^
malaki talagang contributing factor ang life experiences ng isang tao para mahubog ang kanyang psychological maturity.
yung mga challenges na kinakaharap ng isang tao sa kanyang buhay, the experiences that he/she acquires from that... yun yon.
and in addition, it is learned/gained through
time. hindi yan basta-basta na lang natututunan ng isang tao instantly.
ang pagiging mature ng isang tao psychologically, ano yan eh, basically parang it's knowing and understanding what's right & wrong.
and from that, syempre, maaapektuhan na n'un yung judgment or decision-making ability ng isang tao.
from doing stupid things without knowing the consequences, mas mag-o-opt na siya ngayon to choose wiser decisions in life. though ang pagiging
right o tama ng isang desisyon ng isang tao is still subjective pa rin eh... meaning depende sa kung ano sa tingin niya ang tama na depende din sa sitwasyong ginagalawan niya.
so to answer your question, yes... pero depende pa rin eh.
depende sa kung anong nangyayari sa kanya... sa buhay niya. at kung gaano kalalim ang impact ng experience na yun sa pagkatao niya. depende na rin yun kung dahil sa experience na nakuha niya, eh matututunan na niyang gawin ang sa tingin niyang tama.
grabe, kelangan mo yata ng isang psychological expert. masyadong broad ang topic na psychological maturity. hirap mag-explain