Re: Hyperacidity, Gastritis, Dyspepsia and Other Stomach Pro
feel ko puno ng hangin yung tiyan ko
napapadalas dighay ko
parang stiff yung sikmura ko..
1 time lang ako naduwal
kahit konti lang kinain ko parang busog na busog ako
anu kaya ito hyper acidity??
Ganyan din nararamdaman ko.
Oo, hyperacidity siya, sa tingin ko lang.
Ako naman, nagsimula siya last thursday, pag higa ko sa kama pagkatapos busugin ko sa isang maanghang na putahe.
Nung mga nakaraang buwan ang hilig ko uminom ng Chillz(Coffee), kadalasan walang laman yung tiyan, tapos napapasuka ako kadalasan pagkatapos kumain. Ayun.
Dumating nga yung pinaka pinnacle, tumigas tiyan ko at parang bloated.
Nung day 1 at day 2, I was really uncomfortable, yung bloating talaga at paninigas ang iniisip ko, yung mga kapatid ko, tita ko at mama ko naiirita sa akin dahil pinapansin ko raw.
So after that, nag adjust ako ng lifestyle:
Nung day 3, sinabihan ako ng tita ko na mag exercise ako sa umaga, stretching lalo na dun sa abdominal area. Tapos inom rin ng madalas na hindi malamig na tubig. Pero nung kinahapunan eh naging iritable ako dahil sa pagod (Wala akong kinain kundi Nissin Wafer at hansel sandwich lang kinain ko buong araw).
Nung day 4, kumonti na yung pag bloat ng tiyan ko, tuloy ang exercise, masarap sa pakiramdam. Pero iniisip ko pa rin yung mga kirot sa iba't ibang parte ng abdomen ko (Natural daw iyon sabi ng Tita ko), dumumi ako ng matubig, pero yung ibang particles ay clumped.
Eto, ngayon, day 5, so far, OK, halos wala na yung bloating, may mga episodes na didighay ako(Hindi sour pero parang kanina may kasamang likido na maasim, siguro dahil wala akong lunch.).
Checking ko till day 7 kung bubuti ang lagay ko, kaso parang hindi ako makatae(Gusto ko kasing tumae eh).
Pero I swear, mag iistretching ako sa umaga tapos brisk walking papuntang school if ever. Tapos iwas na rin sa kasubugan at iwas Chillz(Pero parang gusto ko pa rin eh, kain nalang ako ng tinapay incase).
At sana lang, mabuhay ang thread na ito, nasan kaya si TS?