gusto ko lang po humingi ng advice nyo, yesterday habang naglalakad ako sa baha, may napansin ako na inaanod, kala ko nung una malaking daga, pagsilip ko, isang tuta/puppy, estimate ko wla pang 1 month pero mulat na sya, may maliit na ngipin, pero di pa nakakatayo, so no choice ako kya to the rescue kasi malapit na sya mahulog sa kanal eh malalim yun, inuwi ko na sya sa bahay tapos pinunasan at tinuyo pra di lamigin, ginawan ko na rin ng higaan at papainumin ko sana sya ng milk na sterilized, ung medyo warm kaso ayaw nya, prang gusto lang nya matulog. help naman po kung anong magandang ipakain sa kanya?. first time ko kasi magalaga ng ganun kaliit na puppy, kalimitan kong naalagaan ay yung malaki na at nagtatatakbo na. di ko po sure kung anong lahi nya pero all black sya na may konting brown yung paws tapos, maiksi ang buntot, wala pang 1 inch. duda ko eh prang doberman ang lahi. sana po matulungan nyo ako. thanks