Para po sakin hindi ok yang design na per Form ang access restriction mo(pag ako maging panel mo sa defense mo questionable sakin yan). Mas ok siguro kung may MDI form ka, tas disabled lang ang mga specific buttons mo per user access rights. for example, si user walang rights mag delete ng record, dapat the same ang form nila ni admin, un nga lang, pag si user na ang mag login, disabled dapat ung button na delete. Otherwise pag si admin, enabled sya.
Regarding naman sa second problem mo, jan na papasok yung benefits ng sinabi ko sayo sa taas na reply ko, na dapat may unique field ka sa user table para maiset mo ung buttons na dapat disabled/enabled per user rights.
For example:
//upon loading the form after mo ma query yung details(kasama ung sinagest ko na field na isadmin ) ng naglogin na user.
//Assuming na pag 1 ang value ni isadmin field ibig sabihin si admin ang nag login, otherwise si user/client lang.
if(isadmin == 1)
{
//Enabled sya kasi si admin ang naglogin
btnDelete.Enabled = true;
}
else
{
//Disabled sya kasi si user/client lang ang naka login
btnDelete.Enabled = false;
}
Basic lang yan, gusto sana kita bigyan ng sample kaso sophomore ka pa lang pala, masyadong masalimuut yung structure ng codes ko regarding sa user rights. Sa codes ko kasi, may sariling library ako for determining user rights. At hindi lang basta determining kung admin or hindi. Sa codes ko pwede ka mag enable/disable ng access rights anytime sa GUI ng system. kahit si admin pwede mo i-edit yung access nya, meaning, kahit admin pwede mapalitan yung rights nya na maging limited. something like that. For now, sa basic restrictions ka na lang muna. Studyante ka pa lang naman e.