- Messages
- 87
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Meron po akong malapit na kaibigan na babae, mas matanda po sia sa akin, 25 po cia at akoy 21 palang. Ang turingan po namin sa isat-isa ay parang magkapatid, ang tawag ko sa kanya ay ate at ang tawag niya sa akin ay bunso. Madalas po kami magchat sa fb, minsan sa isang linggo kami po ay nagsisimbang dalawa. Tapos isang araw naramdaman ko nalang na nahulog na ata ang puso ko sa kanya. Ayaw ko muna sabihin sa kanya na gusto ko siya kasi 2 months palang kaming magkakilala, gusto ko po sana ebuilt muna ung friendship namin tapos gusto ko rin siya makilala ng lubusan. Tapos nung kahapon nagpunta kami sa place ng kaibigan namin para uminom at kumain. Yung kaibigan namin na un eh nakwento ko sa kanya na gusto ko na si girl, humingi po ako ng payo sa kanya at bilin ko po sa kanya na sa aming 2 lang ung usapan na yun. Kaso pagdating namin dun sa place ng kaibigan namin, kaming 2 agad ung pinag-uusapan, nakwento pala niya sa iba naming kaibigan na may gusto ako dun sa girl, yung isa naming kaibigan na babae ay agad nagtanong sa girl ng ganito"Ate nililigawan kaba ni bunso?" Sagot naman ni ate sa knya "Magkaibigan lang po kami ni bunso para lang po kaming magkapatid", nabigla at natahimik ako nun. Tapos feeling ko nalungkot,natahimik at naawkward sakin si ate. Pagkatapos nun kainan na, tinutukso parin kami ng mga kaibigan namin, sinasabi nila na magkapatid lang ba talaga turingan nio sa isat-isa. Tahimik nalang po ako at di sumasagot habang si ate naman ay todo tanggi na may something sa aming 2. Sobrang nahihiya po ako kay ate kasi kaming 2 ung topic dun sa pinuntahan namin, tapos nung uwian na hinatid ko siya at parang pakiramdam ko lumayo ung pakiramdam nia sa akin. Gusto ko po sana ekeep muna ung friendship namin kasi gusto ko pa po siya makilala at ayaw ko siya mawala sakin kaso yun nga po baka malaman nia sa ibang tao na gusto ko siya, ayaw ko naman po magsinungaling sa kanya, ayaw ko rin po isipin nia na pinagmukha ko ciang tanga kasi siya lang di nakakaalam na gus2 ko cia habang lahat ng kaibigan namin alam nila. Anu po ba gagawin ko sa sitwasyon ko? Gulong gulo po isipan ko ngaun. Sana matulongan nio ako sa sitwasyon ko.