Hi Guys! New lang ako dito sa thread..
And totally walang wala akong alam sa guitar..
Gusto ko sana matuto.
Baka may ma su-suggest kayo sa kin na OPM music para ma pag practice-an
P.S. how much po ba yung guitara na for beginner lang? may binibigay kase yung kaibigan ko sa akin, di ko alam kung anong klaseng guitar siya hhaha pero tumutugtog naman siya hahah
Maraming OPM na magaganda at simple lang. Maraming kanta ang ereserheads, siakol, parokya ni edgar na simple lang at mostly key of G.
For example:
"Bakit ba", "Pare ko", "kisapmata"
pwede ring "torete"
pero kung gusto mo ng isang kanta na maring chords, "Hotel California" by eagles. Malake ang matutulong nya sau.
About naman sa gitara. wag kang bumili ng mumurahin lng na mahirap timplahin at laruin. atleast mag budget k ng 2k pataas. alalahanin mo na gagaling ka rin sa loob ng ilang buwan dipende sa practice m.
Mas madaling matutong mag gitara pag electric guitar ang gamit mo kasi manipis lng ung arm nya at mababa ang action/distance ng string sa fret board. mas marami ka ring magagawa dun.
Kung acoustic naman ang gusto mo, at least solid top pra maganda ang sound.
sa electric at acoustic: fret board ang isa sa importante. Kailangang straight ung fret nya at walng bakubako. hindi sya dapat nagbend or twisted. di rin dapat malaki ang gap ng string sa fret. pwede mo syang silipin at gamitin mo ung string na reference kung stright ba ung fret board.
Basa ka lng ng mga previous comments at marami kang mga tips dun.
- - - Updated - - -
nakabili na pla ako ng electric guitar na LTD Viper-10. second hand sya at nbili ko lng sa olx.ph.
Ang smooth ng laro ko sa kanya. maganda rin ung pick up at labas ng sound nya sa amp.
eto ang sample pic nya.
View attachment 252766
Boston 10 watts combo amp ang gamit ko. hindi magandang klaseng amp ito dahil marming issue pero na seset ko parin naman ng maayos kung anong klaseng tone ang gusto ko.
May buzzing lang sa lower E string sa fret 2-8 at fret 18-21. Mejo mali yata ng set up ko or adjustment sa bridge. siguro lagyan ko n lng ng papel pra tumaas ng konte.
naninibago rin ako kasi nasanay ako sa acoustic na malaki ang body at kulang ang fret.
All in all, enjoy na enjoy ako at masayang masaya sa bago kong gitara.