Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Globe Sim card sa bangketa. Weird experience.

chowching

Professional
Advanced Member
Messages
162
Reaction score
0
Points
26
Hi mga kasymb. Di ko sigurado kung san ipopost to pero dito na lang siguro sa telco and isp services.

Tanong ko lang kung may nakaexperience na nito.

Bumili ako ng globe simcard kanina sa bangketa.
Dun sa mga nagsisigaw sigaw ng sim card sim card.
Mukhang di mga agent talaga ng globe yung pinagbilhan.
Mukhang mga ale lang. So bumili ako ng sim sa halagang 30 pesos.

Medyo lukot lukot na yung papel na pambalot sa sim card saka yung inabot saking flyer. (see pics)
Pagbukas ko ineexpect ko yung usual na parang card tapos andun yung sim.
Pero ang meron lang ay part nalang nung card na yun.
Parang ginupit tapos ang tinira lang ay yung part na may number, yung sim, saka yung sa PIN at PUK. (see pics)
Tapos merong parang karton na strip may nakalagay na TM promo pang clash of clans.

Di ko na pinansin baka lang pulled out na sim na pinagana lang uli or what.
Nilagay ko sa cp ko na may dual sim. Mukhang okay naman.
Nagbalance inquiry ako. Dumating naman. Zero balance.

Pagkauwi ko sabi sakin ni gf may nagtext daw sa kanya.
Tiningnan ko yung number, yung number ay yung number nung bagong bili kong sim!

Eto ang message:

Your headset is used by another SIM card, position is:
MCC: 515; MNC:2; CELLID: (may number dito); LAC: (may number din dito)

Weird kasi wala namang load yung bagong sim card.
Probably system generated yung text.
Kaya siguro nagsend sa number ng gf ko kasi nasa phonebook siya nung isa ko pang sim.
Pero bakit nagtext ng ganun? Di ko sure kung nasendan din yung ibang nasa phonebook.

Ginoogle ko yung location na sinend tapos ang lumabas ay yung location nang pinagbilhan ko nung sim.

Weird lang.

May nakaranas na ba nito? Ano kaya to?

Thanks!
 

Attachments

  • 13334641_10205446160508196_1727043044_o.jpg
    13334641_10205446160508196_1727043044_o.jpg
    93.8 KB · Views: 47
  • 13388881_10205446160188188_643259352_o.jpg
    13388881_10205446160188188_643259352_o.jpg
    69.5 KB · Views: 53
  • 13396535_10205446160268190_1911619695_o.jpg
    13396535_10205446160268190_1911619695_o.jpg
    111 KB · Views: 37
  • 13396573_10205446160348192_1386133655_o.jpg
    13396573_10205446160348192_1386133655_o.jpg
    56.3 KB · Views: 26
try mo report sa globe office ts, baka may kababalaghan talagang nangyari.
 
Di ko nalang gagamitin yung sim. Mamaya cloned nga tapos nangunguha ng info. Haha. Nakakapagtaka kasi parang nabuksan na yung sim. Hindi kumpleto yung card sa loob tapos ayon biglanh nagsend pa ng ganung text.
 
Try mo ulit lagyan ng ibang sim ung cp mo tol, ung hindi mo pa nagagamit jan. pag me nagtxt din ulit, me anti-theft cguro na nakaactivate sa cp mo (assuming na android cp mo) at ung number ng gf mo ang nakaregister na secondary number. Parang me app kasi akong nakita na ganyan, pwede ka magset ng number na iba para pag nanakaw cp mo at sinalangan ng ibang sim automatic maggegenerate ng sms at magttx sa naset mong number.
 
Last edited:
manguha pa ng info yan TS yari ka. Report mo na kay Globe haha.
sabihin mo Bugger yun nagbenta =D
 
Try mo ulit lagyan ng ibang sim ung cp mo tol, ung hindi mo pa nagagamit jan. pag me nagtxt din ulit, me anti-theft cguro na nakaactivate sa cp mo (assuming na android cp mo) at ung number ng gf mo ang nakaregister na secondary number. Parang me app kasi akong nakita na ganyan, pwede ka magset ng number na iba para pag nanakaw cp mo at sinalangan ng ibang sim automatic maggegenerate ng sms at magttx sa naset mong number.

Naisip ko din na pwede mangyari kung ganyan kaso naka basic phone lang ako. Yung sinalpakan ko ng bagong sim ay yung dual sim na 0+ na basic lang. Bali ang unang nakalagay na sim ay yung smart ko. Nakasave dun sa sim number ng gf ko.

- - - Updated - - -

manguha pa ng info yan TS yari ka. Report mo na kay Globe haha.
sabihin mo Bugger yun nagbenta =D

Kaya nga eh haha di ko nalang gagamitin baka may something eh.

- - - Updated - - -

Kaya medyo napaisip din ako kasi parang tampered na yung sim na binigay. See pics.
 
privacy protection yan o kaya theft alert . . auto send msg pg ng change ka ng sim. tulad ng sabi mo load mo is 0 which is usually 1 peso balance yan
 
ang nabili mo bro ay yun mga sim na ma eexpire na.. kaya baklas na kasi kailangan nilang isalpak sa cp para ma activate para di ma expire..
 
Back
Top Bottom