Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

wow maynatutunan na naman tayo.. thank you boss!

1.ang ibig sabihin nang pagbabago nang kulay ay nagiiba ang presyo nang pairs, tumatas at bumababa ito.

2.Ang pip/pipette ay isang yunit ng pagsukat(metric system kng sa atin pa in,cm,meter,etc..) na ginagamit ng mga trader upang ipakita ang pagbabago sa halaga sa pagitan ng mga currency pairs. katulad sa halimbawa sa spread.
 
Last edited:
1. Ano ibig sabihin ng pagbabago ng mga kulay?
Green for Trending and Red for Down Trend.

2. Ano ba ang gamit ng Pip or Pipette?
Measurement para malaman kung may kita ka ba lugi.
 
Mga Katanungan at Pakisagot lang po:

1. Ano ibig sabihin ng pagbabago ng mga kulay?
Ang pag change ng color ay nag represent ng trend

2. Ano ba ang gamit ng Pip or Pipette?
ang pip or pipette ay sukatan na pwding gamitin ng trader para makita ang deperensya ng pair currency
 
Other terminologies used in FOREX TRADING:


Mga Katanungan at Pakisagot lang po:

1. Ano ibig sabihin ng pagbabago ng mga kulay?
2. Ano ba ang gamit ng Pip or Pipette?

ANSWER
Correct me if i'm wrong

1. Pag Blue indicate po yun na nag UP yung currency, Ibig sabihin pwede kang mag sell sa pair na yan.. Pag Red naman mababa kaya patience lang wag mag panic hehe..

2. Ang gamit nang Pip at Pippette ay para malaman mo kung magkano yung spread mo? tama ba? Ang ibig kung sabihin para malaman mo kung gaano ka lake oh gababa yung pip or pipitte na kikitaen sa currency na e.trade mo..

Ito po yung ss ko sa trading plaform nila ok naman walang problema sa akin.using windows 10 64bits. may sounds effects lang hehe.. ano indication nang mga sounds T.S?
Hitted Thanks..
View attachment 368870
 

Attachments

  • forex.png
    forex.png
    158.3 KB · Views: 112
Last edited:
sir interested here!! gusto ko naman mabago buhay ko. gusto ko gumawa ng kakaiba para umunlad naman fiancial needs ko. araw araw nalang kasi work bahay, bahay work nalang ganap sa buhay ko wala naman asenso. maraming salamat if matulungan niyo ako ts!!

Sir interesado rin ako matuto sa forex sana matulungan nyo po ako pano laruin at ang mga technique..salamat po ng marami

- - - Updated - - -

Ok. Parang konti lang ata ang mga interesado. Lima lang ata katao. Pag bigyan mo lang ito ng konting panahon sigurado di ka magsisisi.

Tandaan lang
at parati ko itong inuulit, huwag lang masyado maging adik sa pera dahil hindi naman pera ang magpapatakbo ng buhay mo. Kung marunong ka na sa FOREX wag mo kalimutan kumain o kaya gawin yong nakasanayan mo gaya ng mga gawaing bahay.

Ang problema kasi especially sa mga baguhan, nagiging adik sa FOREX tapos nakakalimutan ng kumain, pati GF, at minsan nagkukulong na sa bahay parang ermitanyo. Huwag ganyan. Yong buhay natin di dapat maging sunod sunuran ng FOREX. Dapat ikaw pa rin ang may kontrol. Minsan may kaibigan akong naturuan kaya lang naging adik sa FOREX di na lumalabas ng bahay, ayon sa Mental Hospital ang bagsak, nalimutan ng kumain. Ayon na guilty pa tuloy ako dahil tinuruan ko.

BASICS muna sa FOREX mga terminolohiyang ginagamit para pag nagpunta tayo sa FOREX site di na tayo magtataka sa mga makikita natin at pag nakipag chat tayo ng ibang mga traders di tayo pagtatawanan dahil nga wala tayong alam sa terminolohiya: (Tiyagain mo lang ito memoryahin o i familiarize)

Currency Pairs - Ibig sabihin dalawang pares ng kurensiya na ginagamit sa FX trading. Halimbawa, EUR/USD (Euro Dollar), USD/JPY (Dollar Yen), USD/CHF (Dollar Swissy), GBP/USD (Pound Dollar), AUD/USD (Aussie Dollar), etc. Pagtinanong ka anong currency pair ka nag investt dapat alam mo agad ang sagot. Pili ka na lang dun sa mga halimbawa kung anong currency pair ang gusto mo laruin o pustahan.

Note: Lahat ng pares na may USD (American Dollars) na sikat na nasa taas, ang tawag dyan ay 'Major Pairs'. Ito halos ang makikita mo sa mga FX trading sites. Wala pa akong nakita doon na may PHP/USD. Sa mga exchanges lang ata. Hehe...

Cross Currency Pairs​ - Ito ay currency pair na hindi naka angkla sa American Dollars (USD). Halimbawa, EUR/CHF (Euro Swissy), EUR/GBP (Euro Pound), EUR/CAD (Euro Loonie), EUR/AUD (Euro Aussie), etc. Kaya pag may nagtanong o tinanong ka ng sweetheart mo kung anong cross currency pairs ang nilalaro mo eh di pili ka na lang dyan sa mga halimbawa. Note: Wala pong "Euro Pussy" na pares.

Exotic Currency Pairs​Ito yong hindi mga sikat na pares, ika nga masyadong lokal. Hehe. Halimbawa, USD/SGD (Dollar Pura), USD/SAR (Dollar Riyal), USD/RUB (Dollar Ruble), etc. May mga ganyang pares sa mga FX trading sites kaya lang di lang mga sikat or internationally recognized.

O ngayon alam mo na? Dahan dahan lang muna natin para sureball lahat. Mahirap kasi i introduce ko kayo sa trading sites tapos di nyo pa alam yong mga pares. Para kayong naglalaro na di mo alam kung bakit mo nilalaro yan o bakit ka nag invest sa ganung pares. Mamaya sasabihin ko kung bakit kelangan mo talaga ma 'familiarize' yong mga pares kasi di lahat ng pares ay maganda laruin, dapat alam mo ang nangyayari sa mga pares sa araw na yan at alam mo dapat kung kelangan mo siya laruin o hindi. Kasi nga may mga pares na hindi ka naman kikita sa mga araw na yon o maliit lang talaga ang kikitain mo.

Kung may natutunan ka paki sagutin nga muna itong tanong ko:

Ano ang tawag sa pares na USD/THB at saan siya nabi belong?

Ano ang tawag sa pares na NZD/CHF at saan siya nabi belong?


Paki sagot lang po bago tayo mag proceed, gusto ko kasi lahat ng tinalakay natin ay kuhang kuha para di tayo mahihirapan sa susunod na talakayan.

Sir interesado rin ako matuto sa forex sana matulungan nyo po ako pano laruin at ang mga technique..salamat po ng marami...
 
Hi TS pasali ako. 😁😁
Gusto ko talagang matuto. Nag try ako nang demo trade dati pero d ko masyadong ma intindihan.

Tanong ko lng po. Ano po ba yung leverage at panu pumili nang tamang leverage?

Sorry maraming tanong. Hehe
 
Sino na naman ba ang naguyo ng ASJ?
 
Buhay pa kaya itong thread na ito, TS, baka pwedeng paturo ng fundamentals mu, para mas madagdagan knowledge namin sa fx trading...
 
Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex? Tara na, join na!



Ito na yong pagkakataon mo para matuto. I follow mo tong thread natin.

- - - Updated - - -



Di malayong maging posible nga yan. Hawak mo ang yong kapalaran, ikaw ngayon ang magdi dikta nyan.

- - - Updated - - -



Nasa tamang landas ang tinatahak mo. Tiyagain mo lang magbasa sa ating thread.

- - - Updated - - -



Walang anoman. Matutunan mo talaga lahat. Tiyaga tiyaga lang at basahin yong mga posts natin.

- - - Updated - - -



Yan ganyan nga. Magandang attitude yan gustong matuto.

- - - Updated - - -



Oo, welcome na welcome ka dito.

- - - Updated - - -



Talagang mababago buhay mo, di ka na magiging dependent sa iba. At lalakas pa ang tiwala mo sa sarili. Eto ang importante people empowerment.

- - - Updated - - -



Talagang mababago buhay mo, di ka na magiging dependent sa iba. At lalakas pa ang tiwala mo sa sarili. Eto ang importante people empowerment.

- - - Updated - - -



Yan gusto ko yan. Learner ang attitude. Be sure to follow our thread.

- - - Updated - - -



Eto, maganda ang sagot pero may kulang nga lang. Salamat Justine.

Yong makapagbibigay sa kulang paki share dito para matutunan naman ng iba. :thumbsup:
Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex? Tara na, join na!



Ito na yong pagkakataon mo para matuto. I follow mo tong thread natin.

- - - Updated - - -



Di malayong maging posible nga yan. Hawak mo ang yong kapalaran, ikaw ngayon ang magdi dikta nyan.

- - - Updated - - -



Nasa tamang landas ang tinatahak mo. Tiyagain mo lang magbasa sa ating thread.

- - - Updated - - -



Walang anoman. Matutunan mo talaga lahat. Tiyaga tiyaga lang at basahin yong mga posts natin.

- - - Updated - - -



Yan ganyan nga. Magandang attitude yan gustong matuto.

- - - Updated - - -



Oo, welcome na welcome ka dito.

- - - Updated - - -



Talagang mababago buhay mo, di ka na magiging dependent sa iba. At lalakas pa ang tiwala mo sa sarili. Eto ang importante people empowerment.

- - - Updated - - -



Talagang mababago buhay mo, di ka na magiging dependent sa iba. At lalakas pa ang tiwala mo sa sarili. Eto ang importante people empowerment.

- - - Updated - - -



Yan gusto ko yan. Learner ang attitude. Be sure to follow our thread.

- - - Updated - - -



Eto, maganda ang sagot pero may kulang nga lang. Salamat Justine.

Yong makapagbibigay sa kulang paki share dito para matutunan naman ng iba. :thumbsup:
USD/THB (USDOLLAR,THAI BAHT)
NZD/CHF (NEW ZEALAND DOLLAR,SWISSY)
 
Siguro naman, marami nang milyonaryo sa inyo.. Congrats, nabawasan ang mga naghihirap na Pilipino:-)
 
Back
Top Bottom