Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hi! Worth it po ba magaral ng programming/web dev kahit 27yrs old nako?

whoissuperb

Recruit
Basic Member
Messages
2
Reaction score
0
Points
16
nakakatawang tanong pero seryoso po ako.
web navigational skills, microsoft office
at konting basic things lang sa html ang alam ko.
too late naba magaral ako ng programming?
tipong may pagasa ba matuto ako kahit eto lang alam ko?
gustung gusto ko kase talaga matuto eh.
willing ako magtake ng classes at seminars.
naisip ko lang baka kase di ako makasabay sa generation
ngayon kase ang tanda ko na, tapos noob ako talaga.
hehehe. . .
 
Nasa tao yan kung gusto mung matuto. Wala sa age yan.
 
nakakatawang tanong pero seryoso po ako.
web navigational skills, microsoft office
at konting basic things lang sa html ang alam ko.
too late naba magaral ako ng programming?
tipong may pagasa ba matuto ako kahit eto lang alam ko?
gustung gusto ko kase talaga matuto eh.
willing ako magtake ng classes at seminars.
naisip ko lang baka kase di ako makasabay sa generation
ngayon kase ang tanda ko na, tapos noob ako talaga.
hehehe. . .

Nooooo, it's never too late.
May pag-asa ka pa ba matuto? Of course! Oo naman, yes! Napakaraming resources na nagkalat sa internet. From Mobile App development, Web development, etc. Napakadami. Both Paid and Free. Gaya ng mga courses sa Udemy. Sa youtube na nga lang sandamakmak ng tutorials ang makikita mo. From basic to advance. At kung minsan hanggang expert level na din. Kung gustong-gusto mo talaga matuto, walang imposible. Maraming seminars ang available dito satin. Pati na din mga coding bootcamps madami din. Search ka lang sa facebook. Wag mo ng isipin yang kesyo baka hindi ka makasabay sa generation ngayon. Ang isipin mo eh kung kaya mo bang sabayan yung sobrang bilis na pagbabago. Tsaka lahat tayo nag-uumpisa sa pagiging "noob" kaya okay lang yan.

Same age din lang tayo at nag-aaral ulit ako ngayon tho I'm on my last year na. Wag kang panghinaan ng loob o kung ano pa man. Kung gusto mo talaga yang bagay na yan, gawin mo. Gaya ko, enough with the doubts already. Iba-iba ang kakayahan natin. Self-study din lang ako ngayon. Mahirap kung sa mahirap pero ganun talaga at wala namang madali. Lahat paghihirapan mo talaga. Pwera na lang kung pinanganak kang genius. Hahahaha. Pero mas gusto ko yung ganito, yung nahihirapan sa una. Kasi ang sarap sa feeling ng mga nagiging achievements mo along the way while you're learning. Basta go lang!
 
Oo naman. Si Jack Ma nga ng Alibaba naging successful nung lagpas na sya sa 27y/o eh. Kaw lang naman makakapag sabi kung worth it ba yung path na tatahakin mo. Kung gusto mo tlga mapunta sa isang field, kakayanin mo yan. Para ma-enlighten ka, try mo check tong article: https://www.2knowmyself.com/10_famous_people_who_succeeded_later_in_life.

Yung mga taong nabanggit dyan, mga may edad na sila nung na-achieve nila yung goals nila. Yang edad mo na 27y/o naku ang bata pa nyan. Go lang, pag aralan mo na ang programming/web dev. Pero dapat nasa tamang place ka para pag aralan yan. Kase kung mag self-study ka lang, wala kang edge over sa iba na nakapag formal education. Sa job search, marami kang competitors. Kya dapat meron ka laging edge. Meron akong alam na schools na maganda ang turo sa programming/web dev. Try mo visit tong sites: nila:
https://www.ciit.edu.ph/specialist-courses/
http://xsite.dlsu.edu.ph/academics/colleges/ccs/
 
Pwding pwde pa yan TS, target mo na ung Front and Backend sa Web Dev. :thumbsup: :thumbsup:
 
Back
Top Bottom