dba Sheh?"

Sheh: "Ah, oo naman. Alam mo magdasal na lang tayo saka wag tayong maghihiwahiwalay."

Pao: "See? Kaya mabuti pa bumangon ka na jan kasi nakahanda na yung lunch natin sa baba."

Walang nagawa si Leanne. Ayaw naman nyang sya ang maging dahilan para masira ang masayang bakasyon nilang magkakaibigan."

Leanne: "Ok, basta ipangako nyo walang lalayo sa atin ha? Teka nasan na nga pala sina Alvin?"

Sheh: "Nandun na sila sa baba kanina pa, hinihintay tayo kaya tara na."

**
Bumaba ang magkakaibigan para kumain. Excited ang lahat maliban kay Leanne. Pakiramdam nya ay may hindi magandang mangyayari sa kanila.

Habang nasa hapag kainan..

Alvin: "Babe, bakit ayaw mo kumain? May problema ba?"

Pao: "Malamang namimiss ka nyan, alam mo ba kanina nagsisisigaw yan habang natutulog, yun pala binabangungot. Ano kaya kung magtabi na kaya kayo matulog."

Adie: "Ayiiiii! Yun naman talaga ang gusto nyo dba? Lalo ka na Vin, wag kang plastik!"

Alvin: "Ok lang ba sayo babe?" (sabay ngiti)

Leanne: "Kayo talaga, tumigil nga kayo. Ok lang ako noh."

Alvin: "Sige, sabi mo eh. Nga pala mamaya pupunta kami sa bayan, may bibilin daw si JM. Sino sasama?"

Leanne: "Hindi ba pwedeng wag na kayo umalis?"

Pao: "Girl, relax ka lang, ang liwa-liwanag. Walang mangyayaring masama noh!"

Alvin: "Babe, kung gusto mo sumama ka na lang sa amin."

"Good Day! Nagustuhan nyo ba ang resort namin?" boses ng isang babae.

Lumingon ang lahat ng para tignan kung sino ang nagsalita.

Hazel: "Sya si Mrs.Lucy Montemayor ang may ari ng resort. At ito naman sina Marj at Mitzie ang mga anak nya."

Parang dyosa sa ganda ang mag iina. Mula ulo hanggang paa ay totoo naman na napaka kinis ng mga balat nito.

Adie: "Hello Mrs.Montemayor. Ang ganda ganda nyo naman po. Pati mga anak nyo. Vicky Belo po ba yan o Calayan?"

Mrs.Montemayor: "Palabiro ka naman masyado hija. Tunay ang lahat ng yan. Kumbaga in born"

Marj: "Mommy naman. Baka isipin nila mayabang tayo. Ako nag pala si Marj. Sana mag enjoy kayo dito."

JM: "Siguradong mag eenjoy kami ang ganda kasi ng view." (pahayag ni JM na tila nabighani sa dalaga)

Mitzie: "Mabuti pa mommy bigyan natin sila ng additional 2 days and 1 night free stay dito sa resort. Tutal wala naman tayong ibang guests kundi sila lang."

Leanne: "Naku, hindi na po. Nakakahiya naman."

Pao: "Ano ka ba girl. Libre na nga tatanggihan mo pa. Ahm, Mrs.Montemayor sige po ok lang sa amin para di naman kami mabitin. Dba guys?"

Marco: "Oo naman, ngayon pa na nandito si Ms.Marj at Mitzie idagdag mo pa si Ms.Hazel sino ba naman kami para tumanggi."

Raquel: "Mga lalakeng 'to napaghahalata kayo. Pagpasensyahan nyo na po sila Mrs.Montemayor."

Mrs.Montemayor: "Ayos lang yun, nakakatuwa nga kayo. Atleast may makakasama kami at hindi kami maiinip. Sa kabila kasi wala naman pumupunta."

Leanne: "Ahm, Madam matagal na po ba yung resort sa kabila? Yung mga matatanda lang po ba ang nag mamanage dun?"

Mrs.Montemayor: "Matagal na din. Nauna sila sa amin, pero nalugi sila ng dumating kami. Halata naman siguro ang kaibahan namin sa kanila."

Pao: "Oo nga naman. Si Leanne talaga mga tanong oh."

Mrs.Montemayor: "O sya maiwan muna namin kayo. Pag may kailangan kayo tawagin nyo na lang si Hazel."

At umalis na ang mag iina kasunod si Hazel.

Adie: "Grabe ang kinis nila noh? Ang gaganda pa. Nakaka insecure."

JM: "Hahaha! Dapat ka naman talaga mainsecure lalo na kay Marj. Nakakainlove. sya."

Adie: "Lamang lang sya ng 2 paligo sakin saka mas malaki lang ang braso ko sa kanya pero may laban ako."

*tawanan*

Alvin: "O, paano punta muna kami sa bayan."

Leanne: "Sasama ako."

Alvin: "Tara na para makabalik tayo agad. Marco dito ka muna, kaming tatlo na lang nila JM at Leanne ang lalakad. Bantayan mo mga chicks mo jan ha."


‎**
Habang nasa sasakyan ay walang imik si Leanne.

JM: "Oi Leanne bakit ang tahimik mo?"

Leanne: "Wala. Pagod lang ako"

Alvin: "Gusto mo ba kumuha na lang tayo ng sarili natin na kwarto" (pabirong sambit ng nobyo)

Leanne: "Sira! Hindi naman yun eh. Ok lang ako. Pagod lang talaga."

Ng makarating sa bayan sina Alvin, Leanne at JM ay nag tanong sila kung saan pwedeng makabili ng mga gamit pang ihaw. Ng marinig ni Leanne ang usapan ng mga tindera at mamimili.

"Mare nabalitaan nyo ba na may inaatake na naman daw yung mga kampon sa kabilang baryo. Mag ina daw. Wakwak daw ang dibdib nung nanay at simot na simot yung dugo sa katawan. Ang masaklap pa pati yung anak na dalagita hindi makita yung katawan."

Leanne: "Excuse me po, ano po yung kampon na sinasabi nyo?"

"Dito kasi sa lugar namin may bali-balita na may isang grupo ng kulto o aparisyon na gumagala. Kaya lang hindi mapatunayan kung sino ang gumagawa nun. Kasi ginagaya nila ang itsura ng isang tao para hindi sila makilala. Pagkatapos saka sila aatake. Ang target nila puro kabataan kasi sariwa ang dugo nun."

Leanne: "Ginagaya po nila ang itsura ng isang tao? Paano po?"

"Naku hija hindi din namin alam, kaya mag iingat kayo. Kahit kakilala mo baka hindi mo alam kampon na pala ang kausap mo."

Lalong nabalutan ng takot si Leanne. Hindi sila safe sa lugar na iyon kaya naman pipilitin nyang umuuwi ang mga kaibigan. Ng biglang...

*Kriiing! Kriiiing!*

Leanne: "Hello"

Adie: "Girl, bumalik na kayo dito. Si Jenn..."

Agad naalala ni Leanne ang babaeng nakita nya sa ospital. Ang babaeng kamukhang kamukha ni Jenn.
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 7)

Trip Part 7
by Scary Spice



Leanne: "Anong nangyari kay Jenn?"

Adie: "May allergy sya sa hipon. Yung kinain natin kanina may sahog na hipon, namamantal yung buong katawan nya saka namamaga kailangan natin syang dalhin sa ospital kaya bumalik na kayo."

Leanne: "Sige babalik na kami agad."

**
Agad bumalik sina Leanne, Alvin at JM sa resort. Habang nasa sasakyan..

JM: "Kelan pa nagka allergy si Jenn sa hipon? Since high school magkakasama na kayo dba? Bakit ngayon lang sya inatake ng allergy?"

Leanne: "Nagtataka nga din ako. Bilisan na lang natin, ang importante makabalik tayo agad dun para madala natin sya sa ospital."

**
Ng makabalik sila sa resort ay nakita nya ang mga kaibigan nya kasama si Jenn na masayang masaya at nag sswimming.

Leanne: "Jeeeennn!" (sigaw nya at tumakbo sa kaibigan)

Leanne: "Girl ok k lang ba? Akala ko inatake ka daw ng allergies mo."

Jenn: "Ha? Allergiesi? Ok lang ako noh."

Leanne: "Pero tumawag sakin si Adie. Ang sabi nya...."

Adie: "Ako tumawag? Kanina pa kami dito nag sswimming, yung fone ko nasa taas, paano ako tatawag sa'yo?"

Leanne: "Pero.. Eto, tignan nyo nasa log pa ng fone ko." (at inabot kay Adie ang cellphone)

Adie: "Girl, wala naman ah. Lasing ka ba?"

Takang taka si Leanne. Sigurado sya na may tumawag sa kanya at boses ni Adie.

Leanne: "Guys, kailangan na natin umuwi, hindi tayo safe dito. Dali! Magbihis na kayo."

Pao: "Ano na naman kalokohan yan Leanne? Nakita mo naman nag eenjoy kami tapos mag aaya ka umuwi."

Raquel: "Oo nga naman girl, sayang naman ang pinunta natin dito."

Leanne: "Hindi nyo kasi ako naiintindihan! Hindi safe sa lugar na 'to kaya ngayon pa lang kailangan na natin makauwi."

Biglang dumating si Marj, ang panganay na anak ni Mrs.Montemayor na may ari ng resort.

Marj: "Excuse me, may problema ba sa resort namin?"

Leanne: "Madami akong narinig kanina sa bayan na pinag uusapan ang lugar nyo. Im sorry Ms.Marj pero kailangan na namin talaga umuwi, halika na guys."

Marj: "Naku, nagkakamali ka. Paninira lang sa amin yun sa kabilang bayan. Sa lahat kasi ng resort itong sa amin ang pinaka malakas. Sinasabi lang nila yun para wag sila dito pumunta."

Leanne: "Paano nila nasasabi ang ganung bagay kung wala silang basehan?"

Marj: "Yung katabing resort namin (sabay turo sa malaking bahay kubo na pag aari ng mga matanda)
Sila ang inaakala na nag hahasik ng lagim dito o mga kampon daw, pero kami mismo nila Mommy hindi naniniwala. Wala naman silang katibayab. Dahil kami ang katabing resort nila kaya kami nadamay."

Adie: "Pero kanina lang nakita namin ni Leanne yung isa sa matanda, yung payat na mahaba ang buhok, bakit ang dami nyang itak sa likod ng bahay nila. May samurai pa nga yata."

Marj: "Ah, si Aling Elena ba? Negosyo din kasi nila ang pagkakatay ng mga manok at tinitinda sa palengke. Mukha lang silang wirdo, pero mababait yan. Nakakaawa nga lang kasi yun na lang ang pinagkakabuhayan nila. Hindi din namin sinasadya na pabagsakin ang negosyo nila kaya lang wala naman kami mgagawa kung dito gusto pumunta ng mga tao."

Pao: "See? Wala naman tayong dapat ikatakot dito, ewan ko ba dito kay Leanne kung bakit ganyan mag isip."

Marj: "Ok lang yan, wag kayong mag alala. Safe na safe kayo dito. Pag may kailangan kayo sabihin nyo na lang agad sa amin. O kaya tawagin nyo si Hazel. Sige, babalik na ko sa kwarto ko."

JM: "Sige, salamat Ms.Marj. Ingat po."

**
Ng makaalis si Marj..

JM: "Kayo talaga, kung anu-ano sinasabi nyo. Nakakahiya tuloy kay Ms.Marj."

Adie: "Ay pasensya na ha? Sinasabi ko lang naman kung ano yung nakita ko. Nahihiya ka pala, de habulin mo sya at humingi ka ng sorry!" (pagalit na sabi nito)

JM: "Naiinggit ka lang yata kasi mas maganda sya sayo." (pagbibiro nito)

Adie: "Hell no! Kaya nga habulin mo yung Ms.Marj na yun at humingi ka ng sorry!" (pasigaw na sabi nito at saka nag walk out)

**
Raquel: "Anong nangyari dun at biglang nag walk out?"

JM: "Niloloko ko lang naman, malay ko ba na mapipikon sya."

Sheryl: "Lagot ka! Baka napaiyak mo. Habulin mo naman.

Jenn: "Oo nga, puntahan mo na si Adie."

JM: "Bakit ko naman syan hahabulin gf ko ba sya? Mamaya ok na ulit yun. "

**
Habang si Adie naman ay nagkulong na lang sa kwarto dahil sa sobrang inis.

Adie: "Bwiset na Marj yun! Sya pa ang kinampihan nila! If I know nagpapa-cute lang yun sa mga boys namin kaya lapit ng lapit. Nakuuu! Bwiset talaga!"

Nahiga na lang muna sya para magpalamig ng ulo. Habang nakahiga ay biglang bumukas ang shower sa bathroom.

Adie: "Sino yan? May tao ba jan?" (sigaw nya)

Ngunit walang sumasagot. Hindi pa din humihinto ang tubig sa loob kaya nagpasya syang katukin ito.

Naka lock ang pinto kaya naman kinuha nya ang susi. Ng mabuksan nya ito ay unti unti nyang hinawi ang shower curtain, pero walang tao.

Adie: "Ano ba yan,naglalawa na pala dito." (sabi nya sa sarili)

Sinubukan nyang isara ang shower pero ayaw pa din nitong huminto. Inisip nya na lang na sira ito. Lalabas na sana sya para i-report ang sirang shower pero nadulas sya.

Adie: "Ouch!"

Dahan dahan na sana syang tatayo ngunit habang nakayuko sya ay kitang kitang kita nya sa harapan nya na may paa at naagnas na ito. Pagtingala nya ay wala naman tao.Sobrang takot ang naramdaman nya ng mga oras na yun. Dali-dali syang tumayo ng biglang sumara ng pinto ng CR.

Adie: "Tulong! Tulungan nyo ko!" (sigaw nya habang pilit binubuksan ang pinto)

Nararamdaman nya sa likod nya ang yabag ng mga paa. Papalapit ng papalapit sa kanya. Ayaw nyang lumingon dahil natatakot sya. Ng maramdaman nyang huminto ang mga yabag ay unti-unti din syang tinignan ito. Pag harap nya...

Adie: "Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!"

**
Nagising na lamang si Adie na nakahiga sa kama nya at nakapalibot sakanya ang mga kaibigan.

Raquel: "Bruha ka! Kala namin nag suicide ka na at nakahandusay ka sa loob ng CR."

Adie: "May babae, may babae kanina sa loob ng CR. naagnas na, nagakatitigan kami." (mangiyak ngiyak na sambit nya)

JM: "Ikaw naman masyado kang matatakutin, baka salamin lang yung nakita mo."

*tawanan* Dahil likas na joker si Adie sa magbabarkada ay hindi nila ito pinaniwalaan.

Adie: "Maniwala kayo sakin, totoo nakita ko. Maniwala kayo."

Pao: "Adie, alam mo ba kung anong oras pa lang? Alas dos ng hapon, tirik na tirik ang araw sa labas tapos babanatan mo kami na may nakita kang multo."

Adie: "Bakit ba ayaw nyong maniwala sa akin! Totoo ang nakita ko."

Pao: "Ooohhh! Sige na nga, natatakot na din kami. Hmmp! Makababa na nga lang!"

Agad naman sumunod ang iba kay Pao maliban kay Leanne,Alvin, Sheryl at Jenn."

Leanne: "Adie, naniniwala ako sayo, wag ka ng matakot, hindi ka namin iiwanan mag isa ok?"

Adie: "Kitang kita ko na papalapit sya sa akin, natakot ako pero naramdaman ko na parang may gustong sabihin yung multo."

Sheryl: "Paano mo naman nalaman?"

Adie: "Hindi ko din alam, pero nakakatakot na nakakaawa yung itsura nya. Para syang pinatay."

Jenn: "Woah! Talagang nagkatitigan kayo ha?"

Alvin: "Sa tingin ko wag na lang natin pag usapan yung mga ganyang bagay. Im sure kung may gusto man iparating yung spirit na nagpakita sayo hindi nya tayo sasaktan. "

Leanne: "May point si Alvin. Gusto mo ba bumaba na din tayo? O Kung gusto mo naman sasamahan ka muna namin dito."

Adie: "Ok na ko, mabuti pa nga bumaba na din tayo."


‎**
Pag sapit ng gabi ay buhay na buhay pa din ang lugar. Hindi ito nakakatakot katulad ng ineexpect ng iba sa kanila. Si Pao ay kahit may sugat ay todo porma pa din at naka swim suit pa.

Marco: "Wooohooo! Kaya naman sa'yo ako Pao, wala kang kupas."

Pao: "Tse! Nakakaasar lang hindi ako makakalusong sa beach kasi tubig alat, mabuti na lang may pool sa likod. Dun na lang ako."

Leanne: "Wag ka ng humiwalay samin Pao."

Pao: "Anong gusto mo? Lumusong ako jan sa dagat? Dba nga ikaw na nagsabi na hindi pwede dahil mananariwa ang mga sugat ko. Ah basta, dun ako sa pool sa likod."

At umalis na nga si Pao.

Jenn: "Hayaan nyo nga sya, wala naman mang ra-rape sa kanya dun, kahit maganda sya pati rapist hindi sya pagtatangkaan dahil sa ugali nya."

Sheh: "Korek! Kahit nga multo baka bulyawan pa nya at kay Pao pa matakot."

*tawanan*

Habang si Pao naman ay mag isa likod. Nakaupo sya sa gilid ng pool habang nakikinig sa kanyang ipod. Aliw na aliw syang kinukuhan ng picture ang kanyang sarili at panay pa-cute sa camera. Ng tinitignan nya isa isa ang mga pictures nya ay nagulat sya at hindi pala sya nag iisa.

Pao: "Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"

Dali daling tumayo si Pao at aktong tatakbo na ngunit hindi sya nagtagumpay.
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 8)

Trip Part 8
by Scary Spice


Samantala, enjoy na enjoy naman ang lahat at walang kamalay malay sa kung ano ang nangyari kay Pao. Unlimited drinks kaya tuwang tuwa sila. Lalo na at libre pa ito. Kanya kanya ang magbabarkada. Si JM ay kasalakuyan nakikipaglandian kay Marj. Ganun din naman si Marco at ang kasama naman nito ay si Mitzie na pangalawang anak ni Mrs.Montemayor. Sina Sheryl,Jenn, Raquel at Adie naman ay enjoy din sa pakikipag kwentuhan sa mga nag gagwapuhan na bar tender na sina Ariz at Jules. Habang sina Alvin at Leanne naman ay sweet na sweet na nag iinuman habang nakaupo sa white sand malapit sa ginawa nilang bonfire.

Alvin: "Baby, baka naman pwede na tabi tayo matulog mamaya" (paglalambing nito)

Leanne: "Hindi pwede, alam mo naman may usapan kaming mga girls na hindi kami mag hihiwahiwalay."

Alvin: "Lagi mo naman inuuna mga barkada mo, paano naman ako?"

Leanne: "Baby, not now ok? Hindi pa ko ready."

Natahimik na lang si Alvin at tila nagtampo sa nobya.

Alvin: "May kukunin lang ako sa taas,wag kang aalis jan."

Leanne: "Sasama ako."

Alvin: "Hindi na,jan ka na lang. Sandali lang ako." (wika nito na halatang naiinis)]

Leanne: "Sungit mo naman!"

Hindi pinansin ni Alvin ang nobya sa halip ay tumayo sya para umakyat sandali sa taas.

Napag isip isip ni Leanne na 3 taon na din silang magkasintahan pero ni minsan ay walang nangyari sa kanila ng nobyo. Mahal nya ito pero parang hindi pa talaga sya handa.

Raquel: "Hoy! Mukhang malalim ang iniisip natin jan ah. Nasan na si Papa Alvin mo?"

Leanne: "May kinuha lang sa taas, pero babalik daw sya agad." (sagot nya na tila wala sa mood)

Raquel: "May problema ba girl?”

Leanne: "Kasi ano, uhm, si Alvin.. Alam mo na.. 3 years na kami db? Pero hanggang ngayon wala pa din. Alam mo na yun."

Raquel: "Ikaw naman kasi pa Maria Clara ek ek ka pa jan, 23 years old ka na virgin ka pa din!" (pang aasar nito)

Leanne: "Ano ka ba, wag ka nga maingay!"

Raquel: "Bakit, totoo naman. Si Alvin 29 na. He's a guy, and guys have certain needs. Mahal mo naman yung tao at mahal ka din nya ano pa ba kinakatakot mo?"

Leanne: "Hindi pa yata ako ready." (tila nahihiyang sagot nito)

Raquel: "Alam mo gwapo yang bf mo, matalino, mayaman. Madaling makakuha ng babae yan kahit pang 1 night stand lang, pag yan nainip ng tuluyan sayo baka hindi na makatiis yan. Bahala ka, para sayo din yung sinasabi ko."

Bahagyang inisip ni Leanne ang sinabi ni Raquel, tutal mahal na mahal naman nila ang isa't isa kaya naman sasabihin na nya sa nobyo na handa na sya.

Leanne: "Sige Quel, maiwan muna kita sundan ko lang si Vin sa taas."

Raquel: "Woah! Ang bilis mo naman mag isip. Goodluck girl sa una lang yan masakit pero mag eenjoy ka din. Hahahha!" (pang aasar nito)

Leanne: "Whatever!" (sabay ngiti sa kaibigan at tumayo para puntahan ang nobyo)

**
Pumasok si Leanne sa loob para sundan si Vin. Tahimik na tahmik dahil nasa labas ang lahat pati ang mga tauhan sa resort.

Agad naman pumanhik si Leanne sa kwarto ng mga lalake para sabihin sa nobyo na nakapagdesisyon na sya. Madilim sa loob ng kwarto pero naaaninag naman nya ito. Hindi nya inaasahan ang kanyang nakita. Nakahiga si Alvin sa kama at may babaeng kasama at ang mismong babae pa ang nasa ibabaw ng nobyo.

Leanne: "Anong ibig sabihin nito?" (pagalit nyang sigaw)

Agad naman tumayo si Alvin at nakangiti sa nobya.

Alvin: "Buti naman dumating ka, halika muna dito."

Leanne: "Wag nyo kong isali sa kababuyan nyo!"

Alvin: "Teka nga, ano ba sinasabi mo?" (nagtatakang tanong ng nobyo)

Leanne: "Hindi ako tanga Alvin! Alam mo tama ang sinasabi ng mga kaibigan ko! Hindi ka na magbabago at wala ka ng pag asa magbago!" (sinampal nya ang nobyo)

Alvin: "Baby, ano ba problema?" (sabay yakap sa nobya)

Leanne: "Wag mo kong ma baby baby! Bitawan mo ko!" (at binuhusan sya nito ng alak na iniinom at saka umalis ito palayo)

Nagtataka si Alvin sa inasal ng kanyang gf. Mag isa lang sya sa kwarto dahil biglang bumigat ang pakiramdam nya kaya nahiga muna sya sandali. Agad syang pumasok ulit sa kwarto para magpalit ng damit. Pag bukas nya ng cabinet ay gulat na gulat si Alvin ng makita nya sa loob ang isang babae na nakadilat at titig na titig sa kanya. Maputlang maputla ito at may bakas ng lubid sa leeg. Wakwak din ang dibdib nito at naagnas na ang katawan.

Nabigla si Alvin at dali daling tumakbo sa labas. Hindi na nya nakuhang magpalit ng damit. Dahil sa pagmamadali ay di nya namalayan na nabunggo nya pala si Hazel kaya napahiga sila sa sahig at nadaganan nya ang dalaga.

Hazel: "Aray ko.."

Alvin: "Ms.Hazel ok ka lang? Pasensya ka na hindi kta agad nakita."

Hazel: "Ok lang po ako sir,kayo po bakit namumutla yata kayo?"

Alvin: "Kasi, kanina pag bukas ko ng cabinet....."

Ng biglang lumabas ng kwarto si Leanne at nakita sila sa ganung posisyon.

Leanne: "Hindi na ba kayo makatiis at pati dito sa labas tinuloy nyo yang ginagawa nyo!" (sigaw nito)

Alvin: "Babe, nagkakamali ka. Let me explain."

Hazel: "Ma'am mali po ang iniisip nyo"

At tumayo na ang dalawa.

Leanne: "Hind ako tanga at lalong hindi ako bulag! Simula ngayon break na tayo!"

Hazel: "Ma'am sandali po magpapaliwanag ako." (at hinawakan si Leanne sa braso)

Leanne: "Don't touch me you fugly slut!" (tinabig ang mga kamay nito at tumakbo palayo)

Alvin: "Pasensya ka na pati ikaw nadamay. Hahabulin ko muna sya para mag explain."

Hazel: "Sige po sir, pasensya na din po."

**
Jenn: "Ano ba talaga nangyari?"

Leanne: "Niloko nya ko! May kasamang babae si Alvin kanina sa loob ng kwarto, huling huli ko sila." (habang umiiyak)

Adie: "Kasi naman ikaw kung nun mo pa sya pinagbigyan edi sana...." (hindi na natapos ni Adie ang sasabihin dahil bglang sumingit si Sheryl)

Sheryl: "Ok lang yan girl, madami pa naman iba jan, saka ikaw ang kawalan nya. Hindi na sya makakahanap ng katulad mo."

Patuloy pa din sa pag iyak si Leanne ng dumating si Alvin.

Alvin: "Pwede bang iwan nyo muna kami?"

Agad naman umalis sina Jenn, Adie, Sheryl at Raquel para makapag usap ang dalawa.

Leanne: "Wala ka ng dapat i-explain dahil nakita ko ang lahat. Nasa kwarto pa lang kayo nakita ko na na magkasama kayo nung Hazel na yun!"

Alvin: "Babe, mag isa lang ako sa kwarto, hindi ko kasama si Hazel. Biglang bumigat ang pakiramdam ko kaya nahiga muna ako. Tapos bigla kang dumating. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit sa akin. Nung binuhusan mo ko ng ng wine pumasok ako para magpalit ng damit. Binuksan ko yung cabinet, pero pag bukas ko may nakita akong babae sa loob.."

Leanne: "At si Hazel yun tama ba?"

Alvin: "Makinig ka muna, kahit ako hindi makapaniwala sa nakita ko. Pag bukas ko may babae sa loob ng cabinet, nakadilat ang mga mata nya at nakatitig sa akin. Wakwak ang dibdib at maputlang maputla. Kaya ko nadaganan si Hazel dahil natakot ako at nagtatakbo ako palabas. Hindi ko napansin na nabunggo ko sya." (paliwanag nito)

Niayakap ni Alvin ang nobya.

Alvin: "Alam kong mahirap paniwalaan ang sinasabi ko,pero sigurado ako sa nakita ko. Una pa lang sinasabi mo sa amin na hindi maganda ang nararamdaman mo dito at napatunayan ko yun kanina. Yung nakita ni Adie baka yun din ang nakita ko."

Muling nabalutan ng takot si Leanne..

Leanne: "Naniniwala na ko. Sabi ko naman sa inyo umalis na tayo."

Alvin: "Aalis na tayo dito ngayon din, sabihin natin sa kanila bago pa may mangyaring masama."

**
Agad tinawag nila Leanne at Alvin ang mga kaibigan. Lasing na ang mga ito lalo na sina Marco at JM.

Alvin: "Makinig kayo, mahirap ipaliwanag pero kailangan na natin umalis dito ngayon din bago pa may mangyaring masama."

Sheryl: "Paano yan Vin lasing na lasing sina JM at Marco."

Adie: "Pambihira naman nagyon pa nag lasing itong mga 'to. kung kelan naman may emergency."

Habang nag iimpake ay biglang nilang naalala..

"Guys! Si Pao nga pala? Nasan na sya?"


‎**
Sa mga sandaling iyon ay nahimasmasan na si Pao. Ng magising sya ay nasa isang kwartong madilim at napapaligiran ng mga kandila.

Pag tayo nya masakit na masakit na masakit ang balakang nya.

Nakita nyang nakatalikod ang 3 matandang babae at may kung anong ginagawa.

Pao: "Sino kayo? Anong gagawin nyo sa akin?" (sigaw nya)

Tumingin sya sa paligid nya. Nakakadiri. Malansa. Napapalibutan sya ng nagkalat na dugo at laman loob na di nya mawari. Halos magkandasuka sya pero mas nananaig ang takot sa dibdib nya.

Pao: "Maawa kayo sa akin, wag nyo kong papatayin. Utang na loob. Pakawalan nyo ko dito!" (pagmamakaawa nya)

Unti-unting lumapit sa kanya ang isa sa matanda. Nakakapangilabot ang itsura nito. Payat na payat at halos buto't balat na. Idagdag mo pa ang mahabang buhok nito na parang aswang na sa pelikula lang nya nakikita.

Ako si Elena. (wika ng matanda)

At ito naman ang mga kapatid ko na sina Norma at Carmen.

Aling Norma: "Sariwa pa ang mga sugat mo hija, kailangan magamot agad natin yan at di nila dapat maamoy.”
Naguguluhan si Pao at di nya ma gets kung ano ang pinagsasasabi sakanya ng matatandang ito.

**
Leanne: "Wala sya sa likod. Hinanap na din namin sya sa lahat ng kwarto dito pero wala talaga."

Raquel: "Ang tigas naman kasi ng ulo ng babae na yan! Paano na yan? saan natin sya hahanapin?"

Alvin: "Lalabas ako para hanapin si Pao. Wag na wag kayong aalis dito.Kayo muna ang bahala kina JM at Marco. Punasan nyo ng alcohol at malamig na tubig para mawala ang pagkalasing nila."

Leanne: "Sasama ako sayo. Hindi ako papayag na umalis ka mag isa."

Alvin: "Masyadong delikado. Ako na lang ang lalakad para hanapin si Pao."

Leanne: "Hinde! Hindi ako papayag na umalis ka mag isa dito. Sasama ako."

Kahit ayaw isama ni Alvin ang nobya ay napilitan sya dahil ayaw nitong pumayag na sya lang ang aalis. Kaya naman lumakad na sila para hanapin si Pao. Naiwan sa kwarto sina Jenn, Raquel, Sheryl at Adie para bantayan sina JM at Marco.

Sheryl: "Ang bilis yata malasing nga mga 'to. Daig pa tayo, dba tomadaor yang mga yan?"

Adie: "Baka nilagyan ng vetsin ni Marj at Mitzie yung iniinom nila. Yung dalawa na yun tatahitahimik lang pero ramdam ko nasa loob ang kulo nung magkapatid na yun!"

Raquel: "Wag kang maingay Adie baka marinig ka nila. Nakakahiya."

Adie: "Puro kayo hiya, totoo naman na nilalandi nila sina JM at Marco tapos tayo pa mahihiya."

Habang nag iimpake at nag aayos ng gamit ay napansin ni Raquel na may nakaipit na lumang dyaryo sa ilalim ng kutson nila. Kinuha nya ito at binasa.

"MAY 29, 2000. 1 buwan na ang nakakalipas isang grupo ng kabataan ang misteryosong nawawala at magpa hanggang nagyon ay hindi pa nakikita ang mga katawan nito."

Nakalagay sa lumang dyaryo ang mga larawan ng mga kabataan. Nakalagay din na nagpakamatay ang ina ng isa sa mga kabataan na ito dahil hindi nito kinaya ang lungkot at biglaang pagkawala ng anak. Nagngangalan itong Victoria Ramirez. Mejo malabo na ang larawan pero agad itong nakilala ni Raquel.

Raquel: "Oh my! Ito yung matanda na nakita natin sa Amusement Park. Ito yung pumipigil sa atin na wag na tayong tumuloy dito."

**
Pasakay na sina Leanne at Alvin sa van, papunta na sana sila sa munisipyo para i-report ang pagkawala ni Pao. Ng may marinig syang...

"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhh!"

Leanne: "Boses ni Pao yun! Dun galing sa lumang bahay kubo."

Alvin: "Sigurado ka ba?"

Leanne: "Oo! Dalian mo puntahan natin."

Kahit puno ng takot sa dibdib ay pinasok ni Leanne at Alvin ang lumang bahay kubo.

Nasa bungad pa lang sila ng biglang may humablot sa kanila.
 
Re: Ghost Stories (update:Trip Part 9)

Trip Part 9
by Scary Spice



“Aaahhhhh!” sigaw ni Leanne habang kinakaladkad sila ni Alvin ng 3 matanda.

“Sssshhhh! wag kayong maingay. Baka marinig nila tayo. Huwag kayong mag alala ligtas kayo dito.” wika ng isa sa matanda.

Agad naman yumakap si Leanne sa nobyo.
Alvin: “Sino ba kayo? Anong kailangan nyo sa amin?”

“Tawagin nyo na lamang akong Veronica, sila naman ang mga kapatid ko na sina Ofelia at Elsa.”

Leanne: “Nasan na si Pao? Anong ginawa nyo sa kaibigan namin?” umiiyak na saad nito

Ofelia: “Nasa kwarto sya at ginagamot ng 3 pa naming kapatid. Ksama nya sina Ate Elena sa loob. Halina kayo at puntahan natin sila.”

Takot na takot pa din ang dalawa lalo na si Leanne at hindi ito tumitigil sa pag iyak.

Aling Elsa: “Hija wag kayong matakot sa amin, magtiwala kayo hindi naming kayo sasaktan. Kailangan makaalis kayo dito bago mag 3:00 AM. Kung hindi ay kayo ang isusunod nila Lucy. Tumayo na kayo at puntahan na natin ang kaibigan nyo sa kwarto.”

Kahit natatakot at naguguluhan ay sumunod ang dalawa sa tatlong matanda. Binuksan nila ang kwarto at dun nila nakita si Pao na ginagamot nila Aling Elena.

Leanne: “Pao! Anong ginawa nila sayo?” umiiyak pa din ito at yumakap sa kaibigan.

Pao: “Ok lang ako Leanne, sila Sheryl? Sila Raquel? Nasan sila? Delikado ang buhay nila kila Mrs.Montemayor”

Aling Norma: “Sila ang kampon at naghahasik ng lagim sa lugar na ito, ang lahat ng nakikita nyong panlabas na kanyuan nila ay dahil sa pag inom nila ng dugo ng mga kabataan. Mananatili silang bata hanggat may naiinom silang sariwang dugo at laman loob ng tao.”

Aling Carmen: “Kayo ng mga kaibigan mo ang isusunod nila kaya kailangan makaalis kayo agad..”

Alvin: “Pero bakit ang lansa dito at may nakapalibot na dugo?”

Aling Elena: “Dugo yan ng manok, pangontra yan dahil may sugat ang kaibigan nyo madali syang matutunton dahil naaamoy nila ang dugo ng tao. Pinaligiran ko ang kwartong ito ng sariwang dugo ng hayop para ito ang maamoy nila.”

Pao: “Leanne, Vin Im sorry kasalanan ko ang lahat, kung hindi ako nagpumilit ay hindi aabot sa ganito” umiiyak na din si ang dalaga.

Alvin: “Paano po ang gagawin namin? Nsa kabila pa ang mga kaibigan namin. Kailangan naming sila mailigtas.”

Aling Elsa: “Mag aalas dose na. May oras pa tayo. Sumunod kayo sa akin.”

**
Samantala nagising at nahimasmasan na din sa wakas sina JM at Marco.

Sheh: “Shit! Nag brownout pa! Nasan na kaya sila Alvin at Leanne, sana makita na nila si Pao.”

Ng biglang may nagtxt kay Raquel.

Raquel: “Guys kailangan na natin makalabas dito nagyon din pero dahan dahan lang tayo ha.Wag na tayo magpaalam kina Ms.Hazel.”

Adie: “Pero ang sabi nila Leanne wag tayong aalis dito.”

Raquel: “Basta! Mamaya na ang paliwanagan.”

JM: “Teka, sobrang sakit ng ulo ko.”

Marco: “Ako din, ano ba nangyayari?”

Adie: “Kasi po yung malanding Marj at Mitzie na yan nilasing kayo. Hindi nyo ba alam nawawala si Pao.”

JM: “Sus! Nagselos ka na naman kay Marj.”

Raquel: “Pwede ba mamaya na yan. Wag na natin dalin yung mga gamit kailangan makalabas na tyo dito ngayon mismo!”

Unti-unting tumawa si Jenn..

“Mwahahahaha! Mwahahaha!”

Adie: “Naloloka ka na ba gilr?” sabay hila kay Jenn.

“Hindi ako si Jenn.. Hahahahaha! Hindi ako ang kaibigan nyo!”

Marco: “Wow ano ‘to joke?”

Ng matapat si Jenn sa salamin ay nakita ni Sheryl ang repleksyon nito. Si Mrs.Lucy Montemayor pero tila naaagnas at kulukulubot ang balat.

Sheh: “Aaaaaaaahhhhh!”

Biglang humangin ng malakas at sumara ang pinto. Hindi makapaniwala ang lahat sa nangyayari. Gimbal na gimbal sila.

Marco: “Nasaan si Jenn? Anong ginawa mo sa kanya?”

Lucy: “Bihag namin sya ngayon. Type na type ko ang beauty ng kaibigan nyo kaya naman gusto kong kopyahin ang mukha nya.”

Adie: “Ano bang nangyayari? Ano ang kailangan nyo sa amin?”

Lucy: “Matagal tagal na din ng huli akong makatikim ng sariwang dugo, sawa na din kami sa mukha namin. Gusto ko naman ng bago. Sa akin mapupunta ang mukha ni Jenn. At ikaw (sabay turo kay Adie) ang magiging bagong mukha ni Marj. Ikaw naman (sabay turo kay Raquel) ay mapupunta kay Mitzie. Hahahahaha!”

Raquel: “Kalokohan ang lahat ng ito! Pakawalan nyo kami utang na loob!”

Lucy: “Gaga! Hahahaha! Hindi kami pwedeng tumanda, mananatili kaming bata, kailangan naming ang mga dugo nyo.”

Biglang bumukas ang kwarto at pumasok sina Ariz Jules at Hazel ngunit tila nagbabago na din ang mga anyo nito. Parang naagnas at tuyot na ang balat. Agad nitong binitbit ang magkakaibigan. Hindi sila makalaban dahil hawak ni Hazel ang totoong Jenn. Konting kibot ay gigilitan nito sa leeg ang dalaga kaya naman wala silang nagawa kundi sumunod.

Dinala ang magkakaibigan sa underground ng resort. Sumalubong ang kagimbal gimbal na mga kalansay, samu’t saring parte ng katawan ng tao at nabubulok na bangkay sa loob. Ginapos sila at itinabi kay Jenn. Maliban sakanila ay may dalawa pang bihag na sina Janet at Rommel.

Mitzie: “Bakit kulang yan?”

Hazel: “Oo nga,nasan ang intrimitida na si Leanne? At si Alvin?”

Marj: “Hinahanap pa din nila si Pao. Hayaan nyo pag balik nila sisimulan na natin ang ritual at midnight snack. Hahahaha!”

Takot na takot ang magkakaibigan. Lalo na ang mga babae. Wala silang magawa kundi umiyak.

Rommel: “Hon, nakalag ko na ang tali. Wag kang umiyak jan at makakatakas din tayo.” (pabulong na wika nito sa kasintahan na si Janet)

Narinig naman ito ni Adie at tila nabuhayan ng loob.

Adie: “Kuya, baka po pwede idamay nyo na kami” pagmamakaawa nito.

Janet: “Kung kami nga hirap na hirap na tanggalin ang pagkakagapos, ilan ba kayo? Anim! Matatagalan lang kami.”

JM: “Ang sasama ng ugali nyo! Masahol pa kayo kina Mrs.Montemayor!”

Rommel: “Wala kang pakielam! Goodluck na lang sa inyo.” (sabay Fuckyu sa magkakaibigan)

Marco: “Talaga naman ang sasama nyo! Mahuli sana kayo!”

Janet: “Shut up!”

Imbes na maawa sina Janet at Rommel sa kanila ay hindi sila nito tinulungan. Sa halip ay mas iniisip ng swapang na magkasintahan ang kanilang sarili. Nakalag nila ang tali. Sa mga oras naman na yun ay nasa labas sina Mrs.Montemayor.

Sa underground ay may bintanang maliit. Dahan dahan naglakad sina Janet at Rommel at unti unting inilusot ang katawan sa bintana, Ang hindi nila alam ay may 5 bulldog na nakabantay sa bintana.

“rawwwr! rawwwr!” Malakas na tahol ng mga aso kaya narinig agad ito nila Mrs.Montemayor at muling pumasok sa underground.

Huling huli sa akto na tatakas ang magkasintahan. Dahil kalahati na ng katawan nila ang nakalabas sa bintana ay agad silang sinunggaban ng mga aso.

Lucy: “Hahahahahaha! Yan ang mapapala nyo pag sinubukan nyo kaming takasan. Sige ipaubaya na ang dalawang yan sa mga alaga natin.” Hahahahaha!”

Pyestang pyesta naman ang mga bulldog sa sa katawan nina Janet at Rommel. Hindi kinaya ng magkakaibigan ang eksenang yun kaya pumikit na lang sila. Pero rinig na rinig nila ang sigaw ng magkasintahan habang nilalapa ng aso. Nagkagutay gutay ang mga katawan nilo. Enjoy na enjoy naman ang mga aso at tila ginawang bola at laruan ang napugot na ulo nina Janet at Rommel.

Hazel: “Kung ako sa inyo hindi na ako tatakas kung ayaw nyong matulad sa dalawang hampaslupa na yan!”

Magkakayakap ang magkakaibigan. Kung bangungot man ang mga nangyayari ay nais na nilang magising. Hindi nila lubos akalain na ang simpleng TRIP to Batangas ay maaaring maging R.I.P.
 
Re: Ghost Stories (update:Trip)

Trip part 10
by Scary Spice


Inilabas ni Aling Elena ang lumang dyaryo at larawan.

MAY 29, 2000. Isang buwan na ang nakakalipas ng mawala ang isang grupo ng kabataan. Agad naman tinignan ni Pao ang pamilyar na larawan na nasa dyaryo at ang larawan na inilabas ni Aling Elena. Walang iba kundi ang matanda na nakita nila sa Amusement Park na pumipigil sa kanila.

Aling Elena: “Sya si Victoria, ang bunsong kapatid namin. Nagpakamatay sya dahil sa pagkawala ng kaisa-isang anak nya na si Gizelle.

Pao: “Dyos ko! Sya ang matandang pumipigil sa amin na pumunta dito. Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko! Kung hindi ako nagpumilit ay hindi mapapahamak ang mga kaibigan ko.” (saad nya habang umiiyak)

Leanne: “Wag mong sisihin ang sarili mo, wala naman may gusto ng mga nangyayari. Isipin na lang natin kung paano natin sila maililigtas.”

Agad din tinignan ni Alvin ang lumang dyaryo at larawan.

Alvin: “Itong babae na ‘to, hindi ako maaaring magkamali. Sya yung multo na nakita ko sa cabinet kanina sa kabilang resort.

Aling Elena: “Magpa hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang katawan ni Gizelle. Naniniwala kami na sina Lucy ang may kagagawan ng lahat.”

**
Habang nilalapa at pinaglalaruan ng mga aso ang katawan nina Janet at Rommel ay ihihahanda na din nila Mrs.Lucy ang mga patalim na gagamitin nila. Sina Marj, Mitzie at Hazel naman ay ihihahanda na ang mesa para sa kanilang masarap na salu-salo. Meron din malaking pantuhog na tila sa lechon lang ginagamit.

Habang tumatagal ay unti unting nababago ang panlabas na anyo ng mga ito. Ang dating makikinis na balat ay naging kulubot at tila naaagnas. Ang magagandang mukha ay naging kakilakilabot. Takot na takot ang magakakaibigan. Lalo na ang mga babae. Wala silang nagawa kung hindi umiyak. Katapusan na nga ba nila?

Marj: “Unahin natin si Adie, malaman at mukhang masarap ang dugo ng babaeng yan.”

Adie: “Mga hayop kayo! Para kayong hindi tao!” (sigaw nito)

Marj: “Tumahimik ka! Hindi talaga kami tao kaya nga kakainin namin kayo. Hahaha!”

Mitzie: “Jules, Ariz kalagan mo ang babaeng yan (sabay turo kay Adie) alisan mo muna ng balahibo bago mo pakuluan, pagkatapos ay katasin mo ang dugo nya sa katawan.”

Agad naman sumunod sina Jules at Ariz.

Adie: “Wag! Hindeeeee! Tulungan nyo ko! Quel! Jenn! Sheryl! JM! Marco!”

Walang magawa ang mga kaibigan nya dahil pare-pareho lang silang nakagapos. Agad naman Kinuha ni Ariz ang patalim at tinurok ito sa sa dibdib ni Adie.

“Waaaag!” sigaw ng mga kaibigan nya habang umiiyak. Ngunit huli na ang lahat. Sa harap mismo nila walang awang pinatay si Adie. Parang napakadali naman kina Ariz at Jules ang ginagawa. Nagtatalsikan ang mga dugo nito. Parang baboy na chinachop chop ang katawan ng kawawang dalaga. At ang dugo nito ay kinatas nila at isinalin sa isang lalagyan.

Lucy: “Tumahimik kayo sa kakaiyak! Wag kayong mag alala. 3 lang naman ang pang hapunan namin ngayon. Una si Adie. So, mamimili pa kami ng dalawa. At ang maswerteng napili naming ay ikaw (sabay turo kay Jenn) at ikaw” (sabay turo kay Raquel) at saka ito tumawa na parang demonyo.

JM: “Huwag! Ako na lang ang isunod nyo wag sila!”

Agad nilapitan ni Marj ang binata at inilapit nito ang naaagnas nyang mukha.

Marj: “Wala naman kaming balak idamay kayo ni Marco at Alvin. Kayo ang magiging alipin namin dito sa resort. Ang mga babae lang na yan ang kailangan namin.”

Tila hindi naman nagustuhan nina Jules at Ariz ang narinig. Kung ganon ay paano naman sila? Mananatiling naagnas ang katawan nila kung wala silang maiinom na dugo at laman loob ng tao.

Sina Jenn at Raquel naman ay walang humpay sa pag iyak. Sila na ang isusunod. Hindi nila matanggap ang masaklap na kapalaran na aabutin nila ng gabing yun.

**
“Waaaag! Utang na loob! Pakawalan nyo na kami” dinig na dinig nina Alvin, Leanne, Pao at ng mga kasama nilang matanda mula sa kabila ang palahaw at iyak ng mga kaibigan.

Leanne: “Sila Sheryl yun, Dyos ko po, tulungan nyo po sila. Kailangan natin sila iligtas.” (saad nya habang umiiyak)

Aling Elena: “Sumunod kayo sa akin (sabay tingin sa magkasintahan na sina Alvin at Leanne) Elsa,Ofelia, bantayan nyo sya.(sabay tingin kay Pao) Wag na wag kayong aalis dito sa loob ng kwarto. Hindi nila pwedeng maamoy ang dugo niya.

Agad tumayo sina Alvin at Leanne at sumunod kay Aling Elena.

**
Pao: “Kasalanan ko ito, kung hindi ako nagpumilit ay hindi na sana kami umabot sa ganito.” (wika nya habang umiiyak)

Aling Norma: “Wag mo sisihin ang sarili mo hija, isipin mo na lang kaya nangyari ang lahat ng ito ay may dahilan.”

Pao: “Nasa byahe pa lang kami ay kung anu-ano na ang nakikita nila na pangitain, pero hindi ako naniwala at hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko. Kaya kasalanan ko ang lahat.”

Aling Elsa: “Ano ang ibig mo’ng sabihin? Anong pangitain?”

Pao: “Dalawang beses nagpakita sa amin ang kaluluwa ni Aling Victoria, una nung nasa Amusement Park pa lang kami, pangalawa nung nag stop over kami sa isang kainan nung madaling araw bago pumunta dito. Pagkatapos nun ay may sinasabi ang mga kaibigan ko na may nakasalubong daw kami na nag puprusisyon pero wala akong nakita.”

Aling Ofelia: “Prusisyon ba kamo? Madaling araw? Yun ba yung mga naka belo na itim?”

Pao: “Yun nga po, paano nyo po nalaman?”

Aling Ofelia: “Ikaw lang ba ang bukod tanging hindi nakakita?”

Pao: “Opo,pero silang lahat nakita nila pero wala akong nakita ng mga oras na yun.”

Aling Ofelia: “Ang mga sugat mo? Saan mo nakuha yan?” (patuloy na tanong nito)

Pao: “Ang akala ho kasi namin ay may nasagasaan kami nung bumibyahe kami papunta dito, bumaba po ako para tignan pero wala naman. Nagulat na lang ako ng bigla akong sinugod ng pusa na kulay itim.”

Aling Ofelia: “Dyos ko. Wag naman po sana” (saad nito na tila nag aalala)

Pao: “Bakit po Aling Ofelia? Ano pa ba ang ibig sabihin ng lahat ng iyon?”

**
Sina Alvin at Leanne naman ay sumunod kay Aling Elena.

Aling Elena: “Mauubos na ang oras natin, wala na din tayong oras para humingi ng tulong. Mabuti pa ay tayo na ang kumilos.”

“Aaaaahhhhhhhhh Tulungan nyo kami!.”

Nadinig na naman nila ang boses ng kanilang mga kaibigan, nagmamakaawa ang mga ito.

Kinuha ni Alvin ang kawayan . Gamit ang patalim ay pinatulis nya ang dulo nito. Ito ang gagamitin nyang panlaban sa mga kampon na bumihag sa kanyang mga kaibigan.

Leanne: “Sasama ako, di ako papayag na ikaw lang ang pupunta sa kabila.”

Alvin: “Hindi pwede, delikado. Hayaan mo na lamang ako.”

Leanne: “Sa palagay mo ba matatahimik ako dito kung alam kong lahat kayo ay nasa bingit ng kamatayan?!”

Aling Elena: “Hayaan mo na sya hijo, hindi mo kayang mag isa. Kung kaya ko pa sana ay sasamahan ko kayo pero mahina na din ang katawan ko.”

Wala naman nagawa si Alvin. Ayaw nyang mapahamak ang nobya pero nagpupumilit ito.

Aling Elena: “Eto, makakatulong ito.” (sabay may inaabot kina Alvin at Leanne)









“TRIP”
LAST PART

Aling Ofelia: “Ang mga nakasalubong nyo nung madaling araw na mga nakabelong itim ay ang kaluluwa ng mga kaibigan mo.”

Takot na takot si Pao. Tila alam nya na ang ibig sabihin nito.

Aling Carmen: “Yun ang ang sundo nila. Kaluluwa ng mga kaibigan mo ang nakita nila kaya wala itong mukha.”

Nanlumo si Pao sa narinig. Ang ibig sabihin ba nito ay sya lang ang makakaligtas dahil sya lang ang hindi nakakita?

Kahit nanghihina ay agad tumayo si Pao at lumabas sa silid na iyon. Hindi sya nagpapigil sa mga matatanda. Ililigtas nya ang mga kaibigan nya sa binggit ng kamatayan.

**
Muli nilang narinig ang mga boses ng kaibigan kaya naman dali dali ng umalis sina Alvin at Leanne.

Aling Elena: “Sandali! Hindi pa ko tapos, ang balngkong papel na yan ay…..…”


**

Hinalughog nina Leanne at Alvin ang buong lugar pero wala silang nakita. Hindi na din nila marinig ang boses ng mga kaibigan nila na humihingi ng tulong.

Leanne: “Bakit ang tahimik na? Ano na kaya ang nangyari sa kanila?” (wika nya habang umiiyak)

Alvin: “Wag kang mag-isip ng masama. Maililigtas din natin sila.”

Leanne: “Para saan ba kasi yang binigay na blankong papel ni Aling Elena?”

Alvin: “Hindi ko alam. Basta wag na wag kang bibtiw sa akin. Akong bahala sa’yo. Poprotektahan kita hanggang sa huli.”

Biglang humangin ng malakas. Nagpatay sindi ang mga ilaw. Maya-maya ay may narinig silang babaeng umiiyak. Palakas ng palakas at tila papalapit sa kanila. Hindi nagpakita ng takot si Alvin dahil kailangan nyang proteksyonan ang nobya.

Hindi nagtagal ay tila mabingi sila sa mga panaghoy at palahaw ng iyak na naririnig nila.Hindi lang isa. Madami na ito. Nagmamakaawa. Humihingi ng tulong. Hindi pa din tumitigil sa pag patay-sindi ang mga ilaw at ang malakas na hangin. Sa takot ng magkasintahan kaya pumikit na lang sila hanggang mawala ang kakilakilabot na mga boses na nakapaligid sa kanila. Hindi naman sila nabigo, maya maya lang ay nawala na ito.

Unti unti nilang minulat ang kanilang mga mata. Tumambad sakanila ang mga malagim na itsura ng mga kaibigan. Nakakakilabot at malungkot ang mga itsura nito.

Si Adie ay nakatitig sa kanila habang may saksak sa dibdib. Halos kulang kulang na din ang parte ng katawan nito at naliligo sa sariling dugo.

Si Raquel at Jenn naman ay halos magkadikit ang katawan. Nakatahi ang mga balat nila sa isa’t isa. Wakwak ang mga dibdib at halos mapugot na ang mga ulo.

Si Sheryl ay punong puno din ng saksak sa buong katawan. Halos magkabali-bali ang mga buto. Meron din syang lubid sa leeg. Animo ay binigti muna bago pagsasaksakin.

Sina JM at Marco ay kalunos lunos din ang itsura. Halos hindi makilala dahil pati mukha nila ay hindi pinatwad. Puro ito saksak at halos lumuwa ang mga mata.

Lahat sila ay nakatitig kina Alvin at Leanne.

“Aaaaaahhhhh!” sigaw ni Leanne at yumakap sa nobyo. Magkahalong takot at lungkot ang naramdaman nya. Nahuli na sila ng dating. Patay na ang mga kaibigan nila.

Ng may marinig silang pamilyar na boses. Boses ni Adie na tila nanggagaling sa ilallim ng hukay.

Adie: “Dba ang sabi nyo walang iwanan. Nandito kami. Hindi namin kayo iiwan.”

Alvin: “Patawarin nyo kami, hindi namin kayo nailigtas.”

Leanne: “Ads, Sheryl, Jenn, Quel, Im really sorry. JM, Marco sana mapatawad nyo kami.” (wika ni Leanne habang umiiyak)

Biglang naglaho ang mga kaluluwa nito.

**

Si Pao naman ay agad hinanap sina Alvin at Leanne. Madilim ang buong paligid at malakas ang hangin. Pero matapang si Pao. Alam nyang sya ang may kasalan kaya naman gagawin nya ang lahat mahanap lang ang mga kaibigan.

Pao: “Leanne! Alvin!” (sigaw nya pero walang sumasagot)

Patuloy sya sa paghahanap ng matisod sya sa kung ano na nasa sahig. Kilala nya ang bag na yun. Kay Sheryl yun. Binuksan nya ang bag at kinuha ang cellphone at yun ang ginamit nyang ilaw. Nagkalat sa sahig ang iba pang gamit ng mga kaibigan nya. Sinundan nya yun hanggang marating nya ang underground sa resort.

Pagbukas nya ng pinto ay agad sumambulat sa harap nya ang naagnas na katawan nina Mrs.Lucy,Marj, Mitzie at Hazel. Lalong mas nakakakilabot dahil wala na itong buhay.

“Aaaaaahhhhhh!” (sigaw nya)

Pao: “Dyos ko po, ano ba itong nangyayari. Iligtas nyo po kami ng mga kaibigan ko.”

Halos maubos ang buong lakas ni Pao sa sunod nyang nakita. Ang katawan ng mga kaibigan nya. Wala na itong buhay. Lalo syang nawalan ng pag-asa ng makita nya na wala na din buhay sina Alvin at Leanne.

Pao:”Hindeeeeeeee! Hindi ito maari!”

Ng may marinig syang tawa. Tila demonyo.

Ariz: “Isusunod ka na namin. Hahahahaha!”

Pao: “Hindi nyo maaring gawin sa akin ‘to!”

Jules: “Kung ang sarili naming mga amo nagawa namin patayin ikaw pa kaya! Galit kami sa swapang!”

Ariz: “Mabuti pa ay maglaro tayo ng taguan, magtago ka na at kami ang taya. Hahahahaha!”

Kahit hindi pa maka move on si Pao sa sinapit ng mga kaibigan ay dali dali syang tumakbo papalayo. Naririnig pa din nya ang mala demonyo na boses nina Ariz at Jules na humahalakhak. Para syang masisiraan ng bait sa mga nasaksihan. Dahil sa mahina pa din ang katawan dahil sa mga sugat nya ay nadapa sya. Nakita nya ang kanina ay blangkong papel na hawak nina Leanne at Alvin. Ngunit bigla itong nagkaroon ng larawan. Larawan ng mga kaibigan nya. Kasama si GIZELLE.

Pao: “Pero… Paano.. paanong nangyari ito?”

Ariz: “Malapit ka na namin abutan, tumakbo ka na! Hahahaha!”

Tatayo na sana sya ngunit sa pagtayo nya ay….

“Wala akong kasama. Nalulungkot ako kaya isasama ko na ang mga kaibigan mo. Nangako sila na walang hihiwalay at walang iwanan. Gusto mo din bang sumama sa amin?” wika ng nakakapangilabot na tinig ni Gizelle.

Pao: “Gi.. Gizelle?”
“Nandito kami Pao. Sasamahan mo ba kami o hihiwalay ka?” isang pamilyar na boses. Si Leanne. Bukod ay Gizelle ay napapaligiran na din sya ng mga kaibigan. Kalunos lunos ang mga itsura nito.

Sa aktong yun ay malapit na sina Ariz at Jules at susunggaban ng itak si Pao.

Pao: “Aaaaahhhhhh!”

Raquel: “Hoy! Hoy! Pao! Gumising ka na nandito na tayo.”

Panaginip lang pala ang lahat.

Agad niyakap ni Pao ang mga kaibigan.

Pao: “Guys, hindi na ko magiging pasaway. Promise! Lahat ng gusto nyo susundin ko.”

Sheryl: “Ows? Totoo ba yan?

Jenn: “Anong nakain mo at bigla kang bumait?”

Pao: “Ganun ba ko kasama dati?”

Adie: “Ay hindi? Parang tito mo nga si Lucifer eh.”

*tawanan*

Leanne: “Sinabi mo yan ha, kami ngayon ang boss.”

Pao: “Promise! Hindi na ko tututol kahit san nyo pa gusto pumunta.”

JM: “O sya tama na yan. Gutom na ko.”

Alvin: “Oo nga, bumaba na tayo. Gusto ko na mag swimming.”

Pao: “Nasan ba tayo guys? Anong lugar ‘to?”

Marco: “Nandito tayo sa FOREVER YOUNG BEACH RESORT!”


-WAKAS-
 
Re: Ghost Stories (update:7 Deadly Sins)

7 Deadly Sins
by Maselguart


301723_457778430900544_1578361669_n.jpg


Thursday, July 28 - 2:46 AM

Sa isang gusali, may nagaganap na isang kababalaghang di maipaliwanag.


"WAG....WAG MONG BUBUKSAN !!!!! WAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!!!!!!!" sigaw ni Daren kay Louie.


Mayat maya pa..... ang lahat ng tao sa buong building.... ay NAMATAY ...... sa isang IGLAP lang.





9 Hours Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .






Wednesday, July 27 - 4:56 PM

Naghahanda na si Dorianne para umalis patungo sa Reunion Party ng kanyang angkan kasama ang kanyang dalawang kapatid na sina Remianne at Mirianne, kambal at mga ate ni Dorianne. Si Dorianne ay 18 taong gulang at medyo may katakawan sa pagkain lalo na sa matatamis, kaya't medyo may katabaan ito. Lahat ng kamag-anak ni Dorianne ay may mga kaya at magagandang buhay kasama na ang pamilya nya rito. 5 O'clock na sila umalis ng kanilang bahay para pumunta sa Sarmiento Building, kung saan gaganapin ang Reunion.

Wednesday, July 27 - 7:13 PM

Halos kakaumpisa lang ng Party, at masayang kumakain ang lahat ng dumalo. Sina Dorianne, ay halos patapos nang kumain.

Remianne: Dorianne, tama na yan, madami ka ng nakain... sasakit nanaman ang tiyan mo sige ka.
Dorianne: Kulang pa sa akin to ate Rem, at tsaka wala naman dito si Mommy... walang magsasaway sa akin, kaya't kakain ako ng kakain *munch**munch**munch* (sagot ni Dorianne na puno ang bibig)
Mirianne: Hay nako, bahala ka. Pag sumakit tiyan mo, wag mo kaming aartihan ah?

Makalipas ng 30 minutes ay biglang sumakit ang tiyan ni Dorianne at nagpaalam sa kanyang mga kapatid na mag babanyo muna ito. Nang matapos ng mag CR, may napansin nagiisang lamesa si Doriaane malapit sa stock room kung saan nakalagay ang mga sobrang silya,lamesa Etc. Nilapitan nya ito at nakitang punong punong ng pagkain na puro matatamis tulad ng Chocolate at Cupcakes, pero may napansin syang kakaiba kasama ng mga pagkain, merong isang litrato ng isang babaeng nakahandusay at duguan. Natakot si Dorianne at naihagis ang litrato, pero kinuha nya parin ang lahat ng pagkain sa lamesang iyon. Pagbalik nya sa kinauupuan nila ay napansin ng kanyang mga kapatid ang mga dala nito.

Mirianne: Anu yang mga dala mo? Saan mo nakuha yan bakit parang puro alikabok naman yan?
Dorianne: Ahh.. eh.. bigay sa akin to nung.. nung Cook... nagtanong kase ako kung meron silang mga matatamis kaya eto binigay nila sa akin.
Remianne: Sigurado ka? Baka mamaya expired na yan. Ikaw talaga katakawan mo.
Dorianne: Basta,.... hindi expired to.. nakita ko kumain pa nga ung isa sa kanila nito eh.

Nagkatinginan nalang ang kanyang dalawang kapatid. Mayamaya pa ay nagsisimula ng matapos ang Party, at napagpasyahan na nila Remianne at Mirianne na umiwi na, pero napansin nilang mukang papikit na si Dorianne kaya't ginulat nila ito. "BOOO" sabi ni Remianne at Mirianne kay Dorianne. Ilang saglit pa ay umalis na ng Party ang magkakapatid para umuwi.

Wednesday, July 27 - 10:37 PM

Nang nakasakay na ang magkakapatid sa kanilang sasakyan ay napansin nilang nakatulog kaagad si Dorianne.
Remianne: Aba, mukang napagod sa kalalamon ah.
Mirianne: Oo nga oh, parang uminom lang ng alak eh.
Tinawan lng ng dalawa si Dorianne at hinayaang matulog habang papauwi ng kanilang bahay.


. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .


"Huh??".... gulat na reaksyon ni Dorianne, nagising sya sa lamesa kung saan sila kanina nakapwesto ng kanyang mga kapatid sa party. Nilibot nya ang kanyang paningin, at napansin nyang wala ng katao tao at medyo madilim ang paligid. Tinawag nya ang pangalan nila Remianne at Mirianne.

Dorianne: Ate Rem? Ate Mir? (sigaw ni Dorianne) Nasaan na kayo?

Tumakbo kaagad si Dorianne sa labasan, pero laking gulat nya na hindi ito mabuksan, tinulak na ito ng tinulak pero wala parin. Kinalampag nya ito ng kinalampag. "Hoy!!! buksan nyo to... may tao pa dito.. Hoyy!!!" sigaw ni Dorianne. "Tulong, naiwan ako dito... tulong... palabasin nyo ko!!! Ate Rem!!! Ate Mir!!!" maiyak iyak na sigaw ni Dorianne. Naglibot si Dorianne sa floor na iyon para maghanap ng lalabasan, pero wala syang makita. Nilibot nya ang buong first floor pero wala syang nakita kahit isang tao... takot na takot si Dorianne habang tumatakbo takbo sa gusali para maghanap ng lalabasan, wala pa naman syang dalang cellphone para matawagan ang kanyang mga kapatid para makahingi ng tulong.

Medyo madilim dilim ang paligid, pinatay na ang lahat ng ilaw ng gusali at nakakapagtakangwalang makitang bintana si Dorianne para makatawag ng tulong kahit man lang sa labas. Wala rin syang nakitang telepono. Napaupo nalang si Dorianne malapit sa CR, inisip nya kung bakit sya iiwan ng kanyang mga kapatid sa lugar na iyon, di nya malaman kung ano ang dahilan. Maya maya ay napansin ni Dorianne ang lamesa kung saan nya nakuha ang mga pagkain kanina, nilapitan nya ito at laking gulat nya na may bakas ng palad ng dugo. Napalayo bigla si Dorianne ng makita nya yon, habang takot na takot sa nakita.... bigla nalang syang may narinig... yabag ng paa ... at mukang sa CR nangangaling. Napakalakas ng yabag nito at mukang nakapaa dahil sa tunog ng balat at pag-apak sa sahig. Pinuntahan kaagad ni Dorianne ang CR sa pagaakalang may tao pa. Pumasok kaagad sya sa CR ng babae, "May tao pa bo dyan? tulong po.. di po ako makalabas dito sa Building." ang takot na takot na pagsabi ni Dorianne. Habang dahan dahan pumapasok sa CR.... nagulat nalang bigla so Dorianne ng makita ang Babaeng nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya malapit sa dulo ng CR. Sobrang payat nito at walang suot na damit, kulobot kulobot ang mga balat nito na parang matanda. Sa una di kaagad natakot si Dorianne sa babaeng nakahubad. Tinanong nya muna ito, "Ano po ginagawa nyo dito? bakit po kayo nakahubad? Alam nyo po ba kung saan ang labasan dito? Di po ako makalabas dito sa building", kinakabahang tanong ni Dorianne. Nakatitig lang ito ng masama kay Dorianne, hindi nito sinagot ang tanong nito. Dahang dahan umaatras si Dorianne papalabas ng CR...habang umaatras si Dorianne bigla nalang ngumanga ang bibig ng babaeng nakahubad... puro dugo ang nasa loob ng bibig nito, tumuro sa likuran nito Dorianne na parang takot na takot. Nagulat si Dorianne ng biglang may kumalabog sa kisame sa kanyang likuran.

Napalingon kaagad si Dorianne at nakita ang nanlalaking mata ng tao na nakatitig sa kanya, habang nakakapit ito patiwarik na parang butiki sa kisame. Sobrang puti ng buong katawan nito at nanlalaki ang mga mata. Natakot si Dorianne at tumakbo kaagad sa papalabas ng CR... habang tumatakbo ay lumingon sya sa kanyang likuran, mas lalo syang natakot ng makitang sinusundan na pala sya nito at hinahabol. Lalong binilisan ni Dorianne ang takbo habang sumisigaw ng tulong, mabilis ang takbo ng taong iyon, halos maubutan nya na si Dorianne. Dumeretso si Dorianne kaagad sa labasan, pero hindi nya parin ito mabuksan. "Tulong....!!!!! tulong...!!! tulong!!!!!" ..... sumisigaw na habang kinakalampag ang salamin ng labasan ng Building.... habang kinakalampag nya ito ay napalingon sya sa kanyang likuran, laking gulat nya nawala ito. Tinitigan nya ng mabuti ang madilim na parte ng hallway.... pero wala syang nakita. Napaupo nalang sa takot so Dorianne habang nakatingin sa madalim na Hallway. Maya maya ay halos mahimatay sya sa gulat ng makitang meron na palang naka sandal na ulo sa kanyang kanang balikat, dahan dahan nya itong tinitigan,.... isang babaeng mahabang buhok at punong puno ng dugo ang damit. Mas lalong nanlaki ang mata ni Dorianne ng tumingin ito sa kanya...... bigla nyang naalala ang picture na nakita nya kanina kasama ng mga pagkaing kinuha nya. Hindi na nakagalaw si Dorianne sa takot, at pabigla bigla ay dinukot ng duguang babae ang bibig ni Dorianne, Dinukot hanggang umabot ito sa lalamunan ... hanggang sa baga...... at hanggang sa sikmura, at biglang sinabing
"AKIN YAN!!!!".

Wednesday, July 27 - 11:12 PM

Nakauwi na sa bahay sina Remianne at Mirianne, lumabas ng sasakyan si Remianne..., palabas na sana si Mirianne ng maalala na tulog pa pala si Dorianne sa sa likuran ng kotse. Tinawag nya muna ito na gumising na dahil nakauwi na sila sa bahay. Nang hindi ito sumagot ay binuksan ni Mirianne ang pinto sa likuran ng kotse....ng buksan nya ito ay napaupo ito sa kanyang kinakakatayuan ng parang may nakitang multo, napansin ito ni Remianne at pinuntahan si Mirianne. "Bakit? anung nangyari.... gising na ba s---- huh? waaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!" takot na takot na sigaw ni Remianne sa nakita. Nakita nila si Dorianne na halos wala nang tyan, halos lumubog ang tiyan nito na parang putol ang kanyang katawan, nakabukas ang bibig nito at nakalabas ang dila ... at nangingitim ang gilid ng mga mata.


NEXT STOP . . . . . . . . . . . . . . "LUST"
 
Pwede itong story ng TRIP ni scary spice sa Shake Rattle and roll oh... although expected n mga mangyayari, galing ng story. hehe. Great job.
 
Back
Top Bottom