Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here to answer you

Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

How did your family resolve conflicts when you were growing up?
Do you approve or disapprove of that method? why?
what will you change or not change to resolve conflicts in your future family?
:dance::dance::dance::dance:
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

wud u allow ur partner to open ur text messages?
to know ur fb password at ng iba pang account? why? and why not?

yes,, wala akong paki haha
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

a girl is interested sa guy kaso tropa pala ng ex boyfrend nya.
Hindi ba talaga pwedeng maging kau? opinion nu about dis situation?:p
 
pag meron bf eh bawal
pag waley edi pwede
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

a girl is interested sa guy kaso tropa pala ng ex boyfrend nya.
Hindi ba talaga pwedeng maging kau? opinion nu about dis situation?:p

it depends :yes:

consideration is: (kunwari ako yung guy na interested siya)

1. kung interested ako sa kanya :lol: (obvious ba? :rofl: )
2. kung expressly or implied na ayaw ng kaibigan ko na mainvolve ako sa ex niya :approve:
3. kung mas matimbang ang pagkakaibigan namin :evillol:

cruel ba ko? :)

kung tunay tayo na magkaibigan
hinding hindi kita ipagpapalit sa babae

pero kung kasama ka sa mga talkshit-no-good-friends
I won't give a second about ditching you.

--case to case basis pa rin :lol:

-------------

sir montonbrian :salute:
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

SITUATION:
best friends kayo ni girl bago kayo naging magjowa.
nung hindi pa kayo, lahat naiikkwento mo sa kanya, lalo na tungkol sa mga babae na type mo, activities na ginagawa mo, etc.
ngayon na kayo na, kung may crush ka o type na ibang babae, ikkwento mo pa rin ba sa kanya o hindi na?
pati na yung mga ibang activities na ginagawa mo?bakit?

repost ko lang to wala pang sumagot.
How did your family resolve conflicts when you were growing up?
Do you approve or disapprove of that method? why?
what will you change or not change to resolve conflicts in your future family?
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

SITUATION:
best friends kayo ni girl bago kayo naging magjowa.
nung hindi pa kayo, lahat naiikkwento mo sa kanya, lalo na tungkol sa mga babae na type mo, activities na ginagawa mo, etc.
ngayon na kayo na, kung may crush ka o type na ibang babae, ikkwento mo pa rin ba sa kanya o hindi na?
pati na yung mga ibang activities na ginagawa mo?bakit?

repost ko lang to wala pang sumagot.
How did your family resolve conflicts when you were growing up?
Do you approve or disapprove of that method? why?
what will you change or not change to resolve conflicts in your future family?

it depends kung nagbago ang standing namin nung naging kami

if things are still the way they are

I believe na makkwento ko pa rin sa kanya.
though di naman ako ganun kakwento in the first place

it depends kung ano ang magiging reaksyon niya
ang magiging susunod na mga tagpo :rofl:

------------------

family issues?

pinag uusapan ng parents ko ng sila sila lang :)
they try not ipakita sa amin na nag aaway sila
pag meron tampuhan sadyang di lang sila nag uusap :lol:

I guess in a way it's good.
kasi they try not to affect us

iba kasi ang upbringing sa amin :lol:

pero I don't see anything wrong with that kind of dealing in conflict.

afterall, my parents are still together after all those trials. :thumbsup:
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

SITUATION:
best friends kayo ni girl bago kayo naging magjowa.
nung hindi pa kayo, lahat naiikkwento mo sa kanya, lalo na tungkol sa mga babae na type mo, activities na ginagawa mo, etc.
ngayon na kayo na, kung may crush ka o type na ibang babae, ikkwento mo pa rin ba sa kanya o hindi na?
pati na yung mga ibang activities na ginagawa mo?bakit?

repost ko lang to wala pang sumagot.
How did your family resolve conflicts when you were growing up?
Do you approve or disapprove of that method? why?
what will you change or not change to resolve conflicts in your future family?

ano ba naman tanong yan. syempre hndi ko na sasabihin sa kanya yun. baka magselos sya at maging reason pa yon ng break up namin. pero yung mga activities n ginagawa ko sasabihin ko parin sa kanya basta ba hindi makakasama sa rela

:happy:
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

a girl is interested sa guy kaso tropa pala ng ex boyfrend nya.
Hindi ba talaga pwedeng maging kau? opinion nu about dis situation?:p

ahmmMm.. Hindi..
May kwento ako medyo parang malapit sa ganyan storya pero malayo.. :P
Nyahaha.. :lol:
way back 2009 nagkaruon ako ng bestfriend sa work..
Chickboy siya as in super..
Alam muh yung malala babaero ika nga..
After a month may dumating na cute girl ojt siya sa customer service na assign..
Halos araw araw kong binabati at kabiruan..
Ganun din pala yung bestfriend ko..
Kaso iba ang style niya inaasar niya kaya naiinis sa kanya..
Fastforward.. :laugh:
nalaman namin may bf na siya dun din nagwwork pero ibang dept.
Bago lang tapos di maganda ugali nung guy..
Kaya nagbreak din agad..
Fastforward pa ulit..
Naging sila ng bestfriend ko..
Kaso babaero naman itong bestfriend ko..
Nung una di sila naghihiwalay pa kahit may iba yung bestfriend ko at pangalawa lang siya.. pero sakin ang takbo palagi ng girl..
Yun kino comfort ko pinagsasabihan pinapayuan para magising na sa katotohanan..
Mga may 2 mo.s sigurong ganun..
Hanggang parang nag iba na yung closeness namin para sa isat isa nung girl dahil kami na nga ang madalas magkasama..
Wala na sila ng bestfriend ko nung mga time na yun..
At nakikita din yun ng bestfriend ko..
Na kami ang madalas magkasama at nakkwento din sa kanya ng iba pag nakikita kami..
Alam niya ang lahat at masaya siya dahil alam niya na nasa mabuting kamay na si girl..
(nakalimutan ko yung exact word na ginamit niya pero parang ganun basta kampante siya at ako din ang gusto niya para dun dahil alam niyang di ko sasaktan si girl)
hanggang one time magkasama kami ng bestfriend ko sa boarding house niya nagkkwentuhan foodtrip nabanggit niya yung tungkol samin ni girl..
Nangangamusta siya..
Sabi ko okay naman kami..
Sabi ko okay na siya.. Sabay biro ko pa na ayun Medyo nahilot ko na sa mga sakit na dinulot muh sabay tawa..
Tapos nun para bang pinagbilin niya na sakin si girl na ako na daw ang bahala.. Blah blah blah..
Sabi ko hindi hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya..
Nandun na yung nararamdaman ko na nahuhuhulog ako sa kanya minsan..
"Pero nangingibabaw padin yung pagkakaibigan natin at respeto ko para sayo"..

SITUATION:
best friends kayo ni girl bago kayo naging magjowa.
nung hindi pa kayo, lahat naiikkwento mo sa kanya, lalo na tungkol sa mga babae na type mo, activities na ginagawa mo, etc.
ngayon na kayo na, kung may crush ka o type na ibang babae, ikkwento mo pa rin ba sa kanya o hindi na?
pati na yung mga ibang activities na ginagawa mo?bakit?

repost ko lang to wala pang sumagot.
How did your family resolve conflicts when you were growing up?
Do you approve or disapprove of that method? why?
what will you change or not change to resolve conflicts in your future family?
tahimik ako pero makwento akong tao.. Kapag willing kang makinig.. Madalas ko kinukwento ang mga activities ko.. Maging ang mga nakaraan.. Pero kung kaya ko lang pipigilan ko minsan kasi nagdudulot lang ng selos.. Lalo na pag tungkol sa babae ang makkwento ko at iba yung ngiti sa la bi at kinang sa mata ko..
-----
..........
hindi maganda ei..
Nakakatakot..
Pero babaguhin ko lahat para di magkaganun..
 
Last edited:
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

Bakit ako nagawang iwan ng bf ko , 4years na ang relasyon namin. Bakit hndi nya ako kayang panagutan o ipaglaban sa family nya at sa family ko. Bakit ang tanga nya?

ang tanging sagot lang nya sa lahat ng sinasabi at tinatanong ko ay "WALA AKONG LAKAS NG LOOB" ..

Dafaaak na buhay to , tss sarap nyang gulpihin .. halos 1yr ko na syang binigyan ng advice kung anong ggawin nya but still Wala siyang ginawa ..
Kaya eto ako ngayon , PAGOD ng MAHALIN siya ..

ito lang ang naging pinaka mabigat na problema namin tss nakakainis .. ang masakit pa ay my baby na kami .. tang na much ..

BAKIT GANON ANG GUNGGONG NA BF KO ??!:weep:
 
Is there anything about marriage that frightens you guys?:p
 
Mejo mabigat nga po yung dinanas nio,
Pero ang masasabi ko lang, gaya ng pagkakaroon ng mga taong likas na malakas ang loob at palaban sa buhay
mayroon ding mga taong mahina at takot sumubok. Mga tipo ng taong kulang sa kumpiyansa sa sarili at hindi sanay sa problema.
Sa tingin ko ay mahina ang loob ng boyfriend mo kaya hindi ka nia magawan maipag-laban sa pamilya nia.

Hindi nio po nabanggit kung siya ay may trabaho o umaasa lang sa magulang upang magkapera?
Malaking bagay kasi ang pagkakaroon ng trabaho upang ma-enforce ang pagiging tinatawag na "self-reliant" ng isang tao.
Kung siya'y kumikita ng sarili niang pera, hindi na nia kinakailangan pang umasa o mangailangan ng pag-sang ayon mula sa magulang
lalo na tungkol sa mga bagay ukol sa pakikipag-relasyon.

Nasabi mong humigit isang taon mong kinausap at pinayuhan ang BF mo ukol sa sitwasyon nio subalit walang nangyari,
Sa aking palagay, sapat na panahon na yun na binigyan siya ng chance upang makapag-isip..
Panahon na siguro upang bumukod kayo ng iyong anak, upang malaman niang seryoso ang kinakaharap nio at hindi sia maaring magsa-walang kibo na lamang.

Maging matatag ka sana miss Miro, hindi ka nagiisa sa ganyang mga kaso.
Marami akong mga naging kababata na ganun din ang nangyari, subalit nagawa nilang itaguyod ang anak nila
sa kanilang sariling pagsisikap.

Huwag ka sana mawalan ng pag-asa, naririyan ang pamilya mo upang sumuporta sau..
Maging matatag ka para sa iyong anak.

Sana nakatulong ung konting payo ko sayo.
narito lang kami upang makinig.. :)
 
tama po kayo. naliwanagan ang isip ko ..

wala po siyang trabaho , sa ilang buwan din na pagpilit ko sa kanya na humanap ng trabaho ay puro 00 lang sinabi nya sa akin .. puro no effort lang po ang pinag gagagawa niya .. npakabatugan nya ..

naaawa na nga lang po ako sa knya dhil gsto ko makasama nya anak nya ,, pero no effort pa din ..

naisip ko po na hiwalayan na siya dahil po napapagod at sawang sawa na ako sa sitwasyon namin ..
 
Hi maam Miro.
Hindi ko pa po alam yung sitwasyon mo na yan since wala pa din po akong asawa at anak. Kaya hindi ko din po alam kung worth it itong reply ko para basahin mo.

<!-- Hindi ko po sinasabi to dahil naiinis o nagagalit ako sa lalaking katulad ng asawa mo, nasabi ko to base na rin po sa post mo.. Logical po ito at walang halong emosyon -->

Para po sa isang lalaking may asawa at anak na, pero ayaw magtrabaho eh hindi na po normal na gawain ng isang matinong lalaki yan.
Meron na po syang mas mabigat ma resposibilidad dahil nanjan na nga kayo ng anak mo pero hindi parin sya kumikilos.

Isa po syang iresponsableng lalaki at hindi po sya karapat-dapat para sayo. Ganun pa man may anak na po kayo at kayo nalng din ang makakaayos nyan.

kayang kaya nyo po yan maam. magpakatatag po ikaw para sa anak mo at syempre wag po tayo makalimot tumawag kay lord.
 
tama ka po .. hndi ako magagalit sayo .. dahil bukas na bukas na yung pag iisip ko simula ng nangyari na wala na siyang effort para sa amin .. para akong pinalo ng baseball bat .. na kung bakit nangyari pa ito sa akin .. hhay

ang importante na lang po sa akin ngayon ay si bby ko :)

salamat sayo at kay @heartlessangel
 
Salamat naman at mejo nakapag-bahagi din ako ng matinong sagot :lol:
Lakasan mo ung loob mo Ms. Miro.. kaya mo yan
Just pray to God for guidance, alam ko malalampasan mo tong pagsubok na ito :yes:
 
thnakyou again .. matino naman po hehehe :)
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

Bakit ako nagawang iwan ng bf ko , 4years na ang relasyon namin. Bakit hndi nya ako kayang panagutan o ipaglaban sa family nya at sa family ko. Bakit ang tanga nya?

ang tanging sagot lang nya sa lahat ng sinasabi at tinatanong ko ay "WALA AKONG LAKAS NG LOOB" ..

Dafaaak na buhay to , tss sarap nyang gulpihin .. halos 1yr ko na syang binigyan ng advice kung anong ggawin nya but still Wala siyang ginawa ..
Kaya eto ako ngayon , PAGOD ng MAHALIN siya ..

ito lang ang naging pinaka mabigat na problema namin tss nakakainis .. ang masakit pa ay my baby na kami .. tang na much ..

BAKIT GANON ANG GUNGGONG NA BF KO ??!:weep:

di siya proud sayo! or may iba siya
 
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

Bakit ako nagawang iwan ng bf ko , 4years na ang relasyon namin. Bakit hndi nya ako kayang panagutan o ipaglaban sa family nya at sa family ko. Bakit ang tanga nya?

ang tanging sagot lang nya sa lahat ng sinasabi at tinatanong ko ay "WALA AKONG LAKAS NG LOOB" ..
3583
Dafaaak na buhay to , tss sarap nyang gulpihin .. halos 1yr ko na syang binigyan ng advice kung anong ggawin nya but still Wala siyang ginawa ..
Kaya eto ako ngayon , PAGOD ng MAHALIN siya ..

ito lang ang naging pinaka mabigat na problema namin tss nakakainis .. ang masakit pa ay my baby na kami .. tang na much ..

BAKIT GANON ANG GUNGGONG NA BF KO ??!:weep:

Gusto ko sabihin na batugan nga yung boyfriend mo at duwag...:yes:

pero hindi namin ang alam ang circumstances niya...
probably malaki ang fault in his part, pero mahirap manisi ng tao ng di natin alam ang pinagdaraanan niya

that is, baka kasi meron siyang bagay na hindi niya masabi sayo kasi pakiramdam niya di mo siya uunawain

yup, Uunawain.. Personally, di ko alam paano mo maiaaddress ang ganitong problema.
kasi there's a chance na dahil sa mga circumstances na pinagdadaanan niya nawala yung confidence niya sa sarili
nawalan na siya ng gana sa sarili niya. at nawalan na siya ng drive abutin mga gusto niya. :yes:

have we ever considered that?

ang naiisip kong tanging way na naiisip ko para dahan dahan mo maaddress yan at malaman ang ugat ng problema niya
is Ibalik mo yung confidence niya na masabi sayo mga problema niya. You don't have to say anything at all
just be there to listen attentively. Let him have his solutions. and Let him know the circumstances and why is it hard for you.
and if he can provide those solutions right now, what can he do about your problems. you're a team after all and he is the captain.

this would take a while though, but I guess it is a good start.

gain his trust again, let him talk, then present your problems :approve:

He is stubborn, he is an idiot, because he is a guy :lol: (sorry guys :rofl: )

I hope this helps. Separating won't solve anything at all.

It's a last resort if worse comes to worse.. but try not to. for your baby.

there are still other ways ;)

Is there anything about marriage that frightens you guys?:p

Permanent and Mandatory Commitment :rofl:
 
Last edited:
Re: GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here

@miro1

pasagot nadin po sa problem nyo.. pero lahat ng ito ay opinion ko lamang .. :)

dko alam kung anong dahilan at tumagal kayo ng bf mo ng ganung katagal kung di ka naman nya kayang ipaglaban o panagutan ayaw ba sayo ng family nya o vice versa? para kasing nagsasawa na sya sa mga nangyayare sa buhay nya i mean na kasama ka parang gumagawa sya ng paraan para ikaw na mismo umayaw ..

di mo kelangan ng lalaking katulad nya wala ka mapapala sa kanya .. kung ayaw nya sayo kahit manlang sana sa anak nyo maging repsonsable sya .. di ba yan naka tapos ng HS para di makahanap ng trabaho?

kung ako sayo ngayun palang di nko aasa sa kanya kung di ka nya kayang panagutan o sustentuhan kayo nalang gumawa nun para sa iyo at sa inyong anak ..

ps: ganyan na ganyan utol ko swerte nya at yung anak nya tatay namin ang bumubuhay pero pakyu sya hahaha
 
Back
Top Bottom