Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

"Alam mo naman na hindi pa ako ready diba. Pero hindi ka naman mahirap mahalin. Pero huwag kang umasa ha". Ano bang ibig sabihin nyo dyan? Basted na ba ako? Lols
 
"Alam mo naman na hindi pa ako ready diba. Pero hindi ka naman mahirap mahalin. Pero huwag kang umasa ha". Ano bang ibig sabihin nyo dyan? Basted na ba ako? Lols

medyo nalabuan din ako kay ate girl. negative tapos positive tapos negative. in my opinion, it can be:

1. may gusto syang iba
2. "hindi pa ko ready" - if you know the reason why, mas madali. kaso narinig ko na to sa mga friends ko pag may nirereject sila. di daw ready and bawal pa daw pero nagkadyowa ng highschool nun may nanliligaw ng college kami. *hypocrite*
3. tinetest un efforts mo, kung gaano ka katyaga
4. "pero huwag kang umasa ha" - ito un mas lalong nagpalabo sa kin, pero dude, i think it's time to let her go kung ganito na urong sulong sya sa desisyon. ang akin lang, kung gusto ka din ni ate girl, oo saka hindi lang dapat kung okay lang un panliligaw mo.
 
"Alam mo naman na hindi pa ako ready diba.

No such thing. Sabihin mo saken kung for example yung ultimate crush niya nanligaw sa kanya, she wouldn't pass up the opportunity baka sinagot niya right then and there kasi "sayang". Ang babae kung gusto ka nyan kahit na di approve parents niya or nag-aaral siya gagawan niya ng paraan alam mo yung term na "illegal"? Sasagutin ka nyan kahit patago magiging kayo kasi mahal ka niya at gusto ka niya. No such thing as hinde ready if gusto ka gusto ka.

Pero hindi ka naman mahirap mahalin.

Pampalubag loob. Kung madali ka mahalin eh di sana ikaw ang minamahal niya ngayon.

Pero huwag kang umasa ha".

Take it as it is. Wag kang umasa di ka niya type. No cryptic message or whatsoever.

They say us girls are complicated but some are not, they mean what they say and you just have to take it as it is.
 
"Alam mo naman na hindi pa ako ready diba. Pero hindi ka naman mahirap mahalin. Pero huwag kang umasa ha". Ano bang ibig sabihin nyo dyan? Basted na ba ako? Lols

Di ako babae, pero mag-rereply pa din ako. Based sa naging experience ko sa previous girl na niligawan ko, halos ganito yung sagot niya sakin. So I ithink, basted ka nga. Hindi niya lang masabi sayo ng diretsahan.

Gaya ng sabi ni miss immabroke, kahit ano pang dahilan ng babae na yan, kesyo hindi pa sya ready or bawal pa, walang makakapigil dyan. Yun ay KUNG gusto ka din niya. Eh kaso sa sagot niya mukhang hindi talaga.

Move on ka na sa next. Wag mo hayaang malunod ka sa pagkagusto o pagmamahal sa babae na yan. Ikaw din kasi mahihirapan sa huli. Wag ka ng tumulad sakin. Hahahaha!
 
Last edited:
,, mga ate,
may simpleng tanong lamang po ako

Paano malalaman ng isang lalaki na you mean what you says???
nariyan kasi na naiilang kaming magtanong kahit simpleng makipagkwentuhan lang,,,
dahil sa hindi namin alam kung seryoso ba ang sagot ninyo or binibiro nyo lamang kami,,...
 
Porme sa lahat ng bagay. Porme sayo at kay girl. Kung palabiro kayo, medyo mahirap malaman kung kelan seryosohan na. Porme din sa tanong or sa way ng pagatatanong. Maraming pwedeng maging sagot dito.

Girls ask ko lang
paano mo sasabihin sa kapatid ng gf mo na gusto mo xa? at hindi yung kapatid nya(gf mo)?

Teka. May gf ka pero ang gusto mo yung kapatid ni gf mo? Tama ba intindi ko?

Hihinga lang ako sandali. Gusto kong maging mahinahon.

Okay. Nangyayari naman talaga minsan ang mga ganitong kata... Okay. Naiintindihan ko yan. Ganito... Unang una, may gf ka so... dapat ang gusto mo yung gf mo. Pangalawa, hindi mo na nga gusto gf mo, plano mo pang guluhin yung kapatid niya? At possible na pag-awayin mo pa yung magkapatid? Ang masasabi ko lang... MANAHIMIK KA. Hiwalayan mo gf mo kung may gusto ka ng iba (at sa kapatid niya pa mismo). Wag mong sirain yung magkapatid at posibleng buong pamilya nila masira kapag nagkataon.

Pwede mong sabihin sa akin na "e gusto ko lang naman siya e... hindi mahal."
NAKU NAKU NAKU naman kuya... wag na tayong magbiruan dito.

Sana umayos ka. Nangyayari ang mga ganitong bagay pero isipin natin ang mga mangyayari. Tanungin mo sarili mo. Kung si gf mo ang ganito... matutuwa ka kaya...
 
ask ko lang mga girls..

bakit ang mga babae minsan gusto nila palaging attention masosolo nila..
yung fiance ko pinabura sa akin yung mobile legends ko :sigh: ayaw niya naglalaro ako kasi malaki na daw ako at hindi na ako bata :cry:

at pinagdududahan ako na may babae ako kahit wala naman.. yung kaboardmate ko kasi dito babaero ngayon akala niya ganun din ako na parang pakboy :sigh: :upset:
 
Girls nauubusan na ko ng sasabihin..medyo introvert kc ako..pag sa text messages medyo ok pero kapag kaharap ko na siya natatameme na ko..ano pa kaya pwede pag usapan..haha
 
Girls ask ko lang
paano mo sasabihin sa kapatid ng gf mo na gusto mo xa? at hindi yung kapatid nya(gf mo)?

lakas makatrigger nito ah.. ano tuhog lang sa magkapatid?????? please kyaaah, be MAN ENOUGH to break up with your girlfriend lalo na at hindi mo naman pala mahal. saka hindi pa man din kayo naghihiwalay gusto may reserba na agad at sa kapatid pa nya!!!!!! sort out your feelings first bago ka pumorma sa iba.

so isipin mo, what if may nagpayo na umamin ka sa kapatid ni dyowa?? di ba ikaw na din nagdala ng problema sa sarili mo? mag-aaway kayo and mag aaway yun magkapatid. yun dahil sayo magkakagulo sila. YOU WANTED TO CHEAT ON YOUR GF WITH HER OWN SISTER / YOU ARE ALREADY CHEATING ON HER WITH THAT IDEA!!! don't be a JERK please. think of the consequences of your (future) actions.

hiwalayan mo na si GF please kung sa iba ka naman nagkakagusto.

- - - Updated - - -

Girls nauubusan na ko ng sasabihin..medyo introvert kc ako..pag sa text messages medyo ok pero kapag kaharap ko na siya natatameme na ko..ano pa kaya pwede pag usapan..haha

try to know her hobbies or favorites and kung saan un common likes nyo (bukod kay crush, ayieeehhh~). usually un mga small talk na ganyan mas madali and start ng usapan.

- - - Updated - - -

ask ko lang mga girls..

bakit ang mga babae minsan gusto nila palaging attention masosolo nila..
yung fiance ko pinabura sa akin yung mobile legends ko :sigh: ayaw niya naglalaro ako kasi malaki na daw ako at hindi na ako bata :cry:

at pinagdududahan ako na may babae ako kahit wala naman.. yung kaboardmate ko kasi dito babaero ngayon akala niya ganun din ako na parang pakboy :sigh: :upset:

baka may history ka na ng pambabae or may hindi kayo nasettle na issue. mas mabuti kuya to exert more effort on assuring her na sya lang talaga. minsan nagpapalambing saka pagbonding ang need pag ganyan. idk kung ano un pinanggagalingan ni ate girl pero assurance na sya lang ang gf ang need mo gawin. try to look back kung anong efforts mo nun nanliligaw ka pa lang. baka naman may namimiss sya na ginagawa mo dati
 
Last edited:
baka may history ka na ng pambabae or may hindi kayo nasettle na issue. mas mabuti kuya to exert more effort on assuring her na sya lang talaga. minsan nagpapalambing saka pagbonding and need pag ganyan. idk kung ano un pinanggagalingan ni ate girl pero assurance na sya lang ang gf ang need mo gawin. try to look back kung anong efforts mo nun nanliligaw ka pa lang. baka naman may namimiss sya na ginagawa mo dati

tama :sigh:
nuon nagkasagutan kami dalawa sa text ay nabanggit niya sa akin na hindi na ako katulad ng dati nuon nangliligaw pa lang ako.. i promised her for a paintings every monthsarry and now wala na ako nagagawa :sigh: dahil sobra busy sa work and sometime i could feel na lonely talaga siya.. by the way kasama ko na siya sa boarding ngayon.. pinuntahan ako dahil namiss siguro ako at namimiss ko naman siya ng sobra :wub:
yun na lang siguro ang gagawin ko ang lambingin siya lalo kasi kapag hawak ko cp at nagmomobile legends ay natutulog na siya agad at hindi na ako pinapansin :slap:
 
Girls nauubusan na ko ng sasabihin..medyo introvert kc ako..pag sa text messages medyo ok pero kapag kaharap ko na siya natatameme na ko..ano pa kaya pwede pag usapan..haha

Bakit ka ba nakikipagusap? Para makipagkaibigan o pumorma? Pero palagay ko naman lahat ng magandang samahan naguumpisa sa maayos na communication. Maging totoo lang siguro. Wag masyadong feeling close. Kung umpisa pa lang... wag masyadong personal ang usapan.

ask ko lang mga girls..

bakit ang mga babae minsan gusto nila palaging attention masosolo nila..
yung fiance ko pinabura sa akin yung mobile legends ko :sigh: ayaw niya naglalaro ako kasi malaki na daw ako at hindi na ako bata :cry:

at pinagdududahan ako na may babae ako kahit wala naman.. yung kaboardmate ko kasi dito babaero ngayon akala niya ganun din ako na parang pakboy :sigh: :upset:

Ewan ko sa iba pero para sa akin:

Mabuti na ang nagseselos kasi ibig sabihin mahalaga ka sa akin at ayokong mawala ka.
Mabuti na ang nagagalit (lalo na nga kung may mali talaga) kasi kapag hindi na ako nagalit, wala na akong pakelam pa. Minsan naman nagagalit ako kasi naglalambing lang. Depende sa sitwasyon.

Baka naman masyado mo ng binibigyan ng oras ang Mobile Legends kesa sa ibang bagay... lalo na nga kung abala na sa relasyon n'yo. Baka naman kung kelan magkasama kayo e wala ka ng ginawa kundi maglaro.

Yung tungkol naman sa pinagdududahan ka... kung wala naman talagang dahilan na pagdudahan ka, ipaliwanag mo at siguraduhin mo na wala naman talagang dahilan. Minsan kasi may mga bagay tayong ginagawa na akala natin okay pero kapag sa atin ginawa ng gf/partner natin e tsaka lang natin marerealize na mali pala.

Ang mga babae kasi madalas kapag nagduda, may basehan at kadalasan tama. Minsan naman, kaya nagdududa kasi minsan na silang naging panatag pero niloloko na pala.

Pagusapan n'yo na lang nang maayos.
 
@lady andy nililigawan ko po..

Girls meron pa ko isang tanong medyonaguguluhan lang kasi ako sa kanya kumakain na kami sa labas na .. nag HHWW nadin .. Minsan pag nag chat kame sabihin nya miss nya na ko.. Minsan kapag sasabihin ko na loves ko sya reply nya sakin importante ako sa kanya in GODS perfect time..
Alam nyo girls ayoko sya madaliin pero ayoko din naman umasa.. Assurance na po ba un na mahal nya din ako or meron ako pag asa..
Sorry medyo magulo..hehe
 
Kapag kumakain ba kayo sa labas, jowa date ba? O friendly date lang? Tungkol naman sa HHWW... kung ako ang babae, hindi ko gagawin yan kung walang dahilan lalo na nga kung sa lalaki. Kahit sa kaibigan sinasabi ko yung "miss na kita". Sinasabi mo na sa kaniya na mahal mo siya at ganun ang sagot... baka gusto niyang makilala ka pa niya muna. Seryosong "I love you" ba? Baka naman kasi tinetext mo ng "Good night. Love u xoxo" o kaya "Good morning ❤".

Palagay ko ikaw lang din ang makakapagsabi niyan. Hindi kita kilala at hindi ko rin kilala si girl. Siguro ang unang dapat na siguraduhin mo... Dapat alam niya na nanliligaw ka at seryoso ka sa pangliligaw. Gaano na ba katagal kang nanliligaw? Baka naman kakaumpisa mo pa lang... gusto mo na ng sagot.
 
Last edited:
bakit ka galit ate? :) nag tatanong lang naman ako. peace hehehe

di ako galit, nagpaparealize lang. :think: pero pag-isipan mong maigi yung mga actions mo. kasi un mga actions mo may bring harm instead of good things for you. saka dun sa question mo, kaw na mismo magdadala ng problema sa sarili mo.

pag galit ako, naka CAPSLOCK un message ko para INTENSE at DAMANG-DAMA :rofl:
 
Girls ask ko lang
paano mo sasabihin sa kapatid ng gf mo na gusto mo xa? at hindi yung kapatid nya(gf mo)?

siguro try mo magkaroon ng delikadesa.

jowa mo yung kapatid ng babaeng gusto mo i mean how effed is that?

even if magbreak kayo ni jowa mo now di mo ba naisip na pag pinursue mo yung utol niya masasaktan siya lage. lalo na kung maging kayo ng kapatid niya? onting hiya naman boy kung meron ka non. Pero kung wala eh di gora. Break mo gf mo then magtapat ka sa babaeng gusto mo talaga pero sana bastedin ka kasi ang sama mo.
 
Gaanu po ba ka Importante sa Inyu ang pagpapakulay ng buhok?

Kasi po plano po ng gf ko na magpakulay ng buhok. Kaso kulay BLUE! trip nya e! :cry: Blue?!?! ampotek :cry:
32 yo na sya eh at feeling ata nya cartoon sya. Saka baka punahin sya sa work namin.
Ok sana kung kulay light brown, kalawang o kulay kahoy e. kaso BLUE?!? :cry:
 
ang pagpapkulay ng buhok ay parte ng self expression. Ako nga dati gusto ko purple and green pero I opted for Strawberry Blonde na lang kasi hinde mahirap imaintain.

Bakit naman siya pupunahin sa work? Depende kung nasa FAB kayo or Medical field.

Buhok naman niya yan she can do whatever she wants pero if you disapprove the talk to her.
 
Violet at green? muntikan na maging kulay talong XD jk.
Sa machine making kasi kami ma'am at qc/qa sya naka assign. Wala naman bawal kaso blue?!? aku tuloy ang nag woworry baka mapatawag sya sa admin o baka mapuna sya ng mga japon duon.
Sige po try ko kausapin pag nasa mood sya.
 
Questions po mga Atih!

1. Ano ang magandang topic/conversation pag magkikita kayo ulet ni EX? Yung tipong humingi ka ng 1 day para mag-usap kayo.

2. Is it okay to reveal all the mistakes na nagawa ng bawat isa during that time in a calm and nicer way? I mean kase para malaman nya o ako kung saan kami nagkamali, so from that point makakapag rebuild kami ulet ng bagong beginning if magiging maganda ang output ng usapan or kung hindi atleast gumaan yung loob at ma accept ang lahat ng mga misunderstandings at flaws.
 
May gusto ako na babae, bale friend siya ng officemate ko, tapos later ko nalang nalaman na may bf na pala siya.Dapat ko na ba siya iwasan? Kasi minsan nakakalaro ko siya sa tennis, tsaka pumupunta siya minsan sa workplace ko.
 
Back
Top Bottom