Hingi lang ako ng inputs ng girls na nandidito hehe
May isang girl na more than a 2 months ko ng kilala, pinakilala lang ng gf ng friend ko, nagkakausap kami sa fb chat and text anything under the sun ang topics, pati families may background na kami. Nagmeet na rin kami mga 3 times pag sinasamahan ko pauwi from work, sa makati kasi ako then sya sa bgc hatid ko sya pauwi sa south (pareho kami taga south), usually nagdidinner na rin kami nun. So far enjoy naman kami sa mga kuwentuhan namin.
Then sa isang usapan namin, nababanggit nya na boring, magulo at maarte daw siya, tapos tinanong ko siya kung bakit nya sa akin yun sinasabi, sabi niya, baka daw kasi mali ako ng pinakikitaan ng mabait kong ugali. Tapos sabi nya din is baka daw mapagod at mainip daw ako sa kanya. Go with the flow lang daw and tignan daw namin kaya pinapangunahan na daw nya ako.
It seems to me na parang long shot ang pagasa ko sa kanya, baka nasosobrahan siya sa effort? I don't know.
Sa tingin nyo po ba, should I continue to pursue her? or nagbibigay na siya ng hints na wag ko na ituloy?
Note: Hindi siya nagiinitiate ng text or chat (pero ok naman siya magreply nagkukulitan naman kami, enjoy so far) and we've gone out once na rin ng isang Saturday.
Salamat sa sasagot!