Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

HELP: Regarding on my case!

DeathReaper

Novice
Advanced Member
Messages
40
Reaction score
0
Points
26
Mga ka symb, magandang araw.
Isasangguni ko lang ang naranasan ko nitong mga nakaraang buwan. at ito ang kwento,


Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa Makati at meron akong katrabahong babae na naging close ko.

At mas lumalim pa ang ugnayan namin di naglaon, we've made plans, napapadalas na dinner date, palaging pag uusap at feeling ko that time concern na sya talaga sa akin.

Hanggang sa nagkaroon na kami ng tawagan. na hindi ko naman inakala, tapos sa work hinihintay na nya ako para sabay na kaming umuwi, hinahatid ko na sya sa kanto nila kahit sa taguig sya umuuwi at sa cavite naman ako.

Hanggang sa nag i love you na sya sa akin, at ito na ang masaklap. Nang ako na ang umamin sa kanya tungkol sa feelings ko kasi parang nag aantayan na lang kami,

ito ang sinabi nya

"Mali ang ginagawa natin, hindi ito tama"

and then I asked her why, and she's avoiding the topic all the time. Kung hindi nya iibahin ang usapan, i si-seen lang message mo hanggang sa umiiwas na sya, until then I decided na tapusin na kung ano iyong meron kami dahil nga "mali" daw ang ginagawa namin.

Ayaw ni girl, hindi ko maintindihan ayaw nyang tapusin, ako na iyong lumalayo pero gusto nya na mag usap kami, she almost cry sa harap ko na lalong nag pa confuse sa akin.

Sabi nya she wanted to save our friendship kaya daw ganun na lang ang pag rereact nya, pero sa part ko mahirap iyon, I'm a guy na may feelings sa kanya and then she wanted to become friends, para nya akong tinotorture nun. She told me na ayaw nya pa ng committment and I'm fully aware of that, when I confessed my feelings to her I told her na hindi ko naman kailangan ng sagot nya or if needed maging kami nga.

Question: Ano bang plano ng babaeng yon, plano nya ba akong i-hang? or friendship lang talaga? confusing at magulo daw talaga ung sitwasyon namin sabi ng mga nauna ko nang nasabihan.

I respected her decisions regarding sa hindi pa sya ready, takot pa syang masaktan mechanism.

Mga ka symb, dito ko na lang tatapusin ang aking istorya.

P.S Hindi ko maintindihan tong babae na to sa gusto nyang mangyari. Feel free to ask questions kung may nakalimutan ako sa scene.

Maraming salamat sa sasagot!
 
Mahirap talaga intindihin ang mga babae bro.
they just feel what they feel, reasonable or not.

From my perspective.

pag ganyan na kasi ang nangyayari, obviously there's no turning back na.
di mo naman mabubura ang feeling ng walang kapalit na sakit o sama ng loob.

So, If I was in your position.
I'd tell her the pros and cons of the situation
and try to understand her situation from her standpoint
explain a little of your side (don't make it sound like ikaw ang talo, dapat pareho kayong talo)
may kanya kanya rin kasi tayo dahilan sa mga gusto natin
then if possible I'll try to make compromises
pag wala, I'll tell her, na ang hinihingi nya ay too much for me to give.
(but that's the last option..)

so from where you are in that story right now,
it might be best to understand kung bakit ganyan ang pinagdadaanan niya
show her na you can both be a friend and a lover (but not a friend only)
ask her subtly kung bakit ganun ang nararamdaman niya.

then assess the situation carefully,

ask a couple of things to yourself..

do you find it reasonable?
is it necessary to make compromises?
what are the necessary compromises?
can you all this with an underlying risk of failure?
just for the sake of your feelings?

If you believe you can do all that sacrifice for the girl you like/love
and you think you can indulge unselfishly that emotion of yours
then please do so.. :)

And I hope for your success bro :salute:

----------------

Also it would be nice to know pag ganyan nilalagyan niyo na ng boundary ang relationship niyo
kung ano ba talaga ang nararamdaman niyo para sa isa't isa
 
Last edited:
I guess she likes what's going on as long as walang label or commitment. She just wants the both of you to enjoy the ride at sayawin mo lang ang tugtog niya. That's all there is to it. So it's either you're in or not. I don't think it is difficult since you already know the real reason unless you can't control your feelings. So just go with the flow but if you think you will fall deeply and you're afraid of getting hurt then you need to cut ties right away.
 
Or she has someone else and yet she likes you also. Don't skip that part also. Hindi magsasabi ng "i love you" yan kung may "masasaktan mechanism". Tama ang sinabi mo na ang hirap nung may feelings ka para sa kanya pero ayaw ka naman nyang pumasok sa buhay nya totally. Saklap nun. Naghihintay at umaasa sa wala
 
Or she has someone else and yet she likes you also. Don't skip that part also. Hindi magsasabi ng "i love you" yan kung may "masasaktan mechanism". Tama ang sinabi mo na ang hirap nung may feelings ka para sa kanya pero ayaw ka naman nyang pumasok sa buhay nya totally. Saklap nun. Naghihintay at umaasa sa wala

Feeling ko nga na well played ako eh. parang tinesting lang ako. badtrip aahahahha

- - - Updated - - -

I guess she likes what's going on as long as walang label or commitment. She just wants the both of you to enjoy the ride at sayawin mo lang ang tugtog niya. That's all there is to it. So it's either you're in or not. I don't think it is difficult since you already know the real reason unless you can't control your feelings. So just go with the flow but if you think you will fall deeply and you're afraid of getting hurt then you need to cut ties right away.



Ganun na nga boss, gujsto nya ako maging friend tapos with feelings sa isat isa, plano lang akong i hang ni girl. tapos paasa lang sa wala, tama mga sinabi nyo mga bossing.
 
Last edited:
Malapit na sa concept ng "friends with benefits" ang gustong mangyari ni girl :rofl::lmao: marami namang iba jan brad. And I think, she's not the right one for you :thumbsup:
 
Malapit na sa concept ng "friends with benefits" ang gustong mangyari ni girl :rofl::lmao: marami namang iba jan brad. And I think, she's not the right one for you :thumbsup:

Oo nga boss eh, takte holding hands sa mall, sa public vehicle, kiss. tapos friend pa rin? ahahaha
 
Baka gusto ka nya gawin "bes" haha! baka naman merong iba pa at naguguluhan sya kung sino sa inyong dalawa.:dance:
 
Oo nga boss eh, takte holding hands sa mall, sa public vehicle, kiss. tapos friend pa rin? ahahaha

Meron nang kiss? San banda? :lol: Di ko rin magets ang gusto nyang girl mo brad. Alam mo yung kantang MANGGA? Parang ganyang lang situation nyo :rofl:

Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
hindi ko akalain na mapapaikot mo ako
sa kasinungalingan na pinagmamalaki mo pa
huling huli ka na nga
Ngayon ako'y nanginginig
Sa katotohanang ika'y mahal ko
pero sa iyo ay kalandian lang ako
May araw ka ring leche ka
Makakaganti rin ako
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka.

:laugh::lolcard:
 
Meron nang kiss? San banda? :lol: Di ko rin magets ang gusto nyang girl mo brad. Alam mo yung kantang MANGGA? Parang ganyang lang situation nyo :rofl:

Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
hindi ko akalain na mapapaikot mo ako
sa kasinungalingan na pinagmamalaki mo pa
huling huli ka na nga
Ngayon ako'y nanginginig
Sa katotohanang ika'y mahal ko
pero sa iyo ay kalandian lang ako
May araw ka ring leche ka
Makakaganti rin ako
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka.

:laugh::lolcard:




Ahahahahaa, landian gaming lang ata gusto. kaso ang galing umarte, dinaan pa ako sa paiyak iyak, di ko naman alam kung sincere o hindi ung pag iyak nun.
Di ko rin tlga alam ang gagawin.
Ung sa kiss nga pala sa forehead, chicks, at lips ko nahalikan bossing. tapos FRIEND pa rin? takte tlga

- - - Updated - - -

Baka gusto ka nya gawin "bes" haha! baka naman merong iba pa at naguguluhan sya kung sino sa inyong dalawa.:dance:

Bossing, wala namang iba "daw" sabi nya. pero nung nag cut ties na kami dun ko lang nakita ung mga abangers pala sa work namin. ahaha

- - - Updated - - -

pinag landi lang kayo ng tadhana

Ganun na nga siguro un boss. Salamat sa mga opinyon nyo. Common na talaga ung ganitong babae nowadays.
 
Sir pakinggan mo yung bagong kanta ng giniling festival "Landian Lang" theme song mo ngayon yan hahaha.

"Landian lang bawal ang seryoso
Dahil gutay-gutay na ang aking puso
Galing sa pag-ibig na akala ko totoo
Seryoso ako pero siya landian lang"
 
Kung nagkaroon kayo ng intimacy or sex, well... Ang tawag dyan panakip butas. May ibang gustong lalake yan na di posible sa kanya kaya napagbabalingan ka. Ang kaso sa pagbaling nya sayo, lumalim pero kelangan nya putulin kasi umaasa pa din sya sa gusto nya. May pagka-selfish sya and at the same time napaka-vulnerable. Nasa iyo yan kung paano mo sya pangangalagaan.. bilang kaibigan ba o mas higit pa. Ang babae emitional blunder, yan ang problema.
 
Back
Top Bottom