Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gusto ko na makipag hiwalay SA gf ko

Bikoh

The Devotee
Advanced Member
Messages
396
Reaction score
4
Points
28
Hindi ko alam Kung Tama Ang gagawin ko. Sarili ko yata ang iniisip ko ngayon.

Kumikita po ako Ng 1500/week cashier po ako
Pero Hindi na iintindihan Ng gf ko Kasi lage Siya humihingi pa saken Ng Pera wala po ako magawa masakit po SA akin na wala po ako maibigay.

Nag pakabit po ako Ng pldt 25mpbs SA kanila para po Pisowifi or hotspot na Lang Ang ilalagay ko. Nag palagay po ako para may pag kakitaan po siya at may net sila . Pero mas inuna niya ang brace niya 2k/monthly .wala pa po ako puhunan SA pisowifi kasi iniipon ko pa 1 month sahod ko kasya na siguro
Mula noong lockdown po ay wala work Ang gf ko . Sabe niya wala po Siya maaplyan. Yun Pala inaantay niya Lang Ang Sched Ng brace niya. Maganda po Siya as tingin ko dapat SA ibang lalake Siya mapunta Hindi ko na po Kaya. Wala na po ako maibibigay. Nasa proseso pa Lang po ako Ng pag iipon . Ang Alan ko Ang relasyon ay pag tutulungan Ng mag partner. Nag bibigayan. Hindi yun Ang narardaman ko. Gusto ko magawa Ang lahat Ng gusto ko. 5 yrs na Kami. Hindi ko na nakikita na mag asawa Kami

Marami akong Plano SA buhay gusto ko pa Matuto Ng maraming bagay.




I
 
kung mahal ka ng GF mo maiintindihan nya ang sitwasyon nyo ngayon at yung mga pangarap at plano mo sa buhay. Pagisipan mong magaling dahil mas unahin mo yung sa kinabukasan nyo kaysa sa pang materyal na bagay... nasayo pa din ang desisyon
 
Magusap kayo ng maayos, magkaiba ang priorities (Your prio - Business at makapagipon; Her prio - Braces/ gastos) ninyo sa buhay ngayon.

Not unless sa paguusap ninyo magbabago ang isip niya. You have been with her for 5 years and with those years ikaw lang ang makapagbago sa desisyon at prio niya sa buhay.

After ng paguusap ninyo, if you able to convince her, good for you, but if not, well sad to say, it will be up to you now. Good luck!
 
Hindi ko alam Kung Tama Ang gagawin ko. Sarili ko yata ang iniisip ko ngayon.

Kumikita po ako Ng 1500/week cashier po ako
Pero Hindi na iintindihan Ng gf ko Kasi lage Siya humihingi pa saken Ng Pera wala po ako magawa masakit po SA akin na wala po ako maibigay.

Nag pakabit po ako Ng pldt 25mpbs SA kanila para po Pisowifi or hotspot na Lang Ang ilalagay ko. Nag palagay po ako para may pag kakitaan po siya at may net sila . Pero mas inuna niya ang brace niya 2k/monthly .wala pa po ako puhunan SA pisowifi kasi iniipon ko pa 1 month sahod ko kasya na siguro
Mula noong lockdown po ay wala work Ang gf ko . Sabe niya wala po Siya maaplyan. Yun Pala inaantay niya Lang Ang Sched Ng brace niya. Maganda po Siya as tingin ko dapat SA ibang lalake Siya mapunta Hindi ko na po Kaya. Wala na po ako maibibigay. Nasa proseso pa Lang po ako Ng pag iipon . Ang Alan ko Ang relasyon ay pag tutulungan Ng mag partner. Nag bibigayan. Hindi yun Ang narardaman ko. Gusto ko magawa Ang lahat Ng gusto ko. 5 yrs na Kami. Hindi ko na nakikita na mag asawa Kami

Marami akong Plano SA buhay gusto ko pa Matuto Ng maraming bagay.

1. "Hindi ko na po kaya. Wala na po ako maibigay."
2. "Ang alam ko ang relasyon ay pag-tutulungan ng mag-partner, nag-bibigayan. Hindi yun ang nararamdaman ko."
3. "Gusto ko magawa ang lahat ng gusto ko."
4. "Hindi ko na nakikita na mag-asawa kami."

Valid naman reason(s) mo at never magiging mali ang isipin/unahin ang sarili mo. Pero gaya ng suggestion(s) ng iba, pag-usapan nyo na muna. Mag-usap kayong dalawa ng masinsinan tungkol dyan. Sabihin mo sa girlfriend mo yang nararamdaman mo, lahat. Ipaliwanag mo sa kanya ng husto. Saka mo i-assess kung ano magiging reaction niya o kung paano at ano ang mga isasagot niya sa usapan nyo. 5 years na din pala kayo, malamang sa malamang kilalang-kilala mo na girlfriend mo syempre. Saka ka na lang mag-decide kung ano ba dapat ang sa tingin mo ay tamang gawin after nyo mag-usap na dalawa.

Side note:

Okay yang wifi hotspot / pisowifi ngayon lalo na kapag madami-daming tao sa area mo. Gandahan mo lang set-up yung malawak yung maaabot na signal. In demand na in demand ngayon yan. Yan din balak ko kung madami lang tao dito sa area namin eh. Hehehe.

Anyways, goodluck sa inyo ng girlfriend mo, sir!
 
Makipaghiwalay ka pero maayos lang po. Sabihin mo ang reason po na bakit gusto mo makipaghiwalay kung sakali hinde mo na kaya as in. Pero kung kaya mo pa, sige, magstay ka.

Hinde lang kayo destine to be together sakali nagseparate po kayo

Always remember, IN A SELFISH WORLD, ONLY THE SELFISH SUCCEED---lahat ng tao ay ang INUUNA ay ang SARILI po diba? Girlfriend mo ganun. Ikaw din po. Ako din po. Anyway lahat po.

Wala tao SELFLESS. Hinde po siya nag eexist. Kung inuna ang brace niya, siguro importante po sa kanya yun. She has its own reason diba po? Siguro pinagbubully po siya o whatever. Nang balak mo makipaghiwalay, inintindi mo din ang sarili mo dahil nga nahihirapan ka na magbigay na magbigay ng pera po.

Sa tingin ko di kayo click. Bagay sa kanya ang lalake na mayaman na tipo hinde nauubusan ng pera po at tipo na lalake na mahilig magbigay ng pera at masyado generous sa kakabigay ng pera at sa iyo, bagay sayo ang babae na MISS independent na tipo hinde umaasa sa pera ng lalake po, tipo meron sarili pera, sarili lahat---for me lang po yun.

Parang di kayo kase bagay as in po. Yup, MISS independent katulad sa movie ng CHARLES ANGELS na babae mayayaman, may sarili pera at strong personality po ang bagay sayo.

I have a feeling na aasenso ka sa ganun type of gf, wala ka na iintindihin magbigay ng money po. Sarili mo ang iintindihin hanggang magkapera ka o posible na magkapera ka. Yun lang po.

PS

Ang selfless lang pala is mag alaga ng pet po. Pet is selfless and unconditional love like cat o dog.
 
Last edited:
Kakaawa ka kung hanggang ngayon nakagapos ka pa rin sa kanya
Parang Greta lang yan, matapos pagsawaan si Tonyo
At wala ng maibigay, ayon ke mang sugarol na nakisakay
Ganyan din mangyayari sayo sa kinalaunan
Pag di ka pa kumawala sa kapahamakan
Mag isip ng tunay kung si GF nga ay pinapakita na ang totoong kulay
Pagkat ang totoong pagsasama ay di dapat nakakasama
Bagkus naka angkla ito sa respeto at unawa
Kung di mo sya ma gets, habang maaga wag ng magpa pets
Baka nga ikaw ay hayop na pinaglalaruan
Nagpapakita lang ito ng kanyang tunay na tinuran.
 
Kung sakaling magkatuluyan kayo TS hindi lang brace yan, may parebond, manicure, pedicure at out of town to Bora pa yan for sure. Let go mo na. At tama ka, sa partnership there should be respect at pagtutulungan. Don't expect that you will have that pag nasa iisang bubong na kayo. It will only get worst. Goodluck TS. God bless.
 
Hindi ko alam Kung Tama Ang gagawin ko. Sarili ko yata ang iniisip ko ngayon.

Kumikita po ako Ng 1500/week cashier po ako
Pero Hindi na iintindihan Ng gf ko Kasi lage Siya humihingi pa saken Ng Pera wala po ako magawa masakit po SA akin na wala po ako maibigay.

Nag pakabit po ako Ng pldt 25mpbs SA kanila para po Pisowifi or hotspot na Lang Ang ilalagay ko. Nag palagay po ako para may pag kakitaan po siya at may net sila . Pero mas inuna niya ang brace niya 2k/monthly .wala pa po ako puhunan SA pisowifi kasi iniipon ko pa 1 month sahod ko kasya na siguro
Mula noong lockdown po ay wala work Ang gf ko . Sabe niya wala po Siya maaplyan. Yun Pala inaantay niya Lang Ang Sched Ng brace niya. Maganda po Siya as tingin ko dapat SA ibang lalake Siya mapunta Hindi ko na po Kaya. Wala na po ako maibibigay. Nasa proseso pa Lang po ako Ng pag iipon . Ang Alan ko Ang relasyon ay pag tutulungan Ng mag partner. Nag bibigayan. Hindi yun Ang narardaman ko. Gusto ko magawa Ang lahat Ng gusto ko. 5 yrs na Kami. Hindi ko na nakikita na mag asawa Kami

Marami akong Plano SA buhay gusto ko pa Matuto Ng maraming bagay.

You said your relationship is 5 years old. Was she like this before? Was she like this when she was still working? How old is your gf if you don't mind? It seems that both of you have different priorities in life. Perhaps, she's thinking that your job is stable and you must have saved a lot of money. Since your relationship is already 5 years old then I think it should be easy to talk to her about your concern. Listen to what she has to say first and tell her why her behavior is bothering you and why it isn't in sync with your future plans then go from there.
 
Magusap kayo ng maayos, magkaiba ang priorities (Your prio - Business at makapagipon; Her prio - Braces/ gastos) ninyo sa buhay ngayon.

Not unless sa paguusap ninyo magbabago ang isip niya. You have been with her for 5 years and with those years ikaw lang ang makapagbago sa desisyon at prio niya sa buhay.

After ng paguusap ninyo, if you able to convince her, good for you, but if not, well sad to say, it will be up to you now. Good luck!

para sa akin sureball nato sinabi ni sir.. wala nako sasabihin pa pero keep safe and god will always with us!
 
You said your relationship is 5 years old. Was she like this before? Was she like this when she was still working? How old is your gf if you don't mind? It seems that both of you have different priorities in life. Perhaps, she's thinking that your job is stable and you must have saved a lot of money. Since your relationship is already 5 years old then I think it should be easy to talk to her about your concern. Listen to what she has to say first and tell her why her behavior is bothering you and why it isn't in sync with your future plans then go from there.

23 Siya 25 ako,
Una pa lang naman ganun na Siya kahit may Trabaho Siya mas malake Ang sahod niya nababawasan pa din Pera ko.
Yung nanay Niya walang Trabaho lage niya binigyan Ng Pera
 
sa madaling salita. IWAN MO NA SYA TOL.
hindi sya bagay sayo. hindi nya naiintindihan ang sitwasyon mo. alam naman nya na hindi ka mayaman . puro luho pa nya iniisip nya. SELFISH sya tol., mag isip isip ka din pre.
 
23 Siya 25 ako,
Una pa lang naman ganun na Siya kahit may Trabaho Siya mas malake Ang sahod niya nababawasan pa din Pera ko.
Yung nanay Niya walang Trabaho lage niya binigyan Ng Pera

If that’s the case, I’d suggest you talk to her first. I think she is maluho. I think you can call her attention about it if you haven’t done so in the past 5 years. It’s normal for her to give money to her mom since her mom don’t have work.
 
23 Siya 25 ako,
Una pa lang naman ganun na Siya kahit may Trabaho Siya mas malake Ang sahod niya nababawasan pa din Pera ko.
Yung nanay Niya walang Trabaho lage niya binigyan Ng Pera

Nagusap na ba kayo? Base sa sinabi mo, sa una pa lang na maluho na siya but, look, you cannot change a person not unless you convince her to change her prioties. Kako ko nga magusap kayo ng maayos, along the way of your sincere conversation to her, youll be the judge.
 
23 Siya 25 ako,
Una pa lang naman ganun na Siya kahit may Trabaho Siya mas malake Ang sahod niya nababawasan pa din Pera ko.
Yung nanay Niya walang Trabaho lage niya binigyan Ng Pera

Ahhhhhhhhhhhhhh.

Okay po.

Dalawa option lang po ang pipiliin mo po.

1.) Baguhin mo ang sarili mo sa kanya katulad ng magpayaman sa kanya at gawin mo ang lahat-lahat para sa kanya (which is wala tao ata ganun po)---Ganyan po kase nangyari sa akin noon na meron ako ex boyfriend na panay hingi ng hingi ng pera po sa akin. Wala nga po ako maibigay na andoon sa punto na nagnanakaw na ako ng pera para sa isa lalake. Not literally nakaw. Tipo kupit-kupit lang ng pera sa wallet ng parents ko (wrong way---wrong way po siya----iniisip ko po kase LOVE CONQUERS EVERYTHING which I believe hinde rin ata po nag eexist dahil failed ang result po on my experience po----so nag cool off kami dalawa at hinde po kami nagkikita para magkapera ako at naisip ko po na mag ipon ng marami pera po at magpayaman kung baga I want to change myself po para sa kanya po pero failed po dahil pagkabalik ko po, meron na po siya boyfriend na kaya ibigay po ang lahat)----lesson learned ko na po siya----so what I mean po is you can change yourself para sa kanya

...or

2.) Siya ang kinakailangan mag change or mag adjust sayo. You have to stay kung ano at kung sino ka po dahil kailangan niya mahalin kung ano ka po talaga. Wala pera o meron pera po.

Kung saan ka masaya, doon ka po pero yung #1 option ay hinde po siya bad. Nagkataon po kase na hinde po siya nagwork out sa akin. Yung iba po, yup, nagwowork out po siya kaya nagkakatuluyan po sila at happily married po.

Yung iba teleserye, love drama, ganun po---happily married po dahil they changed themselves dahil mahal po nila ang tao. I have seen it in my own eyes so its not bad.

Pili ka kung saan ang gusto mo at kung ano healthy sayo po or saan destine ka tutungo. Doon ka po.

Huwag ka ma fefeel guilty kapag inuna mo ang sarili mo po. Huwag na huwag na huwag po. Ganyan din po ako dati pero I have created 10 rules, dalawa 5 rules on how to survive on earth---emotionally, physically and spiritually po---hinde na po ako feel guilty kapag iniintindi ko ang sarili ko.

Nasa 8th rules ko po ang IN A SELFISH WORLD, ONLY THE SELFISH SUCCEED.

Yung pagiging SELFLESS is rare po siya.

Selfish ka man dahil inuna mo ang sarili mo, at least meron ka naman pangarap na magkapera po at kung ano man ang destined path ka idinala dahil choice mo intindihin ang sarili mo diba po. So its not bad. Don't feel so guilty. Sabihin mo na lang po na its good. Its extremely good.

P.S.

Pansin ko po maka extremely traditional gender role ang babae po na yun. E kase sabi mo po, malaki po ang sahod niya, humihingi pa rin po siya ng pera sayo. I have met other women na ganun ang mentality po nila. Trust me po. Ke malaki pera nila po, ke wala pera po, ke average ang pera po nila as long as lalake po, lalake po ang nagbibigay ng pera po as in. Lalake e. Lalake po.

Kahit po ako, I grew up in a traditional and conservative family po, they always taught me, lalake ang provider at always taga bigay ng pera po so kahit malaki ang pera ko o kahit kaya ko naman po tumayo ng sarili ko po paa at dahil sa babae po ako, lalake at lalake pa rin po ang magbibigay ng pera sa babae po.

Diba? Kapag ang pera is malaki ang sahod ng babae po, literally speaking, she does not ask money to a guy na po. Lalo na kung maliit ang pera ng lalake po pero meron babae po na lumaki sa pagkamulat nito galing teaching about stereotype traditional gender role--o tipo ganun ang ipinamotivate o ipinalaki sa kanya, iisipin niya po talaga na kahit ano po mangyari, magbigay ka pa rin ng pera po.

Anyway, I never listened sa mga ganun po, kaya nga ako ang nagsusumikap magkaroon ng sarili pera po dahil ayaw na ayaw ko po umasa sa pera ng lalake po.

I hate stereotype lalo na yung mga traditional gender-gender role na po yan.

 
Last edited:
To each, his own.

If you feel that way, it means something to you.

If so, you should try talking out what should things be for the 2 of you.


From how you explained pa lang eh lumalabas na
mas mahalaga pa na ikaw ang magsakripisyo para sa kanya lamang
kaysa sya ang magsakripisyo para sa inyo.

From what it looks sa akin, na kahit hindi ganun kalakihan ang kinikita mo sa panahon na ito
may pangarap at mga paraan ka para mapunan yun, which in turn makakatulong rin sa inyo.

pero ang nangyayari ay either di nya alam ang plano mo
or mas mahalaga ang braces mo kaysa sa plano mo para sa inyo.

I won't suggest to soon na hiwalayan mo sya.

pero kung hindi nya maiset ng maayos ang priority nya ngayong panahon
na naghihikahos lahat tayo para kumita nang may makain at mabayaran ng maayos
mga bayarin natin,

then It's common sense na mas mabuti na isipin mo sarili mo muna.

if hindi nya maintindihan yun, siguro nga ay hindi sapat ang pagmamahal nya para sa iyo.
dahil kung mahal ka nya, dapat tinitimbang nya ang kahalagahan ng priorities niyo para sa inyong 2.

Aanhin mo ang braces kung wala ka makain, wala ka mapambayad sa tinitirhan at bills mo.

Paano na lang kung mag asawa na kayo, at ganyan na naman ang conflict.

ang mahirap pa naman sa panahon ngayon, di mo alam kung hanggang kailan ka may trabaho
o kung sino ang makakahawa sayo.
 
Last edited:
Kausapin mo sya at wag itago ang totoong kalagayan mo. kung mahal ka nya dapat maintindihan ka nya. pero kung paulit ulit lng at patuloy parin sya sa gusto nya at sa tingin mo ay nahihirapan ka na siguro focus ka muna sa sarili mo. :pray:
 
To each, his own.

If you feel that way, it means something to you.

If so, you should try talking out what should things be for the 2 of you.


From how you explained pa lang eh lumalabas na
mas mahalaga pa na ikaw ang magsakripisyo para sa kanya lamang
kaysa sya ang magsakripisyo para sa inyo.

From what it looks sa akin, na kahit hindi ganun kalakihan ang kinikita mo sa panahon na ito
may pangarap at mga paraan ka para mapunan yun, which in turn makakatulong rin sa inyo.

pero ang nangyayari ay either di nya alam ang plano mo
or mas mahalaga ang braces mo kaysa sa plano mo para sa inyo.

I won't suggest to soon na hiwalayan mo sya.

pero kung hindi nya maiset ng maayos ang priority nya ngayong panahon
na naghihikahos lahat tayo para kumita nang may makain at mabayaran ng maayos
mga bayarin natin,

then It's common sense na mas mabuti na isipin mo sarili mo muna.

if hindi nya maintindihan yun, siguro nga ay hindi sapat ang pagmamahal nya para sa iyo.
dahil kung mahal ka nya, dapat tinitimbang nya ang kahalagahan ng priorities niyo para sa inyong 2.

Aanhin mo ang braces kung wala ka makain, wala ka mapambayad sa tinitirhan at bills mo.

Paano na lang kung mag asawa na kayo, at ganyan na naman ang conflict.

ang mahirap pa naman sa panahon ngayon, di mo alam kung hanggang kailan ka may trabaho
o kung sino ang makakahawa sayo.

sinabe ko na po sa kanyan iyan habang walang gamot sa covid gastusin mo ang pera mo sa tama.
gastusin sa dapat. mabuti sana kung may work siya eh wala naman.

hindi naman mahirap gawin yon e,

ipapakita ko sa kanya na mag tatagumpay ako, hindi sa dahilan na gusto ko may patunayan sa kanya
gusto ko rin mag tagumpay tulad ng iba, alam ko lang sa sarili ko na kaya ko at magagawa ko.
 
igive up mu na kung sa tingin mu hindi na healthy, ayusin mu muna sarili mu sir mahirap magnegosyo ng may humahatak sau pababa, ituloy mu mga pangarap mu kung sa tingin mu hadlang sya sa pag asenso mu iwan mu na, mas makakabuting wala kang iisiping iba kundi negosyo mu, mas mahirap yan kung umabot pang maging mag asawa kayo, mukang materyalistik ang gf mu, mukang di kayo makaka ipon pag tumagal pa relasyon nyo. move on follow your dreams, love can wait and will come in god's time..
 
Gaya ng sabi ng iba, pag usapan niyo paps. Ang pagiging open ang pinakamaganda sa relasyon. Kung hindi mo na kaya ibigay mga gusto niya sabihin mo para malaman niya. At turuan mo ano dapat unahin, mga priorities lalo na at may crisis tayo now kelengan mag tipid. Bata pa kayo alam ko sa age na yan dami mga gusto gadgets, sa babae cosmetics and kung ano2 pa. Same sila age ng GF ko 23 siya ako naman 27. basta open kami sa isat isa. either negative or positive pag.usapan namin. Goodluck paps!
 
Back
Top Bottom