Polo Shirt o Polo: poloshirt- giordano, polo, hangten, bench. sa Polo - g2000, arrow, saka madalas tumitingin ako sa formal, semi formal attire section sa sm dept. di ba sama sama sila dun, mas madali makapili. magaganda din quality nung mga brand dun. alam mo naman cgro yung puchu puchu lang.
T-Shirt: gap, top man, people are people, F&H, nike, adidas, vans, giordano
Jeans: levi's, jag, lee, giordano, girbaud, bench pag tag tipid hehehe pero madali kc masira yung bench eh.
Shorts: same sa jeans
Accessories: eto di ako nag gaganito. cgro wrist watch lang massabi kong accesory, isang formal watch at isang sports watch.
Perfume: polo sport, sa cologne yung i-rock ng bench.
Jacket: top man, nike, adidas. maganda lang kc kaya ko sila binili, saka para sigurado pag maulan. pero minsan lang namn ako mag jacket, ang init init na kc masyado.
kadalasan yung mga t-shirts ko plain lang.. kung pipili ka ng may print, yung hindi naman sya mukhang eng eng. kadalasan yung mga nike, adidas yung may mga prints, ok lang yung mga logo.
alam mo naman cgro kung ano ang baduy di ba, lalo na sa kulay.
pili ka lang ng sakto sayo ang size wag ka mahiya mag fit. kc iba iba ang fitting ng mga damit saka pants. may semi fit, loose, etc. saka para malaman mo din kung komportable ka.
sa sales lady problem mo, problema ko rin yan nung bata pa ko.. hahaha, pero sasabihin mo lang namn "miss excuse muna ha, pa assist na lang ako mamaya" pag lalake "cge pre tingin tingin muna ko" yan lang sinasabi ko kadalasan pag sinasabi nila sakin "pili lang kayo sir". tapos naka sunod, kadalasan sa department store to ngyayari eh. pag pinansin mo naman sila aalis na rin yung mga yun. pero sa mga botique kadalasan naman binabati ka na lang nila tapos ikaw na rin mag isa titingin tingin dun.
madami ako pinili na brands kc ganon ako, gusto ko iba ibang brands pero yung mga nsubukan ko na madali naman masira di na ko ulit bumibili(tulad ng guess t-shirts bilis mag fade ang mahal pa naman). panget naman kc kung fanboy ka ng isang brand na para kang endorser nila. lalo na yung mga taong mula ulo hangang paa eh iisa lang brand, kahit sabihin pa natin na mahal nga yun brand mukha ka naman manikin nung botique na iisang brand lang ang suot. may mga kilala kc kong ganito na tao. hahaha.
pero sa perfume isa lang talaga ko, i made it my trademark na yun lang talga amoy ko. kaya yun at yun din madalas pinangreregalo sakin kc alam nila magagamit ko. hahaha yung cologne pang jan jan lang o pag sa bahay lang. mura lang naman eh.