Subscribe
Last edited:
Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
Ok. Parang konti lang ata ang mga interesado. Lima lang ata katao. Pag bigyan mo lang ito ng konting panahon sigurado di ka magsisisi.
Tandaan lang at parati ko itong inuulit, huwag lang masyado maging adik sa pera dahil hindi naman pera ang magpapatakbo ng buhay mo. Kung marunong ka na sa FOREX wag mo kalimutan kumain o kaya gawin yong nakasanayan mo gaya ng mga gawaing bahay.
Ang problema kasi especially sa mga baguhan, nagiging adik sa FOREX tapos nakakalimutan ng kumain, pati GF, at minsan nagkukulong na sa bahay parang ermitanyo. Huwag ganyan. Yong buhay natin di dapat maging sunod sunuran ng FOREX. Dapat ikaw pa rin ang may kontrol. Minsan may kaibigan akong naturuan kaya lang naging adik sa FOREX di na lumalabas ng bahay, ayon sa Mental Hospital ang bagsak, nalimutan ng kumain. Ayon na guilty pa tuloy ako dahil tinuruan ko.
BASICS muna sa FOREX mga terminolohiyang ginagamit para pag nagpunta tayo sa FOREX site di na tayo magtataka sa mga makikita natin at pag nakipag chat tayo ng ibang mga traders di tayo pagtatawanan dahil nga wala tayong alam sa terminolohiya: (Tiyagain mo lang ito memoryahin o i familiarize)
Currency Pairs - Ibig sabihin dalawang pares ng kurensiya na ginagamit sa FX trading. Halimbawa, EUR/USD (Euro Dollar), USD/JPY (Dollar Yen), USD/CHF (Dollar Swissy), GBP/USD (Pound Dollar), AUD/USD (Aussie Dollar), etc. Pagtinanong ka anong currency pair ka nag investt dapat alam mo agad ang sagot. Pili ka na lang dun sa mga halimbawa kung anong currency pair ang gusto mo laruin o pustahan.
Note: Lahat ng pares na may USD (American Dollars) na sikat na nasa taas, ang tawag dyan ay 'Major Pairs'. Ito halos ang makikita mo sa mga FX trading sites. Wala pa akong nakita doon na may PHP/USD. Sa mga exchanges lang ata. Hehe...
Cross Currency Pairs - Ito ay currency pair na hindi naka angkla sa American Dollars (USD). Halimbawa, EUR/CHF (Euro Swissy), EUR/GBP (Euro Pound), EUR/CAD (Euro Loonie), EUR/AUD (Euro Aussie), etc. Kaya pag may nagtanong o tinanong ka ng sweetheart mo kung anong cross currency pairs ang nilalaro mo eh di pili ka na lang dyan sa mga halimbawa. Note: Wala pong "Euro Pussy" na pares.
Exotic Currency PairsIto yong hindi mga sikat na pares, ika nga masyadong lokal. Hehe. Halimbawa, USD/SGD (Dollar Pura), USD/SAR (Dollar Riyal), USD/RUB (Dollar Ruble), etc. May mga ganyang pares sa mga FX trading sites kaya lang di lang mga sikat or internationally recognized.
O ngayon alam mo na? Dahan dahan lang muna natin para sureball lahat. Mahirap kasi i introduce ko kayo sa trading sites tapos di nyo pa alam yong mga pares. Para kayong naglalaro na di mo alam kung bakit mo nilalaro yan o bakit ka nag invest sa ganung pares. Mamaya sasabihin ko kung bakit kelangan mo talaga ma 'familiarize' yong mga pares kasi di lahat ng pares ay maganda laruin, dapat alam mo ang nangyayari sa mga pares sa araw na yan at alam mo dapat kung kelangan mo siya laruin o hindi. Kasi nga may mga pares na hindi ka naman kikita sa mga araw na yon o maliit lang talaga ang kikitain mo.
Kung may natutunan ka paki sagutin nga muna itong tanong ko:
Ano ang tawag sa pares na USD/THB at saan siya nabi belong?
Ano ang tawag sa pares na NZD/CHF at saan siya nabi belong?
Paki sagot lang po bago tayo mag proceed, gusto ko kasi lahat ng tinalakay natin ay kuhang kuha para di tayo mahihirapan sa susunod na talakayan.
Hello sino nka.try sa exe files ni TS ? pa update nman kung ok..?
Subscribe. Naka 5k na talo ko dito dati kaya tumigil ako. Medyo tira lng ng tira gawa ko. Ibabalik ko to pag medyo convincing how to play with at least 60% chance of winning hehe or idea paano tala tamang diskarte.
Pede pong mag paturo .interested po ako.
enjoyed reading this post. Subscribed and more learning muna hehe. Thank you TS
siguro kung tama ako sa pagkakaintindi ko boss, ang US Dollar/thailand baht ay nabibilang sa Exotic Currency.
and New Zealand dollar/swiss franc ay nabibilang sa cross currency pairs.
Kung na download niyo na yong files at na install na sa computer nyo. Mag familiarize lang muna sa interface ng tool. Yang tool na yan ay tinatawag na MetaTrader4 or MT4. Meron naman ding MT5. Ang pagkakaiba lang sa dalawa eh yong MT5 hindi lang pure currency pair ang nilalagay. Sinasama na nila yong stocks, etc. sa pagti trading.
Limit na muna tayo sa MT4 para di naman maguluhan yong mga baguhan sa FX Trading. Sa mga advance users/players nasa sa inyo kung mag download kayo ng MT5.
Importante kasi yong familiarization kasi I'm sure pag baguhan ka at nakita mo yong interface ng tool di mo talaga siya ma aapreciate, baka mawalan ka pa ng gana. Mahihirapan ka talagang intindihin ang mga bagay sa umpisa. Pero pag natutunan mo na yan, sigurado parang siopao na lang yan sayo. Para yang isang manliligaw na sa umpisa hate na hate mo, pero sa kinalaunan ay mami miss mo na. Hehe...
Kung hate mo ang Math at Statistics, pag natuto ka dito sa talakayan natin, I am sure magiging love mo na sila. Kasi sa tool ang makikita mo usually ay mga graphs o charts ng bawat currency pair. Ito kasi ang nagiging basehan natin para sa bawat desisyon ng ating pagti trading.
Hindi natin kelangan maging mathematician, ang kelangan lang talaga ay familiarity at konting pasensya.
Ito yong makikita mo sa mga tools, sa baba. Panget ba?
View attachment 1293828
View attachment 1293826
View attachment 1293827
Pili ka na lang dyan saan sa kanila gusto mo at hiyang ka.
Kung ayaw mo sumali sa thread namin di ka naman namin pinipilit. Ang thread po na ito ay ginawa para magkaroon ng pinasyal na oportunidad ang ating mga ka mobilarian lalo na sa larangan ng Foreign Exchange. Hindi naman ipinagbabawal ang FX dahil hindi naman ito ilegal. Ito po ay legal na pamamaraan gaya ng STock Exchange. At hindi po kami dito nag aadvertize ng website ng FX Traders. Marahil mali ang pagkaka unawa mo. Yong sinabi mong made up story sa KMJS ay hindi naman namin pinag uusapan yon, kung kumita man yong tao o hindi wala kaming paki alam sa kanya kasi di naman kami nakikinabang sa kita niya. At di naman yan ang punto ng thread dito, basahin at intindihin mong mabuti ang titulo ng thread.
Ang amin lang respeto sa aming ginagawa dito. Dahil ang pinaggagawa namin ay magkaroon ng business opportunity especially sa mga gustong i diversify nila ang kanilang kita na marangal na hindi nang aapak ng iba.
- - - Updated - - -
Good. Sali ka. Kindly back read na lang yong mga naunang posts ko para makahabol ka.
- - - Updated - - -
Good. Sali ka na.