Hi,
Paano po ba maiwasan o mawala ang pabalik balik na hypokalemia?
Salamat!
Magandang araw kaibigan! Ang hypokalemia o pagbaba ng pottasium sa katawan ay maraming pwedeng maging sanhi gaya ng:
(1) low potassium diet or eto yung kulang ung pag kaen mo ng mga pagkaing rich in potassium
(2) increase yung excretion mo ng potassion/ or potassium loss
(3) ibat ibang uri ng sakit gaya ng tumor, genetic problem, sakit sa bato, hypomagnesemia (mababa yung magnesium)
(4) mga gamot na pwedeng magpa baba ng potassium gaya ng diuretics (eto yung mga kadalasang binibigay sa mga may mataas ang blood pressure), Antifungal drugs (amphotericin B), high dose penicillin (isang uri ng antibiotic)
(5) genetic disorders - eto yung mga sakit na namamana sa magulang natin.
Ngayon kung mapapansin mo maraming pwedeng maging dahilang ng pag baba ng potassium lalo na sa case mo ay pabalik-balik ito. Mahirap i assess thru internet ang kaso mo kinakailangan kunin ka ng history (kung kelan nag simula, kelan bumabalik, etc.) at mga lab work-up para sa case mo.
Ang magandang gawin dyan nay mag pa check-up kana para malaman kung ano ba talaga yung pinaka dahilan ng pag baba ng potassium mo.
Narito ang mga pwede mong gawin para maiwasan ang pagbaba ng potassium.
(1) Kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium (banana, potato, spinach, avocado, etc.)
(2) Wag gumamit ng laxatives (eto ung mga gamot na pampatae)
(3) Exercise at healthy diet
(4) Pinaka importante ay makapag pa check up ka ASAP.
Sana makatulong sa'yo ito at na kumbinsi kita na mag pa tingin sa iyong doctor.