Una kasi is tignan mo yung build quality niya, maganda ba ang kahoy na ginamit? Maganda ba ang bracing ng bridge? Hindi ba umaangat ang bridge o umuumbok ang kahoy sa paligid ng bridge? Maganda ba ang fretboard? Ano ang feel ng fretboard? Hindi ba magaspang sa kamay? Maganda ba ang action? Mababa ba ang strings relative sa frets? Matibay kaya ang kahoy ng neck? Maganda ba ang joint niya sa body ng gitara kasi eto ang weak point ng guitar e. Smooth ba ang mga machine heads? Madali ba siyang itono? Hindi ba gastado? Hindi ba mahigpit kung itono? Yung headstock ba ay matibay? Quality ba yng nut at bridge niya? Sana hindi gawang plastic ang nut at ang bridge... And yung backside niya ba ay maayos at medyo makapal na kahoy?
Pagdating sa tunog naman ang tone ba niya ang hinahanap mong tone? Ako kasi gusto ko yung tone ng gitara ni John Mayer so yun ang basehan ko sa tone
eto importante: Naka intonate ba siya? Dito nagkakatalo ang mura sa mahal na gitara pero may mahahanap ka rin na mura na pwedeng i intonate
Bright sounding ba ang 1st 2nd and 3rd strings? Kung hindi tignan mo kung luma na ang strings ng nakakabit and pa try mo tunog niya kung bago ang strings
Then check mo yung overall feel ng gitara, hindi ba masakit sa daliri kung mag chords ka? Ok lang ba ang thickness ng neck sa iyo? Ok ba ang thickness ng body sa iyo? How about yung laki ng gitara komportable ka ba sa laki nito? Kailangan mo ba ay may access sa higher frets? baka gusto mo eh naka cut away and yung weight niya... ok lang ba sa iyo?