- Messages
- 1
- Reaction score
- 0
- Points
- 16
Kahapon pa po kasi hindi nagchacharge yung laptop ko kapag sinasaksak sa outlet. Tapos bigla namang mag-aappear na nagchacharge pala. Kumbaga, on and off yung charging. Asus X453M po yung laptop ko and adapter style yung charger niya. Kailangan talagang tantyahing maigi kung nagchacharge ba talaga. Tapos napansin ko, ang init masyado nung charger ko kahit 3 minutes pa lang naka-charge at may buzz sound akong naririnig paminsan minsan. Pina-check ko kanina yung charger at sabi gumagana naman daw. Tama naman daw yung volts. Ang sabi, dalhin ko na lang daw yung laptop kasi baka yun daw ang may problema. Hindi ako magaling sa technicalities so I just explained this in layman's term. I hope someone would help me. I'd really appreciate the response. Thank you.
Last edited: