Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[HELP] suggest me a better guitar lessons

raikonnen29

The Fanatic
Advanced Member
Messages
414
Reaction score
0
Points
26
mga sir na halimaw sa gitara o yung mga nakakaalam kung pano maggitara, bigyan nyo naman ako ng mga effective na guitar lessons yung mejo madaling makuha, hehe ako lang ata ang drummer na walang alam sa gitara :noidea: kaya try ko subukan bago magpasko o bago matapos ang 2011 eh marunog na ko mag-gitara, yeah! rakenrol!

:xmas:
:band:
 
sir i started playing the guitar nung grade 4 ako...self thought po ako...kasi walang gustong magturo sa akin nung mga time na yun...share ko lang po yung approach ko nung nag aaral ako kung pano mag gitara..dapat my inspirasyon ka sir kasi yun ang magmomotivate sayo upang matuto..dapat may goal ka din na i-seset in mind..kunwari,dapat ngayong araw na to matutunan mo yung basic major chords..dapat magset ka din ng time sa pagpapraktis..kunwari dapat per day meron kang 1 hour to praktis..pero ako noon right after school gitara na inaatupag ko hanggang madaling araw..ganun ako kaadik noon sa gitara...tapos yung mga lessons ko naman noon eh first dapat may chord chart ka..learn the basic chords yung A,B,C,D,E,F,G....tapos learn a strumming pattern..halimbawa sa chord na A gawa ka ng strumming pattern na "down down up up,down down up up" halimbawa lang yun sir denpende na sa preference m kung ano gusto mong pattern tapos learn how to change chord na hindi ka magpopost o titigil sa pagsstrum in between chords..in that way maisasaulo m yung mga chords tsaka prineprepare ka ng exercise na yun on accompanying a song..kasi ang pangit pakinggan kung nagcocover ka ng song tapos nagpopost ka in between chords kasi hindi mo kabisado ung mga chords...gets mo sir?pag marunong ka nang magstrum tapos mabilis ka na rin magchange chord tumingin ka na ng song na madali lang yung chord pattern..like yung mga chord pattern na D-A-G-A (ang walang kamatayan,hehehe!!!!) or D-A-Bm-G and the like....if makaencounter ka ng mga chords like Am,Asus,Adim,A7 etc...dun na papasok uli si chord chart...dapat din well synchronized ang left and right hand mo..i mean yung pagstrum m dapat sakto sa timing pag nagchange chord ka na,gets?you'll learn different strumming patterns habang tumatagal sir..sabagay drummer ka sir marunong ka naman siguro sumabay sa beat,you know what i mean right?...tapos next try mo na magplucking...yun ang medyo mahirap ituro pa sa ngayon sir...i don't recommed and i don't use tabs na nadadownload sa internet...tabs will make you lazy and idiot...hindi yun nakakatulong..sakin lahat ng songs na alam ko i-play is kinapa ko lang...until now na meron akong band...it will make you feel great kung makakapa ka ng song believe me....

sa ngayon sir eto na lang po muna siguro maishashare ko sa inyo....sana po nakatulong.....:band::band::band:
 
wow, tnx sir sa malaman mong comment hehe, gagawin ko yang sinabi mo. sa ngayon yung you and me ng lifehouse kinakapa ko, ayos na ba yun? :noidea:, tnx tnx tnx:yipee:
 
Ayos yung isang nag comment ah. Gusto ko rin matuto pa ng guitar. Right now medyo marunong na pero konting konti palang. Medyo hirap nga ng plucking. Any tips naman.
 
Sa una lang po yan mahirap pero pag nasanay ka na madali na yan,para madali ka matuto dapat matalas ang pandinig mo sa tempo at tono,ung tipong pag narinig mo yung kanta kaya mong maisaulo,kc kapag nasa utak mo na ung tunog may pagbabasehan ka na kung panu mo tutugtugin... Pwede ka rin tumingin sa tablature para may guide k.At sympre pinaka-importante dapat may TIYAGA ka...
 
Last edited:
mahirap talaga sa umpisa... kumbaga parang sanggol yan na sinasanay tumayo at maglakad... its all down to basic anatomy... naninibago pa ang utak sa pag process ng mga galaw ng daliri...
kahit ako hindi pa sanay ang utak ko sa five finger plucking :slap:

but just be patient... get it done one step at a time... :approve:

PRACTICE!
 
two :thumbsup: sa post ni sir urvine ..
halos lahat ng gusto ko sabihin nasa post na nya .. Haha :lol: wala na ko msshare .. malinaw naman yung pagpapaliwanag nya :D

basta magpractice ka lang ng magpractice ..
Pag matyaga ka matututo ka nyan :)
 
I tried the Steve Vai 30hr workout.
It starts from finger exercises..then progresses to chords then to advance techniques. Pretty easy to follow. But it won't teach you how to play a specific song. Ya gotta learn those yourself.

If you want to skip the grueling exercises you can google-fu some songs ya like and learn it from tabs. Its much more fun to learn songs you like. Tapos pag medyo nakukuha mo na subukan mo na sir sabayan yung kanta mismo.

Also, don't forget to put your guitar to the standard tuning before playing(or if you play songs tuned differently put it there). Mahirap kasi masanay sa tunog ng gitarang wala sa standard. Hope this could help even a little.
 
bili ka nang songhits may chord chart dun hehehehe sa songhits ako nag simula mag gitara
 
Urvine, salamat sa mga tips mo ang dami kung natutunan sayo, medyo alam ko na maggitara kaso kelangan ko pa din ng maraming tips mula sa mga guitarista talaga para kahit papano umangat pa ang playing skills ko. TS ganda ng thread mo.
 
wala pong anuman mga masters...kung may tanong pa po kayo or gusto pang malaman na tips,pm nyo na lang po ako...i am very willing to share my knowledge and experiences about playing the guitar...wala pa kasi akong time para gumawa ng thread about this..kasi pansin ko daming gusto matuto mag gitara dito...baka kasi mapabayaan ko lang yung thread pag gumawa ako kasi i'm still studying nursing...second courser po...but willing naman po ako tulungan kayo sa mga gusto matuto..pm nyo na lang ako...

salamat po...
 
Galing talaga ng post ni master urvine.. cguro dagdag lang po tong sasabihin ko.
based on exp. narin po, same po tau dati walang nagturo sakin pro gustong gusto ko talaga mato2 mgguitar.. sabi mo nga first step dapat my chords chart ka un din ginawa ko until natotonan kona mga basic at major chords.
para po hindi ma lito ito po basic guidance ko sa mga bagohan..
1. mag umpisa sa basic chordings, kung my gusto kaung kanta na e play
kunin nyo mona ang chords nito, hindi naman cnabi ni master urvine na masama gumamit ng tabs di poba?
2. after nyo po makuha ung chords ng kanta, e practice nyo po ung pagkasunod2 ng chords or memorize it.
3. pag na memorize nyo na sabayan nyo po ang kanta na gusto nyo, i mean i play nyo ung kanta sa computer or radio then sabayan nyo para makuha nyo po ang pag stram nito.
4. pagnagawa mo ng sabayan ang kanta perfect na, din dun sabayan mona ng kanta yon kung memorize mo ang lyrics ng kanta :yipee: hehe..

ung pagkapa po ng kanta or tunog para napo sa mga high level na guitarist.
basic lang po tong guide ko, para lang po sa mga bagohan =)

sa plucking naman po, kung gusto mo matu2nan pano mag plucking, gamit po kau ng tabs adun dun na kung ano ang kakalabitin mong string at kung ano ang pi2ndontin mong string =)

ganon rin po ung guide sa pag plucking, memorize ang pattern yong chords, sumabay sa kanta then un ok na..

para sa mga chords at tabs ng mga kanta visit ultimate-guitar.com.

enjoy po..
 
based on my experience natuto ako mag gitara siguro 7-8 yrs old (kasi nasa lahi talaga namen yung pag gigitara when the first time na nakita ko yung tito ko na nag gigitara dun na ko ginanahan pero syempre bata pa ko kaya mga larularuan lang ginagawa ko at yung pag gigitara paminsan minsan lang) then i decide na matuto na nga talaga first basic lang talaga A B C D E F G and minors ang una kong natutunan then SIMPLE E SCALE (SAbi ng tito ko kapag wala raw ako matugtog mag scale muna daw ako gang gumaan yung kamay ko kaka scale) then hanggang natutunan ko mag SEPRA, CASSETTE TAPE pa ang uso non sabi ng tito ko subukan ko raw pakinggan yung TUNOG ng BASS then ALAMIN ko sa mga ALAM kong CHORDS kung anu yung PINAKA KATUNOG nung BASS dun nahasa yung tenga ko kahit pa maka isang daang rewind ako sa CASSETTE TAPE hindi ako humihinto makapa ko lang yung chords then ayun hanggang sa madinig ko lang ng mga 3 to 5 times yung CHORDS alam ko na, experience lang talaga ang makakapag turo sayo syempre malaking bagay din yung TITO ko na HALIMAW mag gitara, gang sa AYAW na nya akong TURUAN dahil mawiwili raw ako at hindi daw gaganda ang PANENGA(or SEPRA) ko so ayun nag aral na ko ng sarili ko at isa pa nga pala HINDI RAW MAGANDANG BUMAGAY SA MGA TAB dahil may sarili daw tayong paraan Or way PARA MA SEPRA YUNG KANTA (kasi daw pag asa nalang ng asa sa TAB tatamarin na daw ako sumepra) pero tama sya dun kaya para sakin hindi maganda na mag tab (based lang naman yun sakin)

eto yung simple tips ko para sa may mga balak bumili ng acoustic guitar

hanapin nyo yung mababa ang fret then kapag tinipahan nyo eh walang garalgal (OR SABIT)

if kabisado nyo yung tunog ng E sa 12 fret tipahan nyo hanngang dun if OK yung TUNOG nya at walang sayad then para sakin maganda yun
 
Last edited:
help naman mga parekoy , kakabili ko lan ng gitara nung isang araw , pero d ko alam kun san ako magsisimula haha , may mga link ba kayo para sa beginner na tulad ko na nag uumpisa palan na meron tutorial , salamat
 
try mo ung lick n riff sa youtube magaling ung nagtuturo dun madali mong makukuha ung mga kanta fingerstyle pa..
 
Know the basic theory muna sa music para hindi maligaw..like ung basic chord construction ,chord progression sa major/minor key..tapos nood na lang sa youtube ng mga proper positioning ng left and right hand para sa pagtipa at pag strum..pag nakabisado mo na mga yan pwedi ka na mag jump sa mga basic scale major/minor/penatonic,modes,mode-chord progression relation at ung proper finger positioning sa mga fret para maexecute ng maayos ung mga series of notes ng isang scale..wag masyado magmadali at mainipin kailangan jan ng disipline,patience at constant correct practice para mahasa ung playing at hearing mo.
 
mga sir na halimaw sa gitara o yung mga nakakaalam kung pano maggitara, bigyan nyo naman ako ng mga effective na guitar lessons yung mejo madaling makuha, hehe ako lang ata ang drummer na walang alam sa gitara :noidea: kaya try ko subukan bago magpasko o bago matapos ang 2011 eh marunog na ko mag-gitara, yeah! rakenrol!

:xmas:
:band:

try mong maki jamming sa bulag dyan sa ilalim ng tulay, bawal na gamot ni Willy G, sarap pag praktisan. hehe.
 
master taga cebu po ba kayo? pwede po ba magpa tutor? Willing to learn po tlaaga ako. Tnx

- - - Updated - - -

wala pong anuman mga masters...kung may tanong pa po kayo or gusto pang malaman na tips,pm nyo na lang po ako...i am very willing to share my knowledge and experiences about playing the guitar...wala pa kasi akong time para gumawa ng thread about this..kasi pansin ko daming gusto matuto mag gitara dito...baka kasi mapabayaan ko lang yung thread pag gumawa ako kasi i'm still studying nursing...second courser po...but willing naman po ako tulungan kayo sa mga gusto matuto..pm nyo na lang ako...

salamat po...

Master Urvine, taga cebu po ba kayo? willing po akong matuto.. Pwede po ba magpa tutor?
 
Last edited:
Ayos yung isang nag comment ah. Gusto ko rin matuto pa ng guitar. Right now medyo marunong na pero konting konti palang. Medyo hirap nga ng plucking. Any tips naman.


Para sakin pag sa plucking sir eh kunin mo muna yung base note ng note na gusto mong ipluck. Let's say for example and A (sa 5th or 4 string ka magsturt mag pluck) What I usually do is tamaan mo base (5th papunta ng 1st string then upwards tapos pag nasanay ka na, gawin mong alternate)

i.e.

A Chord

*Pluck ka sa base chord nya then go downwards, pag alternate (5th string, 3rd, 4th, 2nd, 1st) Experiment ka brad it helps.
 
Back
Top Bottom