Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

HELP! BSIT Graduate ako at Gusto kong maging Programmer

Status
Not open for further replies.

JiiiiiN

Amateur
Advanced Member
Messages
143
Reaction score
0
Points
26
Hi mga kasymb, hihingi lang ako ng advice at tips sana matulungan nyo ako. :pray: :help:

Graduate ako ng BSIT (4years) sa isang puchu puchung school at sa totoo lang hindi ko masyadong sineryoso ang pag-aaral nung college ako pero okay naman ang grades ko, hindi ko lang talaga naisapuso. Dalawang taon na ang nakakalipas simula nung nakagraduate ako at halos limot ko na lahat ng tinuro na related sa IT (Basics ng VB6, Java at HTML/CSS, konting PHP, Assembling & Disassembling of system unit, Flow Chart)

Nagtrabaho ako na Data Encoder ng isang taon mahigit at sa ngayon ay tambay pero naghahanap ng trabaho. Gusto ko sana na yung susunod kong trabaho ay connected na sa tinapos ko, pero hindi ako makapag apply sa IT related works dahil nga kulang/limot na ang kaalaman ko sa IT.


Hindi ako magaling sa designing pero okay ako sa programming. Mga basics as in basics lang ng Java, HTML, CSS at PHP (Hello World!) ang tinuro sa school kaya wala akong masyadong background sa kanila pero ngayon willing na willing na akong magself study. Gusto ko rin dati na matuto sa hardware pero nung sinabi ko yun sa pinagOJThan ko dati ay parang may discrimination sa mga babae na gustong matutong maghardware kaya di ko na pinush.

Kaya eto mga kasymb, humihingi ako ng advice at tips kung anong gagawin ko. Saan ba ako magsisimula? Saan magandang magfocus sa programming? Ano ang dapat aralin na siguradong may career kapag sineryoso? Tips and tricks sa pagseself study. Helpppppp.


Nasa huli talaga ang pagsisisi. Sana ay matulungan nyo ako. :weep:
 
Hi Kasymb! IT Graduate din ako but hindi ko pinurso ang ang pagiging Programmer. I have realize that, mas dumami ang opotunidad lalo na sa panahon ngayon, nag a-upgrade lahat ng technology. Ngayon, I've started my own self-study sa mga bagong programming language. Lahat naman ng programming language ay pareho ng standards except that nag iiba lng yung style nila. Tips? Time and resources and syempre, maraming websites na nagtuturo para sa mga newbie na katulad natin. W3Schools, Khan Academy. At nasasayo na kung saan ka mas comfortable. Yun lang! Hope you can start sooner!
 
Ms., try muna cmulan step-by-step maging full Stock Web Developer or Microsoft Developer... Mrming opportunities nyan nayon hanggang sa future :)
Qng gs2 mu nmn na may medyo may HARDWARE, heto baka mahalin at isapuso muna. Try "RASPBERRY-PI" or "ARDUINO" :salute:
Kaw na ang pinakaCoolest girl na kilala ko this ERA kpag na master mo yn :happy:
 
Hi ka symb. maganda kung magppraktis ka na kung di ka na. or habang di ka pa natatanggap try mong magaaral ulit kumuha ka ng cisco training (search mo kung ano yon pero prang level yan sating mga IT) or mag hanap ka ng small time telecom company. pm mo ko may alam ako.
 
Hi. Magself study ka ng programming language like c# then magdevelop ka ng system kahit maliit lang like enrollment,inventory. Yung mga maliliit na system lang. Ganyan din po ako kagaya mo na nakagraduate ng halos hindi ganong naturuan ng school. Pero tulungan mo lang din ang sarili mo para maimprove ang skills mo. :-)
 
Salamat sa mga reply guys. Nagsisimula na akong magself study ngayon. Nagdownload na rin ako ng mga tutorials na available dito sa symbianze para mas magets ko ang inaaral ko ngayon. :thumbsup:
 
para mamotivate ka ako nurse graduate pero 2 years programmer trabaho ko ngayon.. ikaw na bsit graduate mas mataas chance mo makakuha ng work tiwala lang
 
dun kalang sa hilig mo ts web? android? or desktop? programmer
sabi nila demand daw web.
 
para mamotivate ka ako nurse graduate pero 2 years programmer trabaho ko ngayon.. ikaw na bsit graduate mas mataas chance mo makakuha ng work tiwala lang

allowed ba gumamit ng resources like search engine, ebooks and other materials pag naging sotfware dev? curious lang ako..
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom