Sadyang napakahirap ang lumimot,
Lalo na’t ramdam pa rin ang kirot.
At bumabagabag pa rin ang takot.
Takot na may halong poot.
Hanggang kalian ba ako magtitiis,
Buhay ko’y punong puno ng hinagpis.
Kailan ako titigil sa aking pagtangis?
Paglimot sa sakit ang tanging ninanais.
Sakali mang ako’y makalimot na,
Pwede bang ipahinga ko muna?
Subukan ko lang ang mapag-isa.
Sarili ko muna bago ang iba.
Baka sakaling bumalik ang aking sigla.
Lalo na’t ramdam pa rin ang kirot.
At bumabagabag pa rin ang takot.
Takot na may halong poot.
Hanggang kalian ba ako magtitiis,
Buhay ko’y punong puno ng hinagpis.
Kailan ako titigil sa aking pagtangis?
Paglimot sa sakit ang tanging ninanais.
Sakali mang ako’y makalimot na,
Pwede bang ipahinga ko muna?
Subukan ko lang ang mapag-isa.
Sarili ko muna bago ang iba.
Baka sakaling bumalik ang aking sigla.