Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Guitar talk. . .

:think: brand new ba nila binebenta?

yap pero alam ko class A lang yun kasi bakit ganun ang price atsaka walang serial sa likod, anu ba pinagkaiba sa original compare to local pagdatig sa sound quality?
 
Ganito kasi yun.. una, hindi mo kailangan pag aralan ibang scale modes. phrygian,dorian,mixolydian etc...as far as i know, ginagamit lang yung ibang modes like mixolydian sa mga melodic, or groovy music,, or sa ibang progressive metal, tulad ng dream theater..
sa ionian scale pa lang solb na problema mo. ionian ang most popular at pinaka common na gamitin.

pangalawa, sa tanong mo kung papano makuwa ang exact scale ng isang chord progression. for ex.: ang chord pattern mo ay D-A-Bm-G. kung ano yung nasa unahang chord, yung ang tinatawag na key note. so u will play it in D major ionian.. basta kung ano yung nasa unahan, yun ang key ng bawat chord pattern.. bawat chords naman eh may mga pattern.. napakaraming chord pattern,, pero hindi pwede yung halimbawa ma-compose ka ng song or gagawa ka ng chord pattern,, di pwedeng ipag rumble mo sila dahil meron tayong flats & sharps notes. so dapat tama yung pattern. basta kung maplay ka ng scale, yung Key note lang titingnan mo which is nasa unahan. so dont mind the rest. kahit 8 bars pa ang chord pattern mo, yung nasa unahan parin ang Key note..

ngayon, kung ang Key note mo ay Minor Chords katulad ng tanong mo,, oo pwede sya sa pentanonic minor pero sobrang basic ng pentatonic..konting notes lang maibibigay nun,,
So ang pagbabasehan mo parin sa minor chords ay ionian mode.
PAANO malolocate yung Minor chords sa ionian mode?
una, bawat minor chords ay may kakambal yan na Major Chords sa ionian mode. Paano i-apply? bawat minor chords na key, itataas mo ang fret ng 3 beses. halimbawa sa Key Chord na Am, jump ka lang ng 3 times. Papatak yun sa C ionian mode.. then yun na.. pwede mo na i play ang Am. sa C ionian. its 100% accurate.

ADVANTAGE ng Mode scales esp. ionian:
- lahat ng notes makukuwa mo kahit flatted fifth & flatted third notes.
- dalawang KEY pattern ang magagawa mo, Major & minor 100% accurate. juz like hitting two birds in one stone
-mas madaling gumawa ng riffs in different styles..

:salute: sana nakatulong din sa iba :salute:

eh anu po ba purpose or gamit ng pentatonic scale?
 
:hat: mga sir .. any idea po kung magkano mgagastos ko sa bass ko. kasi po mataas po masyado ung string. sabi po sa akin parang nakatabingi po ata ung neck :help:

taga san kaba? dalhin mo sa luthier. ako galing ako kay mang max nag pa set up ako. change to heavier gauge string, action, intonation paayos ng floydrose etc. etc. 300 lang siningel sakin. kung sayo action lang baka 100 lang yan :rofl: pa check up mo na intonation, at action, buzz etc. mura lang yan dalhin mo kay mang max or sa mas malapit na luthier sayo
 
anu nga po pala pinagkaiba when it comes to sound quality of local Ibanez guitar compare to orig one. may nakita kasi ako dito sa amin na P5,790 lang yung price na Ibanez, 5 pick-ups, 5 way tone selector, 1 vol knob and tone, floyded sya

kung brand new yan sure yun class a at fake yan. audiophile ang ibanez. kahit yung mga gio ng ibanez wala kang mabibili na 6k brand new. napaka raming pinag kaiba ng fake sa original feel,specs ng hardware,tone,stability,. mag ipon kanalang for the real thing :) isa lang ang pinag kapareho ng class a at orig. YUNG ITSURA pero kung titignan mong maige hindi rin sila pareho na identical talaga sa itsura. sa unang tingen lang pero pag pinag masdan mo talaga. :slap:
 
input ko lang huh dun sa sinabi ni bryanmj22 (tinatamad ako mag type mukang mahaba haba to pero yung kaya lang ng sipag ko >__< )

una ang scale modes PATTERN lang yan to guide us when we are starting as time goes by wala kanang pakialam dyan mag sosolo ka ng hindi iniisip yang pattern na yan at kusa mo ng mailalabas.


ionian mode ay MAJOR SCALE the same lang sila ng major scale. and yung sinasabi mo na hindi full notes ang pentatonic? yup 5 notes lang sya wala yun dalawa so hindi nga full note. pero dun sa part na sinabi mong 2 or 3 octave lang sya >_< lahat ng scale may 5 NOTES POSITION NA KAYANG ICOVER ANG BUONG 24FRETS NG GITARA MO MULA 1ST STRING TO 6TH. so hindi sya 2 or 3 octave lang and ang A ionian ay hindi equal sa B dorian. pero ito pinaka common na hindi nila pag ka equal ang root ng A ionian ay A ang root ng B dorian ay B at ang A ionian ay major at angg B dorian ay minor. ang equal sa A ionian ay ay A major scale not B dorian. and ang aeolian ay equal sa minor scale. sa major scale dinerive yung modes.

maj.- major
min-min
A major scale = Amaj. , Bmin., C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim.

so ang modes jan sa A major scale
A IONIAN (same as major scale,major note),B DORIAN (minor note), C# PHYRIGIAN (minor note), D LYDIAN(major note), E MYXOLIDIAN (major note), F# AELION (same as minor scale), G LOCRIAN (diminished note)

ang pag kuha ng modes

ionian in A - Amaj. , Bmin., C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim.
dorian B- Bmin., C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim. , Amaj.
phyrigian C# - C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim. , Amaj., Bmin.
etc. etc. tignan mo pare pareho lang sila pero NAG IIBA SILA SA ROOT NOTE OR YUNG UNANG NOTANG PINAG SISIMULAN THEN THE SAME NA MGA SUMUNOD

and MAG KAIBA PO ANG SCALE SA MODES


Am, F, Dm, Bdim, E itong progression nato nasa A minor scale to or A aeolian pwde mo gamitan ng Aminor pentatonic etc. experiment nalang

para malaman kung ano yung major at minor ng notes. pag hanapin mo yung major ng minor. 3 frets papalusong. pag hahanapin mo yung minor ng major. mula major 3 frets pa atras

example C major ang minor nya ay Aminor
G major ang minor nya ay Eminor

bawat modes may iba ibang tunog/characteristic. gumagamit ang modes kung gusto mo palabasin yun. majOR scale/ionian modes - masaya minor scale/aeolian modes-malungkot phyrigian modes-mejo nakakatakot/egyptian etc etc.

sa isa pang tanong yup mostly kung ano yung nasa unahan yun ang root note.

"So ang pagbabasehan mo parin sa minor chords ay ionian mode." quote ko minor chords progression tunog malungkot yan so basehan mo AEOLIAN MODE OR MINOR SCALE kung ang minor progression pag babasehan mo ay yung ionian mode/or major scale sablay. malungkot yung progression tapos papasukan mo ng scale na masaya >__<

tama na siguro yan pagod na akong mag type at mag explain. pabayaan ko na yung iba :clap: para ma guide tayo sa tamang daan kasi lalo tayong malilito nyan kung yung pinag sasanayan natin ay may error. masasanay tayo sa error na akala natin tama. sana makatulong.
 
pasali po ako dito :D acoustic lang po ako :dance: kelangan po ba talaga malaman lahat ng scales? major lang alam ko e :D wahaha
 
yung AEOLIAN kasi eh pareho lang sa pentatonic minor, nadagdagan lang sya ng notes para pang sweeping at legato
 
Last edited:
yung AEOLIAN kasi eh pareho lang sa pentatonic minor, nadagdagan lang sya ng notes para pang sweeping at legato

NOPE. ang AELOIAN MODE AY PAREHO NG "MINOR SCALE". hindi PENTATONIC minor. iba ang minor scale sa pentatonic minor. ang minor scale 7 notes ang pentatonic minor scale 5 notes nabawasan ng dalawa yung minor scale.
 
****nagdownload ako ng mga backing tracks which is all in E minor,, i notice that some are not in E minor pentatonic scale but there root note is in E minor. do i apply or try the dorian, phrygian, lydian scale?



**** nagdownload din ako ng A minor backing track which is in Am-F-Dm-Bdim-E. di ba po applicable dito ang A minor pentatonic? kasi may nakapagsabi saken na pag nasa Am daw eh hahanapin ko daw yung iskala ng Am then pag nasa F na naman eh hahanapin ko na naman daw yung iskala ng F then Dm then Bdim then E. tama po ba yung sabi nya?

advice ko pagaralan mo lahat ng scales and modes. Hindi lahat ng minor keys ay makukuha sa minor scale. Gaya ng sabi mo na dimo makuha kahit pareho minor, why? Kasi dito pumapasok ang modes- may tamang scale sa isang particular na mode chords progression. Yan am, f, dm, bdim at e mo pasok em penta dyan at sa lahat ng meron minor progressions like dorian, phrygian, aeolian at mga minor exotic scales. Malalaman mo kung minor sa kanyang 3rd degree note- pag flat or sharp minor yan at pag natural note major yan. Siguro naman alam mo na kunin yan mga scales sa major scales para malaman mo kung flat or sharp ang 3rd note ng ginagamit mong scale.
 
advice ko pagaralan mo lahat ng scales and modes. Hindi lahat ng minor keys ay makukuha sa minor scale. Gaya ng sabi mo na dimo makuha kahit pareho minor, why? Kasi dito pumapasok ang modes- may tamang scale sa isang particular na mode chords progression. Yan am, f, dm, bdim at e mo pasok em penta dyan at sa lahat ng meron minor progressions like dorian, phrygian, aeolian at mga minor exotic scales. Malalaman mo kung minor sa kanyang 3rd degree note- pag flat or sharp minor yan at pag natural note major yan. Siguro naman alam mo na kunin yan mga scales sa major scales para malaman mo kung flat or sharp ang 3rd note ng ginagamit mong scale.



A B C# D E F# G# A



so ang Ionian ay major scale because don't have flat/sharp

and these are the minor modes of SCALES or ------- >>>> anu ba talaga tawag yung mga nasa ibaba?


dorian - minor kasi may dalawang Flat or sharp
phrygian - minor may apat na flat or sharp
Aeolian - minor may talong flat or sharp
Lydian - minor may tatlong flat or sharp
Myxolidian - minor may isang flat or sharp
Locrian - minor may limang flat or sharp

tama po ba?
 
Last edited:
mga tol pasali dito, mahilig din ako mag guitara, gusto kung pinapractice mga adlib.
 
A B C# D E F# G# A



so ang Ionian ay major scale because don't have flat/sharp

and these are the minor modes of SCALES or ------- >>>> anu ba talaga tawag yung mga nasa ibaba?


dorian - minor kasi may dalawang Flat or sharp
phrygian - minor may apat na flat or sharp
Aeolian - minor may talong flat or sharp
Lydian - minor may tatlong flat or sharp
Myxolidian - minor may isang flat or sharp
Locrian - minor may limang flat or sharp

tama po ba?

actually kahit ung 3rd degree note lang or ung pangtatlong note ng scale tingnan mo sir kung flat or natural. Ionian=A,B,C# puro whole note yan pati 3rd degree note(C#)=major, Dorian=A,B,C=minor kasi flat 3rd, Phrygian=A,Bb,C=minor, Lydian=A,B,C#=maj, Mixolydian=A,B,C#=maj, Aeolian=A,B,C=min, Locrian=A,Bb,C=minor. Sana makuha mo to. Goodluck..
 
Kamusta kau, pa post lng
major scales m0des
scale 1 2 3 4 5 6 7 8

ionian 1 2 3 4 5 6 7
dorian 1 2 b3 4 5 6 b7
phrygian 1b2 b3 4 5 b6 b7
lydian 1 2 3 #4 5 6 7
mixoly.. 1 2 3 4 5 6 b7
aeolian 1 2 b3 4 5 b6 b7
locrian 1 b2 b3 4 b5 b6 b7

pansinin nyo lahat ng min0r scale naka flat 3 or b3...jan plng malalaman mu na na min0r scale sya..tsaka naka b7 din sya..maliban sa mixolydian scale na major pero me b7..
 
OT
sino po may alam ng email ni bossingboss ng philmusic down po kasi
 
Back
Top Bottom