ako po ay may hepatitis B, may girlfriend po ako, 2 months pa lang kami, maiintindihan nya po ba kalagayan ko, sa tingin nyo po ba hindi nya ako lalayuan, or pandidirian, or hindi nya ko hihiwalayan.. sabi nya kasi sakin kahit anong mangyari di nya ko iiwan.. pero nung una pa lang hindi ko sinasabi sa kanya sakit ko.. sana matulungan nyo po ako .. nalulungkot po kasi ako lagi na lang ako pinandidirian ng mga tao..
Alam mo kuya, kung mahal ka talaga ng gf mo ndi ka iiwan nyan kahit ganu pa kalala yang sakit mo o kahit nakakahawa pa yan. Wala naman po kasing pinipili ang pagmamahal. Ang problema lang nyan is "hindi mo pinagtapat nung umpisa pa lang yang kalagayan mo", you already break a rule "honesty".
Kahit sino pang girl ang nasa sitwasyon ng gf mo, magkakaron ng agam-agam yan at mag-iisip. Wag ka po mabibigla kung iwan ka ng gf mo kasi from the very start nagkaron na po ng kasinungalingan, kumbaga sa contract e "fraud".
Pero kung sabagay, hindi kita masisisi dahil sa kalagayan mo.
Siguro kung ako rin, i will keep it secret.
But it is the right of your gf to know the truth! It would be better na malaman nya asap, kasi mas mahirap tanggapin kung mas matagal na. Kung hindi ka nya matanggap kung sino ka at kung anung meron ka, then go, move on na lang po.
She's not worth it. Pero kung takot ka na mawala sya, then itago mo na lang hanggang mabulok (i dont recommend this one
). Just always remember this "Only true love can accept one's imperfections!"
Tungkol naman po sa sakit mo, wag ka po mawalan ng pag-asa, magagamot pa yan.
May kaklase akong gumaling sa sakit na yan. Hindi naman kami nandiri sa kanya, coz we are her friends. Wag ka po masyado nega, stay positive and have faith. Hayaan mo yung mga taong lumalayo sayo, baka pinuprotektahan lang nila sarili nila, or sadyang mga wala silang kwenta. Sana gumaling ka na po, just pray to GOD and magpagamot ka po. Goodluck! Cheer up!