Meron kaming Honda City 2016 VX na may Sport mode at paddle shifter. Dati pag nagshift ka sa S mode, nakadisplay sa dashboard mo na S tapos may katabing number kung nasaang gear ka na. Pag nasa D mode ka lang, pag naglong press ka paddle shifter, ididisplay nya rin kung anung gear ka na katabi ng D ng ilang seconds. Ngayon, nagtry ako mag S mode kaso pagshift ko, parang lumakas ang rev ko then ayaw gumana ng paddle shifter. Tapos wala na ring display kung nasaang gear ka na. Ganun din pag D mode ka, di na rin nya dinidisplay yung gear mo. Anu po kaya problema? Ok naman sya umandar pag Drive mode ka lang. Walang problema sa automatic shifting. TIA sa makatutulong.