Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[HELP] Photo Emulsion (t shrit printing)

facedown

Proficient
Advanced Member
Messages
227
Reaction score
0
Points
26

nag pa-practice po ako sa photo emulsion,

3 screen na po yung nasayang hindi ko parin makuha.

bali bumili po ako ng photo emulsion sa print-shoppe
yung emulsion po e parang ni-retail lang sa maliit na garapon
tapos may kasamang parang crystal na kulay orange.

bali ang ginawa ko nilagyan ko ng konting tubig yung crystal at
hinalo ko sa emulsion.

*tapos apply sa screen
*pinatuyo
*nilagay yung print sa transparency (design)
*pinatong yung salamin
*naglagay ng tela
*tapos exposure

pagkatapos ng exposure
nung inuhugasan ko ng yung screen walang nangyayari..
hindi lumitaw yung design?.

anu kayang mali dun. sinundan ko nmn yung instruction sa
net.



at san po ba nakakabili ng Diaozo Photo Emulsion??
or anong emulsion yung magandang gamitin at madaling bilhin?
 
white and orange? sticky yung white? yun ang ihalo mo sa kulay orange.. no need of water na..
 
Bili ka Tulco Photo emulsion and Tulco synthesizer
ang ratio. 6:1 anim na kutsarang photo emulsion then isang kutsarang synthesizer.

1. Haluin sa baso.
2. Tapos apply mo sa screen gamit kang ruler, triangle or yung design sa net na photo emulsion
squeege...manipis lang ang pagapply .
3. Tapos patuyuin mo. wag mong eexpose sa araw kasi titigas yun.
sa ilalim nang kama or sa gilid lang wag patagilid kasi tutulo yung inaply mo na solution.
4. Pagtuyo na. ito na yung crucial..
5. Ito yung assemby. harap sayo yung pantay nang screen lapag mo sa mesa. sa ilalim nang
screen lagyan mo nang foam para di lumubog..screen, yung design pwede sa acetate or sa
bond paper lang, salamin na 1/8 inch ang thickness or yung sa wallclock na square.
6. Pagkatapos nung assembly setup na nang light. 250 watts na spot light yung square.
1 ft ang taas dun sa screen ..pwedeng gawa ka nang stand or hang mo lang..
7. Expose mo yung screen for 5 minutes. yun yung time na ideal sa akin...pero experiment ka
nalang nang time na ideal sayu.
8. Yun na spray mo na yung screen nang tubig hanggang ma tanggal yung image.

yun lang ask ka na lang kung may di ka naintindihan..
nagtry ako nito nung intrams sa school so far success naman.
 
Last edited:

nag pa-practice po ako sa photo emulsion,

3 screen na po yung nasayang hindi ko parin makuha.

bali bumili po ako ng photo emulsion sa print-shoppe
yung emulsion po e parang ni-retail lang sa maliit na garapon
tapos may kasamang parang crystal na kulay orange.

bali ang ginawa ko nilagyan ko ng konting tubig yung crystal at
hinalo ko sa emulsion.

*tapos apply sa screen
*pinatuyo
*nilagay yung print sa transparency (design)
*pinatong yung salamin
*naglagay ng tela
*tapos exposure

pagkatapos ng exposure
nung inuhugasan ko ng yung screen walang nangyayari..
hindi lumitaw yung design?.

anu kayang mali dun. sinundan ko nmn yung instruction sa
net.



at san po ba nakakabili ng Diaozo Photo Emulsion??
or anong emulsion yung magandang gamitin at madaling bilhin?

Tol, baka kulang or sobra sa burn ang exposure time mo. Mejo ireview mo yung size ng screen at yung exposure time. At bakit ay tela??? :noidea: Pagkakaalam ko dapat foam alng ang ilagay sa ilalim, para may pressure lang between sa Design at screen.
 
di ba pwede din i expose direct sunlight..

Pwede nman tol, pero mas need mo ng extra ingat. kasi di pareparehas ang init ng direct sunlight, di tulad ng mga flourescent lang.
 
glue at sensitizer lng ya 6 by 1 tbs
punta kanang dark room with blower..
gamit ka ng Silk screen 120 maze.
dapat naka purely black yong design mo..
 
depende sa chemicals yan!
heto tip lang:

10 percent white glue
2 percent sensitizer
1 percent zonrox
1 percent water
mix properly, parang photoplus ito na version ko hehehehehe
try nyo lang.

100% sure expose!!!

pwede ito maski hindi sa darkroom basta wag lang direct sunlight.
exposure time:
10 seconds direct sunlight
10 minutes exposure box

sana makatulong
 
Last edited:
exposure tips

step:
1. apply chemical sa silk screen.
2. blower mo hanggang matuyo.
3. lagay mo sa screen ang design kailangan black yong design
4 sa ilalim foam
5. sunod screen
6. design
7. glass
8. expose sa sunlight 8 to 10 second
9. hugasan ang screen ng tubig back to back
10. spray mo ang design na nasa sa screen tapos.

sana makatulong ito na steps
 
Sir san po ilalagay yung design? Sa ibabaw ng screen or sa ilalim?
Nakailan beses na po ako. Naubus na bujet ko huhu
 
Drake baka pwede ka magupload ng step by step picture or video. Yung sa youtube na nakita ko eh kulang.
 
Nalilito po talaga ako. Kung san ilalagay yung design during exposure. .Ilalagay po ba eto as in nakadikit talaga sa screen? Kasi po pag inaalis k0na ayaw na maalis dumidikit na yung b0ndpaper sa screen at napupunit. Ang labas PALPAK. .naka 6 times na po ako,,sana may makasagot at makatul0ng. .Salamat.
 
Mga sir, gusto ko din po mag start ng ganitong business. San po ba makakabili nang mga gamit for starters? And mga magkano naman po ang dapat na capital?
 
exposure tips

step:
1. apply chemical sa silk screen.
2. blower mo hanggang matuyo.
3. lagay mo sa screen ang design kailangan black yong design
4 sa ilalim foam
5. sunod screen
6. design
7. glass
8. expose sa sunlight 8 to 10 second
9. hugasan ang screen ng tubig back to back
10. spray mo ang design na nasa sa screen tapos.

sana makatulong ito na steps

Sir seconds lang ba talaga?Alam ko 10-15 mins eh
yung saken 10-15 mins sun exposure lang din


:salute:
 
Wow.. I'm planning to put up a t-shirt printing business. :thanks: for sharing these tips, ts! :)
 
Sir san po ilalagay yung design? Sa ibabaw ng screen or sa ilalim?
Nakailan beses na po ako. Naubus na bujet ko huhu

sa ibabaw ng screen dapat at may nakapatong na salamin para hindi magalaw umangat or magslide.
yung part na transparent kasi naluluto yun ng inet at titigas. yung natakpan naman ay hindi titigas dahil hindi naexpose. yun ang magiging design na matatanggal kapag hinugasan ng tubig
 
Back
Top Bottom