Ang ibig sabihin nya kapatid yung display settings ng OS mo na naga-out of range ay mas mataas kesa sa maximum display range ng monitor mo. For example, kung ang display settings within the OS is 1920x1080, tapos ang kaya lang ng monitor mo is hanggang 1280x900 lang, maga-out of range talaga sya.
Aside sa display settings, pwede din na mas mataas yung refresh rate settings ng nasa OS kesa sa monitor. For example, kung ang nasa OS mo is 144Hz pero ang monitor mo naman ay hanggang 70Hz lang, out of range pa rin yun.
Ang isang solution dyan remove mo muna graphics card mo (kung naka PCIE card ka). Then try to run it using the onboard graphics. Then saka mo ibaba lahat ng display settings, say 1280x900. Then also, lower your refresh rate to the baseline of 60Hz. Kung built-in naman graphics mo, kailangan mo manghiram ng monitor na mas mataas ang resolution at refresh rate. Preferably gaming monitors. Goodluck