Ano bang magandang gawin sa GF na sobrang taas ng PRIDE. 2 yrs na kami pag may mali sya wala akong naririnig na Sorry sa kanya madalas pa nyang ihabla ung mga pagkakamali ko khit na matagal na. May mga pagkakataon na masamang masama na lang loob ko sa kanya. Hnd ko naman sya kayang tiisin mahal ko kasi sya. Parang naging unfair na! Pag may problema sya lagi akong nsa likod nya. Pero pag ako naman ang may Problema... Wala!!!! Lalo pa akong papagalitan!
Kausapin mo ng maayos, sabihin mo ang nasa puso mo kung ano nararamdaman mo at pag willing siya magcompromise then good! Pag hinde. Eh di iwan mo. I mean seryoso, gusto mo ba ng makakarelasyon na walang kunsiderasyon sa pakiramdam mo at sayo mismo? Tell her to grow up! Immature much eh. Ibabase ko ang sagot sa side mo kasi ito yung kwentong alam ko okay? So ayun nga...
Ang pagkakaalam ko kasi sa relasyon dapat give and take pero kung ikaw lang ang give ng give ng pasensya at pangunawa tapos siya di ka niya makuhang pakinggan sa mga hinaing mo sa buhay eh mabuti pa na iassess mo na yang relasyon niyo. If she isn't willing to change then isalaksak mo sa kanya yang pride niya tapos hanap ka ng babaeng kaya kang intindihin at mapagkumbaba yung marunong umamin sa pagkakamali at magbabago kasi nasaktan ka at ayaw na niyang masaktan ka kasi mahal ka.