Mga ate tanong ko lang po tungko sa sitwasyon ng kaibigan ko, naghiwalay kasi sila ng gf nya at ang pagkakaalam ko malaking factor ang ayaw daw ng nanay ng babae sa kaibigan ko, ayos naman ang relasyon nila dati. Sumasali din pala ng beauty pageant ang babae pero ayaw ng kaibigan kong pasalihin siya pero gusto talaga ng babae kaya pumayag na lang ang kaibigan ko, pagkatapos nun sumali na naman ang babae sa isa pang beauty pageant, nag-away na siguru sila un kasi wala akong nakitang picture na magkasama sila sa 2 pageant na yun. yung unang pageant kasi sinamahan pa ng kaibigan ko ang babae kaya may picture silang magkasama. Ganyan po ang background bago ang hiwalayan nila. At PINAKAMALAKING problema sa lahat wala man lang lumampas ng isang buwan eh may bagong bf na naman ang babae
(AGAD-AGAD?). HIndi naman nang babae ang kaibigan ko.
Ang tanong ko lang po. Ipagpalagay natin na seryoso kayong dalawa sa isat-isat tapos naghiwalay kayo dahil lang sa mga reason na nasa itaas, madami pa siguru yan pero yan lang ang nabangkit ng kaibigan ko, kasi yan siguru ang dahilan kaya nagkagulu-gulo na ang relasyon nila
Ito na ang tanong. Bakit sobrang dali naman sa babae ang mag move on kung maghihiwalay kayo (pareho kayong sersyoso sa isat-isa). Ganyan din talaga ang napapansin ko